chapter 1
Noon pa man ay malaki ang utang na loob ko kay mama, siya ang bayani ng buhay ko, siya ang lagi sumasalo sa mga pasakit na binibigay saakin ni papa, siya ang unang nagturo sakin kung papaano lumaban ang mga babae sa lalake. Simula noong iniwan kami ni papa siya na ang tumayong ama para sa akin. Ngunit kung malaki man ang utang na loob ko sa kaniya, may mas malaking utang na loob rin siya sa kaibigan niya. Siya ang tumulong kay mama noong nahihirapan siya, binigyan niya si mama ng trabaho upang mag simula ulit, kaya medyo nakaraos kami sa pag hihirap.
Si papa ang rason kung bakit ayaw ko mag asawa at magpakasal, natatakot ako na baka saktan din ako ng lalake na papakasalan ko, kaya simula noon ay hindi na ako naniniwala sa mga pagibig dahil para sa akin ay pasakit na lamang ang mga lalake.
Ngunit bakit ang huling hiling ni mama ay pakasalan ko ang anak ng kaibigan niya? Ano ang mapapala ko kung papakasalan ko siya? Pasakit lamang iyan para sa akin.
Hindi ko kailangan ng lalake sa buhay ko.
Pagkatapos ng burol ni mama ay sinundo ako ng magarbong kotse, napakunot ako ng pinag buksan ako ng pinto, e may kamay naman ako, hindi ko kailangan ng tulong kung kaya ko naman.
Huminto ang kotse sa napaka laking gate, hindi ko alam na ganito pala kayaman ang mga Alexander. Bago pa man kami makarating sa mansyon ay malawak ang paligid ngunit wala man lang ni isang puno o mga halaman ang nakatamin roon. Habang naroroon pa ako sa loob ng kotse ay nakita ko na nakaabang na agad ang maraming tao sa labas at naka suot ng mamahaling damit.
Bago pa man ako pag buksan ng lalake ay inunahan kuna agad siya at lumabas, sumalubong saakin ang kaibigan ni mama, subrang puti nito at chinita, mukhang lahing amerikana.
"Yumi..."
Binati ako nito ngunit pangalan ni mama ang tinawag niya saakin, hinawakan niya ang braso ko at hinila ako papasok ng mansyon. Kuminang ang mga mata ko nang makita ko ay halos kulay ginto ang naroroon, tumingin man ako kahit saan ay nakikita ko ang repleksyon ko dahil sa kintab ng mga bagay na naroroon.
Pinunta niya ako sa malaking kwarto na para lamang sa mga bisita, kung susukatin ay mas malaki pa ito sa buong bahay namin.
"Yumi?, you look uncomfortable" pansin ng babae saakin, ang pagbigkas ng ingles nito ay tuwid. Halatang sanay na sa pagsasalita ng ingles, kulay asul ang mga mata nito, kasing asul ng langit, maiksi lamang ang buhok nito na hanggang balikat, kahit simple lamang ang suot nito ay nag mumukha parin siyang kaakit akit dahil sa kulay ng balat at ganda ng babae.
Bahagya akong ngumiti sa kaniya, napakamot na lamang ako sa batok ko dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Tinatanong kupa ang sarili ko kung ingles ba isasagot ko? O tagalog? Hindi ko alam kung paano ni mama nakakausap ang ganitong ka gandang babae.
"Yumi... if you need something just tell me, ok?" Nag salita ito ulit saakin, hinawakan nito ang kamay ko.
"Ahaha, yes ma'am"
Sinagot ko siya ngunit pailang iyon, pero bakit nga ba niya tinatawag ang pangalan ni mama? Hindi niya ba alam pangalan ko?
"Kamukha mo talaga ang nanay mo, anak" muli siyang nag salita sa akin at ngumiti. Sa wakas ay nag salita ito ng tagalog, akala ko hindi siya marunong mag tagalog.
"Sa..salamat po"
"Patawad sa nangyari anak." Ani niya saakin.
"Bakit po kailangan ko pa pakasalan ang inyong anak? Ayos lang ba sainyo iyon?" Seneryoso ko siya ng tanong, napatingin ito sa akin ngunit inilagan ko ito.
"Patawad kung ikaw pa ang napili ko, siguro kasi ito narin ang oras para matuto mag mahal ang anak ko. He is childish and arrogant."
Sumagot ito saakin at binitawan ang kamay ko, bakit pa ako kung marami namang iba? Hindi ba sila pwedeng mag antay kung kailan titino ang anak nila?
" He don't know how powerful love is, love has a power to change you" ani pa niya.
But love can also kill you, right?...
"Paano po kung hindi parin siya matutoto?" Tanong ko sa kaniya.
Napatayo ang babae " We don't know what would happen if he didn't, but I am confident that you can alter him." Sagot niya saakin "The maid will guide you to your room, and you should rest." dagdag pa nito at umalis.
Hindi ko akalain na ang mga katulong pala ay ang nadaanan kong mga tao kanina sa labas at nakasuot ng mamahaling damit, kaya pala ay pareho sila ng mga suot.
▪︎▪︎▪︎
Hindi ko alam kung ano ang mangyayari saakin sa loob ng mansyon na ito, pero sa oras na natuto ang lalakeng iyon ay makikipag hiwalay ako sa kaniya at aalis sa mansyon na ito, total hindi naman namin gusto ang isa't isa, ang tanging misyon ko lang ay turuan ang lalake, ngunit paano ko siya tuturuan kung ayaw ko sa lalake? At hindi ako naniniwala sa mga pagibig?...
Sumunod na araw,
"Magandang umaga, bianca. Did you rest well?" Tanong ng babae sa akin, kakagising niya palang ngunit bakit hindi man lang kumupas ang kaniyang kagandahan.
Nginitian ko ang babae at tumango sa kaniya, may kahabaan ang lamesa at umupo ako sa dulo dahil sa pagkailang parin sa kaniya.
"Good morning, mama"
Lumakas ang pag kutob ng puso ko nang marinig ko ang boses ng lalake, nang lumingon ako rito ay nakita ko ang isang may katabaang lalake, medyo nakita pa ang tiyan nito dahil hindi na halos mag kasya sa kaniya ang suot niyang damit. Napatingin ito sa akin ngunit iniwasan ko sya ng tingin at napainom na lamang sa mangkok na nasa tabi ng kamay ko. Matabang ang sabaw naiyon, walang kalasa lasa, ganito ba ang mga pagkain ng mga mayayaman?.
"AHAHAHA, mama ininom niya yung hugasan ng kamay"
Naluwa ko ang sabaw na ininom ko at nabilaukan sa sinabi ng lalake, tama nga sinabi ng babae isip bata ang anak niya! Hindi ko naman alam na hugasan pala to ng kamay, ganito ba talaga ang mayayaman hindi nalang ba sila tatayo para mag hugas ng kamay sa kusina? Tsk!
"Hey, don't say that." Suway ng babae sa anak nito.
Mamaya maya pa ay lumabas ang dalawang matatangkad at chinito na lalake "good morning ma" sabay na bati nito sa babae.
"Bianca, this is jacob ang panganay ko. Ito naman si kyle ang pangalawa sa panganay at ito si jay ang bunso ko" pag papakilala ng babae sa mga anak niya, Nalilito ako kung sino ba yung papakasalan ko. Hindi man lang sinabi sakin ni mama kung ano pangalan ng lalake ano huhulaan ko nalang? "But, as always, kiel is not here. Makikita morin siya don't worry." Dagdag niya pa, ilan ba talaga anak nito?! Siya ba yung lalake na papakasalan ko?
"Ma, aalis na ako busy kasi ako marami pako aayusin sa company natin." Pag mamadaling sabi ni jacob, matangkad at mukha matured siya. Si kyle naman ay cute, mukhang gamer base sa suot nito. And si jay naman cute din siya, pero mukhang isip bata na pabaya, base sa nakita ko sa kaniya. Madumi ang kuko, medyo mahaba na buhok niya at balbas niya, i don't know siguro dahil bunso siya at ene spoiled siya. Ang isa nalang ang hindi ko nakikita, sana naman hindi siya ganoon ka isip bata.
"Hoy, ikaw ba si bianca?"
Umupo si jay sa tabi ko at nag tanong, hindi ba obvious na tinawag ako ng mama niya kanina?
"Oo" sumagot ako sa kaniya at sumubo nalang ng grapes sa lamesa.
"Humanda ka kay kuya kiel, masungit yun at hindi namamansin sa mga babae. HAHAHAHA"
pananakot ni jay saakin, mukha ngang 28 years old, pang 3 years old naman ang utak.
Napalingon kami sa pintuan ng may marinig kaming yapak "HWAHAHAH, ayan na ata si kuya kiel" ani pa ni jay.
Rinig ko ang malakas na tunog ng puso ko, kinakabahan naako sana hindi siya katulad ni jay, susuko talaga ako.
"Hey, keil. Good morning, say hi to your future wife" pagbati sa kaniya ng babae
Bahagya akong tumingin sa lalake, naka hinga ako ng hindi naman ito gaano mukhang makulit, kung tititigan nga e medyo matured siya, mas matured pa sa panganay nila.
Hindi ito nag salita at kumain, nagseselpon pa ito at walang pake alam sa sinabi ng mama niya.
"Keil." Tinawag ito ulit ng babae, kita rito ang pagkainis nang wala man lang imik ang lalake. Naiintindihan ko rin ang lalake, hindi ko rin gusto mag pakasal kung hindi ko naman mahal ang isang tao. Pero wala akong magawa dahil kahilingan iyon ni mama.
Si mama nga pala ang nanny ni kiel, malaki ang sweldo na binibigay sa kaniya ng babae, kahit man ganoon man kabaliktad ang estado nila sa buhay ay magkaibigan parin sila ni mama. Kaya nga ganoon nalang ang utang na loob ni mama sa kaniya.
"Kiel, wag ka namang bastos"
"A..ayos lang ho" pasalita ako sa wala sa oras, ayaw ko mag kagulo sila dahil sa maliit na dahilan
"WHAHAHA, nag aaway na sila" salita ni jay, ito lalaking ito kanina pa! Susuntukin kuna tiyan nito, nakakagigil na.
"So? What do you want me to do? Kiss her feet? As if mom"
Apaka! Ang dami niyang sinabi, isang hi lang hindi pa magawa? Ganon naba siya ka bastos? Parang bata hindi makaintindi.
"Just say hi to her" painis na sumagot ang babae sa kaniya, napabuntong hininga ang lalake at nag salita ng hi ngunit nakatutok lamangito sa selpon niya.
Pinigilan nalang ng babae ang pagkainis sa anak niya at kaunting ngumiti sa akin.
Iba si kiel sa mag kakapatid, siya lamang ang moreno sa kanila siguro ay nag mana siya sa kaniyang ama.
Simple lang ang suot nito, nakashort at naka puting sando. Hindi siya ganoon ka gwapo pero kapag tinititigan mo ito ay mahihirapan ka alisin ang paningin mo sa kaniya.
Kahit sa simpleng suot niya ay napaka matured niya tignan, pero arogante at isip bata, hindi man lang siya nakakaintindi ng simpleng bagay. Ang gusto niya siya ang masusunod.