Penelope's POV Is that his girlfriend? Fiancee? Wife? Siniko ako ni Patrick kaya bumalik ako sa wisyo. Napatingin sa akin si Travis at bumaba sa kinauupuan niya. "Mama! Pat!" Narinig naming sigaw niya. "Travis! Slow down!" Mommy exclaimed. Namilog ang mata ko at tumingin kay Patrick. "Omg! Did you hear that? He called you!" Halata sa itsura ni Patrick na natuwa at nagulat siya sa narinig. Pinantayan niya si Travis para buhatin. "Finally! You called my name!" he exclaimed at pinanggigilan si Travis. Kinuha ko sa kamay ni Patrick 'yong paper bag at nilagay sa bakanteng upuan. "Oh! Come here at kakain na tayo!" Tawag ni mommy kaya nauna ako at umupo sa kaninang inupuan ni Travis. Pinagigitnaan namin ni Patrick 'yong bata. Nakangiti naman akong tumingin kay Light, nakita ko ang masa

