Penelope POV "What the hell did you say?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya. At saka anong sabi niya? My wife? Baliw ba 'to? Nullify na ang kasal namin. Marahan siyang umiling at ngumiti. Damn, don't give me that f*****g smile! "Bakit ka ba andito?" tanong ko pa ulit in a serious tone. "How about you? Why are you here?" he asked. Napalingon naman ako sa paligid at kunwaring may hinahanap. Sigurado akong siya 'yong bidder sa akin sa loob. Halata naman. Iyong kilos ni mommy kanina iba. Akala mo isang teenager na kinikilig. Napairap naman ako saka nagsalita, "Ikaw pala 'yong nagbayad ng malaking halaga?" Nagkibit balikat lang siya. "Okay," pagsuko ko. Lalagpasan ko na sana siya sa gazebo kaya lang umulan kaya napatakbo ako pabalik doon. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya

