3

827 Words
Wala na si Cain sa kama noong matapos ako mag-yosi. I checked the clock—6:00 PM. Matagal din akong nag-drama sa labas, kaya pala madilim na. Naubos ko rin ang lahat ng yosing dinala ko. Naligo lang ako at nagsuot ng damit na madali lang mahuhubad sa akin ni Cain. Tapos, nahiga ulit ako sa kama. Hindi ko alam, pero baka dalawang buwan na akong nakakulong dito. Wala akong nakakausap ng maayos. Hindi kami madalas magpansinan ni Cain unless nagse-s*x kami. Wala akong cellphone o kahit anong paraan para makipag-communicate sa mga kaibigan ko. Walang telepono o computer sa bahay na 'to. Even a television. I don't even know how I pass the time. Ni hindi ko nga alam kung nasaan ako. Natawa ako. Marunong pa kaya akong makipag-usap sa iba kapag nakalabas na ako dito? "Ha?" kausap ko sa sarili ko. "Anong sinasabi mo, Ponzu? Hahahahhahahahahaha." Napahikbi ako pero pinunasan ko agad ang luhang tumulo sa mata ko. "Makakalabas ka pa ba dito?" I asked myself while staring at the ceiling. Hindi ko sila mapigilan kaya hinayaan ko nang tumulo ang mga luha. And I fell asleep. Kain ka na. Hindi ka ba nagugutom? Wala ka pang kinakain o iniinom maghapon, Ponzu. You're burning? Ok ka lang ba? She may be on hunger strike. What are you doing to her? What are these wounds and bruises on her body, Cain? I can't let her out of my sight, Damien. I can't free her. Heal her, do something. I can't lose her. Nagising ako noong medyo malakas na lumagabog ang pinto. Nakaharap si Cain sa nakasaradong pinto, mabilis ang pagtaas-baba ng mga balikat niya. Sumakit nang bahagya ang ulo ko. May narinig akong nag-uusap kanina. May kasama ba kami dito? Hindi ako nakapagpanggap na tulog bago humarap sa akin si Cain, kaya nahuli niya akong nakatitig sa kanya. "Are you OK?" May kabilisan siyang lumakad papunta sa akin, sabay dama sa noo ko. "Yeah." Ipinikit ko ang mga mata ko. Mainit ang pakiramdam ko at napakasakit ng ulo ko. Not the worst I have ever been, though. "It's 8:00 in the evening. You haven't eaten anything. Anong gusto mo?" Hinimas niya ang buhok ko. "Nothing, thank you." Gusto ko na lang siyang lumayo bago na naman ako umiyak dahil sa ipinapakita niya. Ipinapaalala niya sa akin 'yong dating Cain, 'yong Cain na niloko ko. Pero napadilat ako noong bigla niya akong binuhat at dinala sa kusina. I just stood still like a rock habang bumababa siya ng hagdan because the slightest movements make me nauseous. Siya na mismo ang nagpatong sa akin sa island counter, may tatlong plato na nakalatag doon. "Eat." Madiin niyang utos. Napangisi ako nang hindi sinasadya dahil sa inis, pero kinurot ko agad ang sarili ko. May kasalanan ako sa kanya, kaya dapat sundin ko kung ano ang gusto niya. "Ok, salamat." Inabot ko ang kutsara at isa-isa kong kinain 'yong mga pagkaing nakalatag sa harap ko. Sa unang plato, may pritong hotdog, bacon, at saging. Sa pangalawa, may chicken and vegetable salad. Sa pangatlo, may beef curry. These are the meals I skipped because I slept. Hindi niya itinapon. Mabagal pero walang reklamo, kinain ko lahat ng nakahain. Wala akong nalalasahan at wala rin akong ganang kumain, but that's not his problem. Halos isang oras ang inabot pero nanatili siyang nakabantay hanggang sa naubos ko. Inabutan niya ako ng tubig agad. "Salamat sa pagkain." Sabi ko habang nakatitig sa mga platong pinagkainan. "You're welcome." Kumapit na lang ako sa balikat niya noong binuhat niya ulit paakyat sa kwarto. Dinala niya ako sa CR at doon iniwan. Siya na mismo ang nagsara ng pinto. Pagkalapat na pagkalapat ng pinto, nagtatakbo ako sa lababo at sumuka. Kanina ko pa pinipigilan, pero ngayon, hindi ko na talaga kaya. Tila gustong ilabas ng katawan ko ang mga kinain. I even had to poke my throat so I could p**e it all. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos. Spit all over my chin. I look like s**t. Pumayat pala ako? Ang laki na rin ng eyebags ko, siguro kasi sobra-sobra ang tulog ko palagi. Is my hair actually thinning, too? I looked the worst. Ang galing ni Cain. Sa hitsura ko ngayon, siguradong hindi na ako magugustuhan ng kahit na sino. Wala na akong kakayanang iputan siya ulit sa ulo. Naglinis ako ng sarili at lumabas na ng CR. Wala pa rin si Cain. Nahiga ako at pinilit na huwag makatulog. Ayokong pahirapan pa siyang gisingin ako para makipag-s*x. Matapos ang ilang minuto, pumasok na siya sa kwarto at mukhang naligo na rin siya sa CR sa ibaba. Nahiga siya sa tabi ko at walang hiya akong tinitigan. Gusto ko na namang umiyak dahil alam kong gagawin na naman namin ang bagay na tanging gusto niya na lang sa akin, pero pinigilan ko. Hinubad ko na lang kung ano mang suot ko at umupo sa bandang tiyan niya. Hinawakan niya ako sa bewang. "Baby..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD