7

833 Words
Napabalikwas ng bangon si Cain, hinahabol ang hininga. Napakasakit ng ulo niya—parang binabangungot siya, pero hindi siya makawala sa paulit-ulit na sigaw ni Ponzu sa isip niya. Kahit sa panaginip, hinahabol siya ng tunog na iyon. Napatingin siya sa orasan. Hatinggabi na. Ilang oras na ang lumipas mula noong umalis si Damien. Itinaas niya ang ulo mula sa pagkakayukyok sa kama ni Ponzu, kung saan siya nakaupo buong gabi. Gusto niyang siya ang unang makita nito pagmulat ng mga mata. Gusto niyang humingi ng tawad—sa lahat ng sakit na pinagdaanan nito. Gusto niyang malaman niya na pinatawad na niya ito, na mahal pa rin niya ito ng buong puso. At higit sa lahat, gusto niyang malaman ni Ponzu na gagawin niya ang lahat para mapatawad din siya nito. Pero wala siya sa kama. Mabilis siyang napatayo. Bakante ang kutson, at may kaunting dugo sa unan kung saan nakapatong ang IV needle na tila biglang tinanggal. Nagsimula siyang mag-panic. Tumakas ba siya? May dumukot sa kanya? Was it James? Dapat kasi, pinatay mo na lang talaga! Tanga mo! She's done it once, she'll do it again! Umiling siya, pilit inaalis ang bulong sa utak niya. Hindi ito ang tamang oras para sa ganitong klaseng pag-iisip. Maya-maya, may nadinig siyang kaluskos mula sa balcony. Doon lang niya napansin na bahagyang nakabukas ang pinto, ang kurtina'y umaalon sa ihip ng hangin. Ponzu might be smoking again. Kung sa normal na araw, he would let her since he knows it relieves her stress. He leaves his cigarettes within her reach for a reason. But she is sick now, kaya napagpasyahan ni Cain na dahan-dahang lumapit sa balcony para tawagin si Ponzu. Pagdating niya sa pintuan, naamoy niya agad ang usok ng sigarilyo. At kasabay nito, nadinig niya ang mahina niyang boses—mukhang kinakausap na naman ang sarili. O baka kinakausap niya ang mama niya. Pero may ibang pangalan siyang binanggit. "James..." Nagpanting ang tenga ni Cain. Mula nang napagdesisyunan ni Ponzu na manatili sa bahay na ito, ngayon lang niya ulit narinig ang pangalang iyon mula sa labi niya. Napakapit siya sa pader. Isang bugso ng galit ang bumalot sa katawan niya. His hands itched to break something. His blood boiled. Gusto niyang sumabog. Gusto niyang manakit. Pero hindi. He made a promise—to himself, to Damien, and most especially to Ponzu. Hindi na niya ulit gagamitin ang mga kamay niya para saktan ang babaeng mahal niya. Kaya dahan-dahan siyang bumagsak sa sahig, nakasandal sa pader, habang tahimik na nakikinig. "James, I'm sorry that you're dead." Napapikit siya, saka marahang isinandal ang ulo sa pader. Hindi niya pinatay si James. Pero tinutukan niya ito ng baril at binantaan na huwag na huwag nang lalapit kay Ponzu. At para matiyak na hindi na ito babalik, pinaniwala niya si Ponzu na patay na ito—hinayaan niyang magdusa ito sa habambuhay na pagsisisi. Isa pang parusang siya mismo ang nagbigay. "You didn't know I was taken when you hit on me. Kasalanan kong in-entertain kita. I thought Cain was lame and didn't have time for me, kaya ginamit kita. And then... he killed you." Nanginginig ang boses ni Ponzu. "Mom, I'm also sorry because you are dead and should be resting, but I'm still always calling to you. You were the only one I had. I miss you so much." Sandaling natahimik si Ponzu. Maya-maya pa, nagpatuloy siya. "For months, Cain has been hurting and molesting me like crazy. This is a punishment I was willing to accept. But lately... it has been eating me. Wala nang natira sa akin kundi takot. Akala ko nga hindi na ako takot, akala ko sanay na ako. But I was wrong. I am still very afraid of him." Napasinghap si Cain, parang sinuntok sa sikmura. "I want to get used to it, but I can't." At biglang humagalpak ng tawa si Ponzu. "Hindi ko na alam kung para kanino 'tong mga sinasabi ko. Kanino ba ako nagkukwento?" At saka siya muling humikbi. "I'm sorry, Mom. I'm sorry, James. Patay na kayo pero inaabala ko pa rin kayo." Matagal na katahimikan ang sumunod. Naghintay si Cain kung may sasabihin pa si Ponzu, pero wala. Tanging mahihinang kaluskos lang ang naririnig niya mula sa balcony. Gusto niyang yakapin ito at humingi ng tawad. Sabihin sa kanya kung gaano niya ito kamahal. Pero parang pinapako siya sa kinatatayuan niya. At kung ano pa man ang natitira niyang lakas, naglaho iyon nang marinig niya ang malakas na halakhak ni Ponzu. "HAHAHAHAHAHA!" Napasilip siya sa balcony. Doon niya ito nakita—nakangiti, nakatayo sa railing, waring hinahamon ang langit. "If I f*****g die, I'll be free." Suminghot ito ng huling bugso ng sigarilyo bago dahan-dahang bumuga ng usok. Parehas niyang itinaas ang mga braso, tila ninanamnam ang kalayaan. "PONZU!" Hindi niya napigilan ang sarili. Para siyang isang baliw na sumisigaw, natataranta, natatakot. At sa sigaw niya, parang nawala sa balanse si Ponzu. "C-Cain..." There it is again—those frightened eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD