Sinalubong ko ng yakap mula sa likod ang aking Alpha. At di ko alam kung hanggang saan ang aking itatagal para lamang sa misyong ngayon ay malabo ko ng matupad pa. Nangako pa naman ako sa aking ina at amang hari noon na kapag pinayagan nila kong magliwaliw ng mahabang panahon hanggang sa magsawa ako ay babalik ako at gagampanan ang aking tungkulin bilang Prinsesa. At obligasyon ng Prinsesa ng mga bampira ang patayin ang kalabang lahi. Pag ibig o obligasyon? Hindi ba't napakahirap. "Kamusta ang aking pinakamamahal na Luna?"tanong nito sa malambing na tono. Lalaking lalaki siya magsalita at kahit sinong tao o bampira gaya ko ay mahuhulog sakanyang boses pa lamang. Paano pa kapag nakakausap, nakakasama at nahahawakan mo na siya? "Maayos ako, mahal kong alpha. Kamusta naman ang 'yong pak

