Nanatili lamang ako dito sa aking silid. Sa aming silid dahil wala pa namang tagapagsilbing nakatok para ayain na ako. Abala ang lahat. Maraming babae ang halos mabali na ang leeg sa pagsulyap sa walang emosyong muka ng Alpha laging nireregla sabi nga nila Kismet. Uminom ako ng dugo sa baso. Nasasanay na rin ako dito. Kung sa mundo ng mga tao ay wine ang iniinom dito ay sariwang dugo ng mga hayop. Sinusupplyan ako ni Eros noon dahil hindi nila ko kauri. Maliwanag ang buong kaharian mula dito. May mga lobo ding nagkalat doon dahil ngayon din mismo ginaganap ang Transylvanian Festival sa buong Transylvania. Kaya ganoon. Wala pa siya hindi niya pa sinasalubong ang kanyang mga bisita pero sa lagay na ito halos magkanda bali bali na ang leeg nila ha. Such a dork. I can't stop rolling my ey

