bc

Rogue Superseding: Witch of the Witches

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
drama
tragedy
comedy
twisted
humorous
heavy
lighthearted
serious
mystery
like
intro-logo
Blurb

Normal na namumuhay si Aelin kasama ang kanyang ama nang biglang isang pangyayari ang bumago sa buhay nila.

Ano ang pagbabago na ito?

Bakit kailangan itong mangyari?

at...

Sino ba si Aelin?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
• Bulwagang Crisostomo • "Sa ginto, pilak at diyamante, Sampu sa aming lahi Inaalay, ibinibigay para sa kanya Sa pinakamakapangyarihang salamangkera Ibigay ang kapangyarihan ng lahat Sampu sa aming lahi Handog ang tagumpay sa iyo Mula sa Blight tungong Crisostomo" Maingay na langitngit at makapangyarihang awit ang naghahabulan sa bulwagan ng mga Crisostomo. "Ibigay ang kapangyarihan ng lahat Sampu sa aming lahi Handog ang tagumpay sa iyo Mula sa Blight tungong Crisostomo" Isa itong proseso ng pagpapamana ng kapangyarihan ng buong angkan ng Blight sa kanilang bunso na si Celin. Noon ay Blight at ngayon ay Crisostomo nang ikasal sa normal na tao na si Aerenel Crisostomo. "AHHHHHHHHH!" Pagsigaw ni Celin sa bigat ng mga kapangyarihang tinatanggap niya. "Tanggapin mo lang! Kunin mo lahat!" Sigaw ng kanyang ina ng makita na tila napapagod na ito sa proseso. "Akala ko ba ay lumalakas ako? Bakit ang sakit?" Nahihirapang tanong ni Celin. "Maaaring may mali sa awit natin." Ika ng tiyahin. "Hindi. Sigurado ako, pinag aralan kong mabuti ito." Tugon ng kanyang ina. Tila ubos sa oras na nag-aalala ang mga salamangkero at salamangkera sa pamilya ng Blight. Hinihingal na pumasok sa bulwagan ang kaibigan ni Christlin. "Nandiyan na siya!" Agad na umaksyon ang pamilya at inulit ng tatlong beses pa ang awit. Kasabay ang pagbigay nila ng kanilang kapangyarihan. Palakas ng palakas sa bawat ulit hanggang sa wala ng natira sa kanila. "Umalis ka na rito, Celin!" Sigaw ng kanyang lola. "Lala." Naiiyak na wika ni Celin. "Crisostomo. Ilayo mo siya rito." Utos ng ina ni Christlin sa asawa ng anak. "O-o-oo-o--" Nauutal na wika nito. "Ngayon na!" "O-o-opo!" Binuhat ni Aerenel si Celin palabas ng bulwagan. Sinakay siya sa kotse at inilayo roon. Samantala, ang buong angkan ng Blight ay sinakop ng itim na salamangkera na si Laura Tibbs. "Sa pagtaliwas sa mataas na prinsipyo ng mga Salamangkero. Nasaan ang unica hija ng mga Blight?" "Umalis ka na rito, Tibbs. Wala kang karapatang tumapak--" naputol na pagtataboy ng ina ni Celin kay Tibbs. "Mukhang wala rito ang dalaga." Ika ni Tibbs. "Hmmmm. Mabigat na sumpa ang ipinataw ninyo sa loob ng bulwagang ito. Mas kailangan kong mahanap si Celin." "Hindi ka magtatagumpay!" Galit na giit ng Mataas na Blight. "Hep. Hep. Hep. Maghintay lamang kayo, ibabalik ko sa inyo ang inyong pinakamamahal na anak. Ciao ciao!" Buo ang ngiti na umalis si Tibbs sa bulwagan. "Alam na niyang wala na tayong kapangyarihan." Kabadong sambit ng ina ni Celin. "Huwag kang mag-alala. Magaling na salamangkera si Celin. At nakasisiguro akong hindi siya pababayaan ng asawa niya." Wika ng Mataas na Blight. -----To be continued....

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Warrior's Second Chance

read
360.7K
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
72.5K
bc

The Warrior's Broken Mate

read
205.9K
bc

True Luna

read
1.3M
bc

Holiday Fling with the Fae King

read
12.2K
bc

Alpha's Rejected Mate

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook