PROLOGUE
Ma....t-tama napo"
Hindi ko mapigilan ang sariling hindi umiyak ng umiyak habang nag mamakaawa
"Ikaw na bata ka alam na alam mong nandoon ako sa sugalan tas tatawagin mo'ko!!"
Kitang kita sa mata ni Mama ang pag kagalit n'ya sa'kin.Hindi ko ginusto ang kinalabasan nito.
"M-mama, pa-pasensya napo"
hindi ko nalang sana sya inistorbo.
"Mama..tama napo nasasaktan napo ako"
Biglang nawalan ako ng balanse ng katawan dahil sa hampas at pag palo nito sa'kin.
"Talagang masasaktan ka sa'kin!"
"Wala ka nangang ambag, pabigat kapa sa buhay kong bata ka!
Walang awa parin ako pinag hahampas ng walis na halos kumapit ako sa mga pader para lamang mabalanse ang aking katawan.
"M-mama n-nagugutom napo kami"
Narinig kong nag salita ang bunso kong kapatid na mangiyak-ngiyak na.
"Tang- anong tingin n'yo sakin nag tat*e ng pera?"dun kayo sa ama n'yo mga walang kw*nta!"
Lumabas si Mama ng pintuan at binalibag samin lahat ng makita n'yang gamit kasama naroon picture namin nila Papa.
"M-mama, nasasaktan napo si ate.Tama napo
Lalong umiyak ang bunso kong kapatid na kadarating lamang.
Agad akong lumapit kay Jenna para aluin ito.Hindi ko na alam ang gagawin ko ngunit nag papakatatag ako para sa kapatid ko.
"Tahan na ahh?nandito lng si ate.."
Pag suyo ko sa kapatid ko.
"Tignan mo oh wala namang masakit kay ate kaya tumahan kana ahh?"
Pinakita ko sakanya ang nga braso kong walang bakas ng palo ni Mama.
Tinignan ako ng mapupungay na mga mata ni Jenna parang mabibiyak ako sa bawat segundo.
"A-ate nagugutom nap-po ako"
Agad kong kinuha ang tinapay na baon ko kanina at binigay ito sa kapatid ko.
"Eto oh, sayo na'to. Tahan kana ah?
Agad naman itong ngumiti sa'kin ng malaki at pumunta ito sa kanyang kwarto. Matapos ako mahimasmasan ay nah punta ako sa taas at nakita ko si papa.
Bigla itong may tinago at bumaling sa'kin.
"ano po 'yan ,Pa?"
Tinanong ko ito at ngumiti lamang si papa saakin.
"ala 'to may inaayos lang si papa na documents para sa trabaho bukas."
Hindi ko na lamang ito pinansin at pumunta na ako agad sa kwarto ko.
Humiga agad ako nang biglang namatay ang mga ilaw.
"hindi nanaman siguro nakapag bayad ng kuryente"
Napabuntong hininga na lamang ako sa kakaisip ng mga bagay bagay na nangyayare sa buhay ko.
Hindi ko na malayang ala una na pala ng madaling araw. Sobrang daming lamang ng isipan ko na ano bang nagawa kong mali nung nakaraang buhay ko at bakit ganito nalang katinding hirap ang pinadanas saamin.
Saglit akong nalingat at napansin ang isang kulay pulang album. Tumayo ako at kinuha iyon. Umupo ako sa may tapat ng kandilang nag bibigay liwanag sa'king silid sa pag buklat ko nito ay nakita ko ang masasayang litrato ng aming pamilya na nasa park e dito sa bayan.
"Malabo naba talagang maulit?"
Saad ko habang hinahaplos ang litrato namin na karga ako ni papa
Kitang kita ang saya sa mata ni Papa habang nakatingin kay Mama.
"sana ma ulit pa"
Nagising ako ng maaga dahil sa alarm ng cellphone ko na kanina pa tumutunog dahil nakita ko nadin si Justine na nakakabata kong kapatid na papunta sa sakin at balak nadin akong gisingin dahil sa ingay ng alarm.
"Ate, ano ba naman yan, sobrang lakas ng alarm mo"
Napairap nalang ako sa kapatid ko at tumayo sa hinihigaan ko. Habang nag-aayos ako ng gamit ay nakita ko ang kapatid ko na hinihintay ako.
"Kailangan mo?"
Tinignan n'ya ako at ngumiti
"Ate, hindi kase ako binigyan ng baon ni Mama tas si Papa naman kanina pa umalis nung tuloy ako"
Napa tingin nalang ako sa kapatid ko at inutos ko na iabot sakin ung bag ko.Agad naman nito akong sinunod at inabot ko na sakanya ung baon n'ya
"Oh ayan ha buti nalang may pera pa'ko"
Agad akong niyakap ni Justine na nanunukso pa.
"Thankyou ate Iloveyouu"
Sinipa ko ito at dali-dali naman itong nag tatakbo.
"Siraulo talaga amp"
Bumangon nako sa pag kakahiga at naligo na agad dahil 6:30 na at may pasok pa'ko ng 8:00 baka ma late nanaman ako.
Pag katapos kong maligo ay nagbihis agad ako at sumakay ng tricycle papuntang school.
Pag dating ko ng school ay bumaba agad ako at habang papasok ako ay biglang mag tumulak sa'kin ng marahan at pag tingin ko ay si Terrence lang pala.
"Morning, kumag"
Binati n'ya ko na may malaking ngiti sa kanyang labi. Panira talaga tong ulupong na'to kahit kailan.
" Umagang umaga ikaw nanaman makikita ko"
Singal ko sakanya.
"Ako nga lang nag bibigay sigla sa buhay mo susungitan mo nanaman ako"
Giit n'ya sa'kin. Si Terrence nga pla kaibigan ko simula nung naging classmate ko s'ya nitong year.
Sabay kaming nag lakad patungong classroom at habang nasa hallway kami ay daldal ng daldal. Hindi ata nauubusan ng sasabihin to.
"Arissa, alam mo hindi ko alam kung ano bang nakita sa'yo ng mga kaklase natin"
Napatingin ako sa kanya na nag tataka.
"Bat?
Sagot ko naman sa kanya habang umiwas na ng tingin.
" Nag kakanda rapa sa'yo eh, ano bang secret mo pangihi naman"
Loko talaga 'to kahit kailan
Nakarating na kame sa classroom at umupo na kame sa kanya kanya naming upuan dahil mamaya ay dumating na ung teacher namin
Dumating nanga si Ma'am Lopez and as usual may project nanaman sa kanya kailan ba hindi nawalan.
Napatingin ako kay Terrence at bigla din itong tumingin sakin na nakasimangot.
"May mood swings ata 'to"
Bulong ko sa sarili ko
Sobrang nakakabagot naman wala masyadong ginawa sa ibang teacher.
Maya maya pa ay tumunog nadin ang bell sign na recess na ito nalang talaga ata bumubuhay sa'kin.
"Hoy, kumag tara na"
Pag aya sa'kin ni Terrence
Tumango naman ako sakanya at sumunod nalang
Habang nag lalakad kami papuntang canteen ay may mga mata nanamang nakatingin sa'kin.
"Kung dukutin ko kaya mga mata n'yo 'tska ko i pirito"
Bulong ko sa sarili ko.
Ano ako artista sarap ingudngod eh.
Narinig ko namang napatawa si Terrence sa tabi ko.
"Ulupong, dahil sayo pinag iinitan ako ng mga fans mo"
"Hindi ka naman ka gwapuhan ang daming nananaksak ng tingin sa'kin
Saad ko naman sa kanya. Nakarating kami sa canteen at gulat ko nung may biglang may kumalabit sa'kin.
"Ate, pwede daw po bang mahingi ung number n'yo sabi po ng kaibigan ko"
Nag salita ung kumalabit sakin na mukhang mas matanda ata ito ng kauti sa'kin. Napatingin lang ako sa kanya at mag sasalita na sana ako nang biglang
"Alam mo kung gusto mong maging maayos buhay mo lumayo kana agad!
Biglang sabi ni Terrence sa kausap ko.
Agad ko naman s'yang tinignan at nginisihan lang ako ni Kumag alam n'ya kase na iba ang priority ko sa ngayon.
"Eksena ka masyado"
Hampas ko sa kanya.
"Oh.. teka aba, matatapon tong sopas"
Napatingin namam ako sa hawak n'ya may hawak pala s'yang dalawang sopas at tinapay.
Iniabot n'ya saakin ito at nginitian lng n'ya ko.
"Eto sayo nayan"
Sabi nya saakin.
"Bakit?"
Tinignan nya muna ako at nag salita.
Hindi ko ba alam sa lalaki na'to ang loko pero ang bait din.
"Alam ko naman kung ano nangyayare sa buhay mo ngayon"
Napatingin nalang ako sa kanya at tumango.Nag lakad na kame papuntang school garden at sa upuan ng katabi ng lamensa.
Sabay lang kaming kumakain at nakatahimik parin ito hindi ko alam kung ano bang iniisip nito bukod sa kanya ay wala na'kong naging kaibigan dito sa school.
Napaiwas agad ako ng tingin nung nakita n'ya 'ko na nakatingin sa kanya. Nung tumingi ako sa kanya ay naka tingin parin s'ya sa'kin.
"Arissa?"
Saad n'ya. Himala at tinawag ako sa pangalan ko kala ko ay hindi n'ya na alam ito dahil puro kumag ang tawag sa'kin.
"Hmm..bakit?"
Sagot ko naman sakanya na nag iintay ng sasabihin n'ya.
"Gusto mo sabay na tayong gumawa ng project natin kay ma'am?"
"Sus, gusto mo lang akong makasama eh"
Pang gagago ko sa kanya.
Ngumiti lamang ito at binatukan ako.
Maya maya pa ay tumunog na ulit ang bell at dali-dali kaming naglakad papuntang classroom. Habang nag lalakad kami ay may napansin akong isang babae na umiiyak sa tabi.
Nag paalam mun ako kay Terrence at sinabing iihi muna ako saglit at mauna na s'ya sa classroom. Tumango naman ito at umalis na.
Agad kong pinuntahan ang babaeng nasa sulok at binati ito. Tumingala s'ya sakin at kitang kita ang mugto sa kanyang mga mata.
"Ayos ka lang ba?"
Tanong ko sakanya.May kinapa ako sa bulsa ko at binigay ko sakanya ang panyong dala ko at kinuha naman n'ya iyon sa'kin.
"T-thankyou, A-arissa"
Luh, kilala n'ya ko?bat d'ko re kilala?.
"Anong bang nangyari sa'yo?"
"Ahmm, inaway kasi ako ng isa nating kaklase eh. Nilalandi ko daw yung boyfriend n'ya ni hindi ko nga kilala ung bf n'ya."
"Sinabi mo naman ba sa kanya?"
"Oum, kaso d naniwala ayon sinabunutan ako ni gaga"
Natawa naman ako sakanya at tinulungan ko syang tumayo. Kaklase ko p'la 'to d'ko man lang alam.
"Ano nga palang name mo?"
"Crisha"
"Ahh, ganon ba hindi ko kase kayo kilala eh."
Wala naman kase akong pakealam sa mga kaklase ko masyado lang talagang epal si kumag kaya ko nakilala.
Inaya ko na s'yang pumunta sa classroom at naupo kaming dalawa.
Uwian na pala sobrang bilis ng oras hindi ko na namamalayan. Sana ganito nalang din ang oras pag nasa bahay.
Pag labas ko ng school ay nag hanap agad ako ng sasakyan. Sakto at naka kita pa'ko ng tricycle na nag aabang ng pasahero. Pag sakay ko ay may tumawag sakin.
"Kumag! Intayin kita bukas ha?!"
Si Terrence pala patakbo s'yang lumapit sa'kin at hingal na hingal mukhang hinabol n'ya talaga ako para doon.
"Sige, wag mo'kong mamimiss"
"Gag*"
Tumawa lng ako sakanya.
Pinaandar nadin ni mamang driver ung tricycle at tinuro ang daan.
Pag baba ko ay pumunta na agad ako kela tita kylie kapatid ni Papa.
Agad naman akong sinalubong ng pag bati ni tita. Tuwing wala akong baon ay sakanya ako pumupunta at tuwing galit si mama. Never akong pinabayaan ni tita kahit na may alitan sila ni mama.
"Hi titaa"
Pagbati ko naman kay tita Kylie.
Papasok na'ko ng bahay nila nang may biglang nag tatakbong mga bata at isa-isa silang niyakap ako.
"Atee Arissa!"
"Hii ate mabuti po at napa dalaw kayo"
"Hey, stay aways from her. I'm the only one who can hug her!"
Agad ko namang binuhay ang bunsong anak ni tita. Ang c-cute nang mga batang to sarap pisilin ng pisngi lalo na si TJ.
"Mag si layo nga kayo sa ate n'yo kita ninyong hindi pa nakakaupo"
Bawal naman ni tita sa kanilang tatlo.
Pinapasok na'ko ni tita sa bahay nila at pinaupo. Pumunta naman si tita agad sa kusina ay nakipag laro mun ako sa mga nakakabata kong pinsan.
"Ate, let's play Minecraft"
"No, TJ she's playing with me look"
Juskong mga bata 'to dudugo na ata ang ilong ko. Puro kasi English ang mga pinapanood kaya ganto mag salita.
"How about we'll play together, is that okay?"
Tanong ko sa mga bata dahil baka mag-away pa ang mga 'to.
"Okay"
Masiglang sabi nila.
Pag labas ni tita ay may dala-dala itong meryenda para saamin.
"Tita, dapat hindi na'po kayo nag abala dumaan lang po talaga ako"
Sabi ko naman sa kanya dahil nakakahiya naman kay tita na pupunta ako sa kanila tas papakainin pa nila ako.
"Ano kaba okay lang yon, hindi ka naman iba sa'kin"
Pag pilit naman sa'kin ni tita, Eto talagang si tita masyadonh generous.
Lumapit sa'kin si tita at hinawakan ang braso ko
"Sinaktan kaba ulit n'ya?"
Pag tukoy n'ya sa mama ko
"Hindi po tita nadapa lang po ako nung isang araw kaya po nag kaganyan"
Tinignan ako ni tita sa mata at ngumiti ma lamang ako sa kanya. Marami na s'yang naitulong saming mag kakapatid .
Umalis na din ako kela tita at dumiretso na agad sa bahay.
Nakita ko agad si Mama na mahimbing na natutulog sa sofa.
Pinag masdan ko ang maamong mukha ni mama sana ay ganon nalang s'ya pag gising n'ya.
Nagdahan dahan ako para hindi ko s'ya magising at nag punta na lamang ako sa aking kwarto. Matapos ang usapan namin tita tungkol kay papa at tungkol sa mga pinag gagagawa ni mama ay umuwi narin ako.
Dumaan talaga ako kela tita para mag apply ng trabaho dahil kailangan ko ng part time job dahil hindi na lubos na susuportahan ng magulang ko kaming mag kakapatid kaya susubukan kong tumulong kahit papaano. Nag apply ako na cashier sa Coffee Shop nila tita sa bayan malapit lang naman saamin kaya kaya namang lakarin.
Mabuti nalang at mabait si tita sa'kin. Para nadin maalis ako sa bahay na'to kahit papaano.
"Anak, hindi ba dadating sila mama mo?"
Tanong ng adviser ko saakin dahil kaninang kanina pa'ko nag-aantay sa labas ng gate
"Wala papo ma'am eh, sabi po ni mama susunduin n'ya daw po ako"
"Anak, sinabi mo ba kay mama mo na pupunta dapat ang mga magulang ngayon?"
Tanong naman saakin ng aking guro.
Nasabi ko naman kahapon kay mama ang tungkol sa kompetisyon pero bakit hindi parin s'ya pumunta.
"Opo, nasabi kopo baka po nakalimutan lang ni mama"
Sagot ko naman sa adviser ko. Sinabi n'ya saakin na s'ya nalang daw ang mag hahatid saakin sa bahay dahil mag gagabi na at wala pa si mama ko kaya sumama nalang din ako.
Pag dating ko ng bahay ay masaya akong nag lakad patungo sa pintuan at masiglang binuksan ito.
"Mama, tignan n'yo po ang dami kong award"
Masayang masaya kong sinabi kay mama ang tungkol dito ngunit pag tingin ko kay mama ay nasa sahig ito at mukhang kakagaling lang nito sa pag iyak.
Lumuhod ako kay mama para mag pantay kaming dalawa. Para akong sasabog nang araw na makita kong umiiyak si mama.
"Mama, ayos lng po ba kayo?"
Pag tatanong ko dito.
Bakit kaya umiiyak si mama?baka nalaman n'ya na nanalo ako.
"N-nandito napo ako mama, tahan napo kayo"
Mangiyak ngiyak kona ding sabi habang yakap si mama dahil sa awa.
" Wag napo kayong umiyak tignan n'yo po ma"
Pagpapakita ko ng medalyang natanggap ko mula sa competition sa school.
Tinulak ako ni mama sa pag kakayakap ko sakanya at agad naman akong napa higa sa sahig.
"M-mama, n-nanalo naman po ako b-bakit n'y-yo po ako sinasaktan"
Kinuha ni mama ang mga maliliit ko nga braso at unti-unting hinihigpitan ang pag hawak sa mga ito.
"Anong sa tingin mo ang magagawa ng letche mong medalya ha?!"
"M-ma, nasas-saktan po ako"
Galit itong tumingin sa'kin.
"ma.. para sainyo po i-ito eh"
Para kay mama ung medalyang natanggap ko dahil gusto ko na makitang proud s'ya sakin.
"M-mama sabi n'yo po hindi n'yo na'ko sasaktan pag-
"walang kwenta!medalya? Eh kung ipakain ko sayo yan ha! ?"
"M-ma, pang u-una n-napo ako wag napo kayong magalit s-sa'kin"
Pag makakaawa ko kay mama para lang mapansin ang medalyang dala dala ko para sa kanya.
"Wag magalit?tanga kaba?!"
"M-mama.. may nagawa po ba ako sayo?
Labis ang pag iyak ko sa bawat salitang binabanggit n'ya saakin. Gusto ko lang naman matuwa si mama sakin.
"Oo at yon ang hinayaan kong mabuhay kapa!"
"sana hinayaan nalang kitang mamatay noon, kung hindi dahil sayo hindi ako mag hihirap nang ganito!!"
Lalong tumatalim ang mga pag bigkas ni mama nang mga salita.Hindi ko maintindihan lahat ng nangyayari sa paligid ko
"Ngayon sabihin mo sa'kin kung bakit wag akong magalit sa'yo?
Agad kong nakita si papa at nang makita nya ako ay kinarga nya ako para mailayo ako may mama. Wala parin akong tigil sa pag iyak ng mga oras nayon.
"Ano ba, Celia walang kasalanan dito ang bata!"
Pag pipigil ni papa kay mama na saktan ako. Hinawakan ako ni papa ng mahigpit.
"Kung hindi dahil sa kaniya, wala ako dito ngayon"
Sigaw ni Mama kay Papa. Agad akong ibinaba ni papa at kitang kita ko ang malakas na pag sampal ni Mama kay Papa.
Naramdaman ko ang pag init at ang bilis na pag agos ng aking mga luha.Agad akong napatayo sa at nakitang madaling araw na pala.
Nakatulog pala ako. Sa sobrang daming laman ng isip ko kay napanaginipan ko nanamn ang isa sa mga nakaraang nangyari sa'min ni Mama.
Minsan napapaisip na lamang ako kung bakit ganon nalang si mama sakin.
Anak n'ya naman ako pero bakit ganon n'ya ako tratuhin simula pag kabata ko wala akong ibang natanggap mula sa kanya na isang "anak, congrats ang galing galing mo."
"Mahirap ba akong mahalin, Ma?"
Napatanong nalang ako sa isip ko
Ilang iyak kaya ang mailalabas ko mahalin mo lang ako?.
Hindi na ako makatulog nitong gabi kaya naman ay kinuha ko nalang ang Cellphone ko sa lamensa at tinignan ng tignan ko ito ay may notification na lumabas.
Buti pa'to may pakealam.
Pagtingin ko ay si Terrence
Nag message pala si ulupong
✨Ulupong✨
: Hey, goodnyt Arissa
Me:
Morning.
Ilalagay ko nasa ung cellphone ko sa table ay biglang may notification akong natanggap.
✨Ulupong✨
:bat gising kapa?
Me:
Taga bantay ako ng mundo, pakealam mo ba?
✨Ulupong✨
:matulog kana may project pa tayong gagawin bukas.
Hindi ko na ito nireplyan at natulog na ulit ako.Pag gising ko ay gumayak na agad ako at dumiretso na agad ako sa school.
Nakita ko agad si ulupong na nag-aantay saakin sa gate.Kinawayan n'ya ako naman ako at lumapit sa'kin.
"Kamusta tulog mo?"
Tanong n'ya agad sa'kin.
"Okay naman"
Yun lang ang sinabi ko sa kanya dahil mamaya ay baka mag tanong nanaman to sa'kin.
Pag dating ng teacher namin ay namimili ito ng mga istudyante na pwedeng ipan laban sa debate.
"So class mag kakaroon tayo ng debate next month kaya kailangan na namin kayong maiprepare agad.
Nakakabagot naman dito sa school puro lang announcement bukod sa project na gagawin sa bahay wala na.
"Mamimili kami nang mga representative ng bawat grade level"
"Kung mayroong gusto maging representative ay okay lng naman dahil kami naman ang mag sasabi kung kaya n'yo ba o hindi kaya sa mga gusto dyan sumali na kayo .Please raise your hands, class."
Nagulat ako ng biglang itinaas ni Terrence ang kamay ko. Agad ko s'yang pinanlakihan ng mata ngunit hindi man lang ito natinag sa ginagawa.
"Ma'am, kami po ni Arissa."
Nakangising sinabi ni Terrence habang nakatingin sa'kin. Napangiti naman si Ma'am kay Terrence
"That's what I thought"
Nakangiting sabi ni Ma'am kay Terrence.
"Ikaw lagi mo'kong dinadamay sa kakaguhan mo"
Pag kasabi ko nito sa kanya ay agad naman ko s'yang sinipa sa paa at tumawa lang ng tumawa ang ulupong na'to.
"Alam ko naman na kaya mo, with high honor kaya eh."
Tinaasan ko lamang s'ya ng kilay at tinalikuran ko nalang s'ya.
Maya maya pa ay bumaling ako sa kanya. Kinalabit ko s'ya sa balikat para mapunta sa'kin ang atensyon n'ya.
"Kilala mo ba ung babae na'yon?"
Tanong ko sa kanya. Agad naman itong lumingon sa timuturo ko
"Asan ba?andaming babae dyan"
"Tange ayon ung mahaba yung buhok"
Sabi ko naman sa kanya nung hindi n'ya makita so Crisha.
"Ahh oo, bakit?"
Sabi n'ya sa'kin habang nakatingin sa mata ko.
"Ala naman, sama natin s'ya mamaya sa pag gawa ng project"
Sabi ko naman sakanya habang tinitignan si Crisha na mukhang kawawa sa isang sulok at wala man lang kumakausap sakanya.
"Ang bait mo ata ngayon"
Sabay tawa ni ulupong
"Alam mo matagal na'kong mabait, hindi mo lang talaga deserve."
Pinanlakihan n'ya ako ng mata at inirapan ko nalang s'ya
"Dali na sama nanatin, kawawa naman"
Pamimilit ko sakanya. Pag hindi 'to sumang-ayon ay iiwanan ko talaga 'to.
Agad naman itong tumango sa'kin na pwede daw naming isabay si Crisha mamaya.
"Saan nga pala tayo gagawa?"
Tanong ko naman sa kanya at baka mamaya eh hanapin ako ni Papa baka sabihin ay gumala lamang ako kung saan-saan.
"Sa bahay namin"
Sagot naman n'ya saakin nang walang pag aalinlangan. Tumango nalang ako sa kanya at tumayo sa kinauupuan ko.
Nagtungo ako sa kinauupuan ni Crisha ng makarating ako sa upuan n'ya ay nakadukdok parin ito sa lamensa na para bang walang pakealam sa paligid n'ya.
"Crisha.."
Bulong ko naman kay Crisha dahil nakadukdok parin ito sa pangalawang tawag ko ay parang mabibingaw ako sa babaeng to.
"Crisha.."
"Ano ba! Kitang natutulog yung tao!!".
Sigaw nya saakin kaya naman bigla akong nagulat sakanya at napalayo ng kaunti.
"A-ay s-sorry natutulog ka pala"
Tumingala saakin si Crisha at mejo nahimasmasan nung nakita ako
"Pasensya na, kala ko si ate girl na nasa likod mo yung tumatawag sa'kin"
"Kanina pa'ko iniinis non eh"
Lumingon ako sa babaeng nasa likuran ko at napa ngiwi na lamang ako ng bigla akong irapan "attitude amp hindi naman maganda" sabi ko sa isip ko.
"Tinitingin mo jan?bakit lalandiin mo bf ko?"
Pinanlakihan n'ya ako ng mata. Tatamaan talaga itong babaeng to sakin.
"Anong- kahit isaksak mo payang boyfriend mo sa'yo!"
"Kairita amp"
Pag kasabi ko non ay nilingon ko na agad si Crisha na tumatawa. Kaya napatawa narin ako hanep kase na babae yan panira ng araw.
"Sabi sa'yo eh nakakainis HAHAHHA"
"At talagang tinawanan mo pa'ko ha"
Pag irap ko sa kanya. Agad naman itong umayos ng upo at tumingin na sa'kin kaya naman nag seryoso nadin ako.
"Bat nga pala tinawag mo'ko?"
Tanong n'ya sa'kin habang nakatingin parin s'ya sakin na nag iintay ng sagot. Agad naman akong nag mahinhin ng kaunti at nakakahiya naman kung hindi.
"Ahh.."
"Ahmm??"
"Gusto mo bang sumama samin mamaya?"
"Para saan?'
"Gagawa ng project kasama ung ulupong na'yon."
Sabay turo kay Terrence na nakatingin saamin habang nag-uusap kami. Kumaway s'ya nung pag katuro ko sakanya at tumango lamang si Crisha sakanya.
"Sige, papaalam muna ako kela mama baka hanapin ako
Sabi naman n'ya sa'kin.
Sanaol nakakapag paalam sa mama yung sakin kase wala eh HAHAA.
Nag paalam na'ko sa kanya at bumalik na'ko sa upuan ko. Agad naman akong sinunggaban ni Ulupong.
"Oh, ano sabi sayo?"
"Papaalam muna daw s'ya"
Saad ko sakanya.
Tumango nalang ito sa'kin dahil may dumating na uli na teacher kaya tumahimik nalang din ako at itinutok ang mata sa blackboard.
Maya maya lang ay lumapit sa'kin si Crisha.
"Arissa?"
"Oyy?
"Pwede bang makuha ung number mo"
"Why?"
Tanong ko naman sa kanya. Mamaya baka crush na'ko neto maganda pa naman... y not coconut.
"Para mamaya ma-itext kita kung pumayag sila"
" Ay sige"
Medyo nadismaya pa'ko ng kaunti pero ayos lng mas masakit parin talaga palo ni Mama.
Agad ko namang kinuha sa bag ko ang cellphone ko at tinignan ang number.
Masyado kasi akong makakalimutin pag dating sa mga yan.
"098145*****"
Sabi ko habang pinapakita sakanya ung cellphone ko dahil mamaya mamali pa'ko at hindi pa to makapunta mamaya.
Nag paalam na s'ya sa'kin at umupo na uli sa upuan n'ya.
Sa wakas tapos narin ang mahabang oras jusko bagot na bagot na'ko buti nalang at nandito sa tabi ko si Ulupong para mambwisit.
"Arissa, sabay kana sa'kin"
Nilingon ko si Terrence nung nag salita ito. Pumayag nalang din ako dahil hindi ko naman alam bahay neto first time ko makakapunta sa bahay nila mamaya maligaw pa'ko pag nag pumilit akong wag sumabay.
Inaya na n'ya ako papuntang parking lot. Kaya sumunod nalamang ako habang nag lalakad kami ay nararamdaman ko naman ang mata mata ng mga letche kala mong aagawin sa kanila tong si ulupong
Nilingon ko ang apat na kababaihan na nakatingin samin at agad naman akong nakaisip nang katarantaduhan
"Maiingit lang kayo mga leche"
pag sabi ko na walang boses para hindi marinig ni Terrence
Susugod na sana ung isang babaeng naka ponytail buti nalang at pinigilan s'ya ng kasama nyang babae. Dinilaan ko nalang ito at kumapit kay Terrence
Napatingin naman sa'kin si Terrence nung ginagawa ko yon. Nginitian ko s'ya at bumulong.
"Hawakan mo'ko bilis naka tingin fans mo"
Agad namang sumunod ang gago.
Ayan Perfecto, bravo! bravo!
Pag tingin ko ay umiiyak na ung babaeng susugod dapat sa'kin kanina. Napasobra ata ako.
Pag dating namin sa parking lot ay iniwanan nya na ako sa may waiting area.
"Dyan ka nalang muna kuhanin ko lng Aerox ko"
Aba taray naka Aerox ang ulupong. Nakakahiya naman sakin na nag t-tricycle lang papuntang school.
Habang inaantay ko si Terrence ay inopen ko ang i********: ko at nakita ang isang babaeng hub*t hubad na vinivideohan ng ilang kalalakihan.
"Mga walang awa talaga ang mga tao ngayon"
Singhal ko ng makita ang video na iyon dahil walang sino man ang dapat maging biktima ng isang kalaswaang gaya noon. Masyadong sakim ang mga tao sa panahon ngayon.
Nag pag tingin ko sa gilid ay nakita ko na si Terrence na may suot-suot na helmet at agad naman itong huminto sa tapat ko.
"Sakay na ho madam"
"Eto na, wag mo'kong tatawaging ganyan mamaya ma-inlove pa'ko sayo"
"Edi ma-inlove ka sasaluhin naman kita"
"Yuck, kadiri ka talaga
Saad ko na tila nandidiri sa mga pinag sasabi n'ya. Pinasakay n'ya nako sa motor n'ya at iniabot sa'kin ung isa pang helmet.
Hindi ko man lang maayos ng mabuti tong helmet na'to putik.
"Ano ba naman yan!"
Inis na sabi ko. Nagulat naman ako ng biglang bumama ng motor si Terrence at nilapitan ako.
"B-bakit?"
Tanong ko sa kanya na mejo kinakabahan na'ko na namumula at nag iinit ang mga pisngi ko kaya agad kong iniwas ang tingin ko ng bigla kong naramdaman na isinusuot n'ya na sa'kin yung helmet na dala n'ya kanina.
"Ayan okay na, madam"
Pag kasabi n'ya biglang uminit yung pisingi ko lalo na ng bigla n'ya akong kinindatan. Hanep na ulupong to.
Sumakay na s'ya sa motor at pinaandar iyon narinig ko pa itong natawa bago nya ito patakbuhin.
"Oy, aba mag papakamatay kaba?!"
Sigaw ko sakanya dahil sa sobrang bilis n'ya mag patakbo ng motor. Juskong taong to balak pa ata akong isabay sa pag papakamatay n'ya.
Apaka bilis mag patakbo nito ng motor at kalaunan ay bigla naman itong nag preno kaya naman napa kapit ako sa tiyan n'ya at naramdaman ko ang mga umbok umbok sa kanyang tiyan. Siguro mga anim ata yon.
Dali-dali ko naman itong inalis dahil sa hiya at ang ulupong tumawa lang ng tumawa sa'kin.
Maya maya pa ay huminto s'ya sa isang malaking bahay na parang mansyon nato para sa'kin.
"Bakit tayo huminto?"
Takang tanong ko sakanya habang ginagala ang akin paningin sa paligid.
Nginitian n'ya naman ako at tinanggal n'ya mismo ang helmet ko sa pagkakasuot nito.
"Nandito na tayo sa bahay"
"Bahay n'yo to?kala ko nakatira kalang sa ilalim ng tulay"
Sabi ko naman sa kanya na parang nag tataka para mag mukhang totoo.
"Gag* amp"
"Eh kung itapon kita sa tulay"
Singhal naman n'ya sa'kin.
" Tara na pasok na ta'yo"
"Sige"
Habang nag lalakad kami papasok ng bahay nila ay ginagala ko ang tingin ko sa paligid. Grabe ang laki talaga ng bahay nila.
Pag pinaupo muna n'ya ako sa sofa nila dahil mag bibihis lang daw muna sya sa kwarto n'ya agad naman akong inasikaso ng katulong nila pinag dalhan pa nila ako ng pagkain.
"Thankyou po ate"
Sabi ko naman dun sa katulong na nag abot saakin ng makakain. Ngumiti naman ito saakin ng matamis nakaka melt naman si ate.
"Welcome po ma'am"
Umalis nadin naman ito at nag paalam na may gagawin padaw ito sa kusina kaya tinanguan ko na lamang ito.
Sa ilang minutong pag-iintay at lumabas nadin si Terrence sa kwarto n'ya.
"Jusko , sawakas nakalabas kana rin kala ko ay mabubulok na'ko rito eh"
Iritang sabi ko sa kanya dahil halos 20 minutes din akong nag-intay.Aba hiyang hiya na'ko sa sulok wala pa s'ya.
"Hindi kapa nag-intay mukha ka na talagang bulok"
"Aba gago to "
Agad ko naman itong binatukan at nakaiwas sya dahil hinawakan n'ya bigla ung kamay ko
"A-ano ba, akina na nga yang kamay ko aagawin mo pa!"
Shit na lalaking to. Umupo naman na sya at nag simula na kaming gumawa ng house miniature basic lang sakin to tsk.
Nag sketch muna ako ng pwedeng design ng bahay ginawa kong second floor yung akin dahil yun yung pangarap ko pag nakabili ako ng sarili kong bahay.
"Tingin ngaa"
Biglang hinablot sa'kin ni Terrence yung sketch pad ko at biglang itinakbo iyon agad ko naman s'yang hinabol hanggang makarating kami sa kusina nila.
"Ano ba, Terrence akin nanga yan"
Pilit ko paring inaabot sa kanya yung sketch pad ko ng biglang nadulas ng kaunti si Terrence kaya nawalan din ako ng balanse sa katawan.
Nag katitigan kaming dalawa ng ilang minuto at ng biglang bumukas ang pintuan. Nakita namin ang isang magandang babae at nakatabi dito ang isang gwapong lalaki na kasing tanda nito.
Agad kaming nag hiwalay ni Terrence at binati naman n'ya ang mga ito.
"H-hi mom, dad"
Ay shutek...
"Bakit hindi mo samin s'ya ipakilala Terrence"
Sabi ng daddy ni Terrence sa kanya. Sobra na'kong kinakabahan bawat segundo, sheteng kalabaw!
Juskooo, meeting the parents naba agaddd?!
Agad naman akong umayos ng pag kaka tayo dahil sa sobrang kaba. Nag mano ako sa mga ito at nginitian silang dalawa. Hindi ko alam kung ano bang sasabihin ko sa kanilang dalawa nang biglang pinakilala ako ni Terrance.
"Dad, Mom si Arissa nga pala kaibigan kopo"
Ngumiti naman ako sa kanila at bumati.
"Hello po"
sobrang hiyang hiya na ako buti nalang ay nag paalam na si Terrence sa parents n'ya na gagawa na kami ng project.
Pagka upo ko ay sinipa ko si Terrence sa ilalim.
"ano kaba nakakahiya sa mama at papa mo kung hindi kalang sana nag gagaslaw dyan ay d nila tayo nakitang ganon"
Singhal ko naman sakanya habang itinutuloy parin ang bahay na ini- sketch ko patapos nadin ito kaya malapit ko na masimulan ung house miniature ko.
"kung hindi kalang epal ay natapos ko na sana agad to"
sabi ko sa kanya.
"Parang hindi mo naman ginusto"
Bulong ni Terrence na kala mo naman ay hindi rinig na rinig. Tinignan nya ako kaya umiwas na lamang ako ng tingin sakanya
"hindi kaya, siraulo!"