"What do you think Samantha? Maganda ba?" tanong sa akin ni ate Loraine habang ipinapakita sa akin ang gown na napili niya. Bawal niya 'daw' kasing isukat. "Of course. Lahat ng damit ay bagay sa iyo ate. Kasi maganda ka." nginiwian niya naman kaagad ako. "Ang galing mo ring mang-uto noh? Pareho talaga kayo ng kuya mo." inirapan ko naman kaagad siya. "Alam mo rin bang hindi kami yung tipong masyadong nagsisinungaling? And now? I'm telling the truth, believe me ate." Nginitian naman niya kaagad ako. "Hey, huwag kang mawawala sa bridal shower ko ah! Maid of honor ka pa naman din" nagulat naman ako. Ngayon lang naman kasi ako na-inform. "Talaga? Meron pala? E si kuya may Stag Party ba?!" tanong ko para malaman ko kasi baka magloko si Ken e! "Oo daw yata. Yun pa, e pasimuno nga yung si J

