Sino kaya ito? Nagkatitigan kami ni Gileon. "Ako na ang magbubukas, Hellina." Pagkasabi non ay pinatay niya ang stove at nag lakad papunta sa pinto. Napalunok ako ng mahawakan na niya ang door knob ng pinto. Pagkabukas niya'y bumalandra sa amin ang isang gwapo at matipunong lalaki. Magkasing-tangkad lang sila ni Gileon. Wavy at kulay dark brown ang clean cut na buhok. Medyo mamula-mula ang kanyang kutis, mukhang may lahing foreigner ito base narin sa kulay abong mga mata niya. "Hi! Ako nga pala si Enzo, dito ako nakatira sa katapat niyong bahay." Anang lalaki na may hawak na isang box na mukhang naglalaman ng pastry. Bakas sa mukha ni Gileon ang pagtataka at pagka-irita sa lalaki pero pilit niya parin itong nginitian. "I'm Gil-" Natigil sandali si Gileon at lumingon sa akin bago buma

