"Good morning class. May importante lang akong iaa-announce sa inyo. Pero bago ang lahat, attendance muna tayo." Anang Professor namin na si Sir Palomino. Tinawag niya kami isa-isa. Matapos ng attendance ay itiniklop na niya ang kanyang class record. "Your term papers will serve as your midterm exam. Kaya kung anong maging score ng term paper niyo, iyon rin ang grades niyo." Sabi nito. Maraming umangal pero hindi na naka palag kay Sir Palomino. Strikto rin kasi ito at terror. "Since today is the start of your Intramurals, pwede na kayong hindi pumasok. Your performance for this week ay idadagdag ko narin sa sa medterm exam niyo kaya bawat attendance ay mahalaga. Pero para sa mga ibang students na may sinalihan, syempre additional din yan sa grades niyo. Kaya good luck to all the partic

