Linggo at abala sila Mommy, Daddy at Kuya Hex sa salas. Marami ring tao sa bahay. Malamang mga ka consitituent ito nila Daddy at Kuya Hex. "Good thing bumaba ka na Hellina. Kumain ka na at mag bihis dahil pupunta tayo ng Sta. Elena para sa isang feeding program." Ani Kuya Hex. "Ba't kasama ako?" Takang tanong ko habang kinusot kusot ko ang aking mga mata. Naka pajama pa ako dahil kakagising ko lang. Napagod kasi ako kahapon sa mga ginawa namin nila Dee at mga kasama ko sa group project. "Ayaw mo bang maka tulong sa mga bata? Beside, this is an opportunity for you to experience what it is being in politics." Sabi nito. Gusto ko sanang umangal hindi sa ayaw kong maka tulong kung di, ayaw ko lang talagang mapasama sa mga bagay na may kinalaman sa politika. But Kuya Hex really convince m

