"Hellina? Andito na ang mga ka-klase mo naghihintay sa baba." Ani Manang Daisy. "O-opo Manang, palabas na." Sigaw ko saka mabilis na sinuklay ang medyo basa ko pang buhok. Kinuha ko ang mga libro, ballpen at iba ko pang kagamitan sa school. Lumabas narin ako sa kwarto ko at bumaba. Nakita ko ang mga mukha nila Dee, Pia, Joel, Dan, at Kristine na namamanghang nakatitig sa kabuoan ng aming bahay. "Sorry natagalan ako." Sabi ko sa kanila. "Grabe Hellina para namang palasyo itong bahay niyo. Akala ko sa palabas lang ako makakakita ng ganito." Manghang sabi ni Dee. "Sabi ko na e na maganda ang loob ng mansyon ninyo Hellina. Sa labas pa lang napaka engrade na." Ani Pia. "Sana araw-araw dito tayo gumawa ng project." Sabi naman ni Joel. Natawa lang ako sa mga sinabi nila. Para silang mga t

