PAAAK! Isang malakas na sampal ang sinalubong ni Mommy sa akin pagkadating ko sa mansyon namin. Ito ang unang beses na pinagbuhatan niya ako ng kamay. "Bakit ka sumama sa lalaking 'yon? Alam mo ba kong gaano mo kami pinag-alala lahat? Gusto mo ba talagang mamatay ako sa pag-aalala sayo?" Lumuluha nitong sabi. Galit na galit siyang naka tingin sa akin. Hindi ako makasagot. I know how much I hurt her. Noong araw pa lang na nag desisyon akong mag tanan kami ni Gileon, alam ko ng magagalit ng ganito si Mommy. She's been very protective to me. Ako ang nag-iisa niyang prinsesa kaya alam ko kung saan nanggagaling ang galit niya sa akin. "For God's sake Hellina! Hindi ka namin pinalaki ng Daddy mo para maging suwail! Ano ba ang pumasok sa kokote mo at nagawa mo ang mag layas at nakipagtanan ka

