"Gileon... Sigurado ka bang hindi ka papasok ngayon sa trabaho mo?" Tanong ko sa kanya habang pinipigilan ko siyang kanina pa hinihimas ang aking hita. Sumilay sa labi niya ang ngiti. "Gusto pa kitang makasama buong araw ngayon Hellina." "Paano ang trabaho mo? Nag day off kana kahapon sa trabaho mo kay Enzo at umabsent kana rin sa isa mo pang trabaho kahapon. Hindi ka ba pagagalitan?" "Nag text na ko kay Enzo kanina at sa isang boss ko. Nag dahilan nalang akong may sakit. Tsaka pumayag naman sila." "Gileon!" Sabay tampal ko sa kamay niya. "Nakikiliti ako! Hindi ka ba napagod sa ginawa natin kahapon?" Natatawa kong tanong. "Ginusto mo 'to diba? Panindigan mo." Tumatawa niyang sabi. "Somosobra ka naman eh!" Napasimangot kong sabi. Buong araw namin ginawa ang bagay na 'yon kahapon. Tum

