"Gileon, saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang magkahawak kamay kaming naglalakad. Hindi na siya na late kanina pag uwi hindi katulad noong mga nakaraang araw. Nagtataka nga ako dahil ngayon ang saya-saya niya tingnan. "Mag di-date." Naka ngisi niyang sabi. "Date?" Kaya pala hindi na siya nag luto ng haponan dahil binalak niya pala akong ilabas. Tumigil kami sa paglalakad at hinarap ako. "Wear this properly. Baka ginawin ka." Sabay zip niya sa zipper ng jacket ko. "Ang saya-saya mo ah? May nangyari ba kanina sa araw mo?" Nagtataka akong napatitig sa kanya. Mas lalo siyang ngumiti. "Natanggap na ako kanina sa isang inapplayan kong trabaho sa isang newspaper company. It's a good thing dahil simula 4:00 pm upto 9:00 pm lang ang shift ko. Pina extra lang kasi nila ako." "Ano?

