"Ayos lang ba kayo ditong mag asawa, hija?" Naka ngiting tanong sa akin ni Aling Belinda. Kaka-bayad ko lang kasi sa kanya ng renta namin. "Okay lang naman po." Naka ngiti ko ring sagot. "Sigurado ka ba? Basta kung may kailangan kayo, huwag kayong magdalawang isip ni Gillan na lapitan ako." Aniya habang inipit nito sa bulsa niya ang pera. "Opo, Aling Belinda. Maraming salamat po." "Oh sya, ako'y aalis na at sisingilin ko pa ang iba." Sabi nito saka umalis. Pumasok na agad ako sa bahay habang pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng libro. Tatlong buwan na simula ng tumira kami dito sa Laguna pero pakiramdam ko parang kahapon lang ang nangyari nang umalis kami ni Gileon sa Zaccarrio. Hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Kamusta na kaya sila Daddy? Kamusta

