XII. About Time

3121 Words
3 Years Later Ilang beses na binasa ni Paco ang sulat na hawak. Luma na ang papel at gusot-gusot na iyon. Pero hindi niya kayang itapon. Lagi iyong nakatupi sa loob ng wallet niya. Kapag sumisidhi ang kagustuhan niyang makita ang dalagang minamahal ay binabasa niya ang sulat nito. Ang sakit ay katulad pa rin noong una niya iyong nabasa. That raw pain that intensifies the loneliness he felt inside. May mga bagay nga siguro sa mundo na hindi nagbabago, kagaya rin ng pag-ibig niya para sa mataray niyang Senyorita. Tatlong taon din siyang nagsumikap at nagtiis. Tatlong taon din siyang umasa na bumalik ang babaing minamahal. Ipinangako niya sa sariling gagawin niya ang lahat, maibigay lang ang gusto nito. Ngayon ay may sarili na siyang kumpanya, ang Earth to Sky Builders at may ilang negosyo sa bayan ng San Sebastian. Pinapamahalaan pa rin niya ang hacienda at bunga ng pagsisikap, ay bumalik sa dating matiwasay na pamumuhay ang mga tao roon. Malaki ang pasasalamat niya kay Rosario dahil ito ang tumulong sa kanya na itatag ang sariling kumpanya. Masaya siya sa mga nangyayari subalit hindi niya mapigilang makaramdam ng kahungkagan sa tuwing maaalala ang tanging dalagang inibig niya. Kahit ano'ng gawin niya, hindi niya kayang lubusang maging masaya. Malaking parte ng pagkatao niya ang tinangay nito nang iwanan siya nito at tanging ang sulat na iyon lamang ang nagpapanatili ng katinuan ng isip niya. "Clarisse..." puno ng pangungulilang bulong niya. Sa loob ng tatlong taon, walang araw na hindi niya hinintay ang pagbabalik nito. He was hoping she'd come back to claim what is rightfully hers. At hindi siya mangingiming ibigay ang hacienda makita lang niya itong muli. Ngunit malapit na ng ika-25 na kaarawan nito. Hindi man lang ito nagparamdam. Tila hahayaan na lang nitong mailit ang tanging habilin ng abuela nito at mapunta sa kawanggawa kesa makita siya. Napahugot siya ng hininga. Ibinalik niya nag sulat sa loob ng wallet nang marinig ang boses ng sekretarya sa intercom. Dumating na ang bagong kliyente niya. "Let him in," aniya sa sekretarya. Tila natuka siya ng ahas nang makaharap ang bagong kliyente. "Mr. Torres?" aniyang ikinurap-kurap ang mga mata. Hindi nagbago ang ayos nito maliban sa ilang gatla sa noo. "It's a good thing you still remember me. Can I still call you Paco?" "Of course, Sir," aniyang hindi pa rin makapaniwala. Tumayo siya at kinamayan ito. Pinaupo niya ito sa sofa at umupo siya sa couch na katabi noon. Pakiramdam niya'y nanuyo ang lalamunan niya. Niluwagan niya ang pagkakatali ng neck tie dahil tila hindi siya makahinga. "I'll go straight to the point, Paco. Hindi ako pumunta rito para sa bagong building, trabaho iyan ng business partner ko. Narito ako dahil dito." Inilahad nito ang sulat galing ka Atty. Enriquez. Nahinuha na niya kung ano iyon dahil nakatanggap rin siya ng ganoong sulat. "Hahayaan mo na lang bang mawala ang hacienda?" untag nito nang hindi siya makapagsalita. Napabuga siya ng hininga. "Nakahanda na ang mga dokumento. Pirma na lang ni Clarisse ang kulang para mailipat sa kanya ang pangalan ng hacienda. Pero tila wala naman siyang planong isalba ang hacienda." "Pero malinaw sa testamento na kailangan ninyong ikasal." "Hindi naman po natin mapipilit si Clarisse na pakasalan ako." "But did you even offer? Wait, are you married?" "No," mabilis na sagot niya. "Engaged?" Umiling rin siya. "Do you like my daughter?" Gumalaw ang panga niya. "Funny you and my daughter have that same blank reaction when I asked the same question. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari noon habang naroon siya hacienda. But Clarisse has never been the same since she got home. Yes, she has fulfilled her dreams but she's not happy. Not to mention, she never entertained suitors. Mayroon ba akong hindi nalalaman?" Napabuntong-hininga siya. Gumuhit ang pait sa lalamunan. "I suppose you have to ask your daughter, Sir." "Do you love her?" Napapikit siya ng mariin sabay tango. "More than my own life." "Then what are you doing?" "Nilinaw niya sa akin na hindi niya gustong tumira sa hacienda. Na hindi niya kayang pakibagayan ang pamumuhay ng mga tao roon. Hindi rin niya matutupad ang mga pangarap niya. At ayokong ipilit sa kanya ang buhay na ayaw niya." "Talaga bang hindi mo kayang ibigay ang buhay na gusto niya?" Napa-isip siya ng mataman at muling binalikan ang sulat nito na memoryado na niya. I could never live in a place like this, no wi-fis, no tall buildings, no place for me to fulfill my dreams. Sa paglipas ng panahon ay nagbago na ang San Sebastian. Simula nang matuklasan ng ilang turista ang lugar nila'y tila kabuteng nagsulputan ang mga restaurants, bars at hotel. May malaking mall at mga gusali. May signal na rin, may wi-fi pati sa hacienda hindi katulad noon. Nag-init bigla ang dibdib niya nang makapa ang pag-asa sa dibdib. "Well?" untag nito. "I have to be honest with you, Paco. I had you checked with my private investigators. And as what I have heard, you have been waiting for my daughter to come back. Kaya hindi mo pa rin inaasikaso ang paglilipat ng titulo ng hacienda." Napahagod siya sa buhok. Ginitlaan siya ng pawis sa noo. "I... I only wanted to see her," amin niya. "Ibibigay ko naman sa kanya ang nararapat para sa kanya. Gusto ko lang siyang makita ulit." Hindi niya alam kung paano muling pakikiharapan si Clarisse. Iniisip pa lang niya'y dinadaga na ang dibdib niya. "Give her an offer she cannot refuse. Offer her marriage." Nababaghang napatingin siya sa kaharap. "Mas gugustuhin ninyong pakasalan ko siya kesa ibigay na lang sa kanya ang hacienda?" Napangiti si Mr. Torres. "It's about time that you both settle down. Meet me at the office tomorrow." Tumango siya. Nang makaalis ang kausap ay kaagad niyang tinawagan ang sekretarya. "Find me the best wedding coordinator." "P-Pardon, Sir?" anang sekretarya. "Find me the best wedding coordinator and arrange the meeting this afternoon." "Right away, Sir!" Naglakad siya paroon at parito sa loob ng opisina. Tuluyan na niyang tinanggal ang neck tie at inihagis iyon kung saan dahil naninikip ang dibdib niya sa sobrang antisipasyon. Three years was long enough to realize he could never live happily without her. Namasa ang gilid ng mga mata niya. How he longed to see her smile again and hear her laugh and watch her snap at him. Tatlong taon din niyang pinigilan ang sariling lapitan ito sa pag-aakalang masaya ito sa buhay na pinili. Ngayong alam na niyang hindi ito masaya'y kukunin niya ito at papatunayang magiging masaya ito sa piling niya. CLARISSE just budged in her Dad's office without warning. Wala siyang pakialam kung may kliyente itong kausap. Galit siya. Hindi lang basta galit, nagpupuyos ang kalooban niya na para bang sasabog siya anumang oras. No, she doesn't want to run that hacienda again. Bakit ba ipinagpupumilit nito ang ayaw niya? "You can't do this to me, Dad!" aniya. Pero nagulat siya nang makita ang kausap ng Daddy niya at napatingin ang mga ito sa kanya. Ilang beses siyang napakurap. Nawala bigla ang lahat ng sasabihin sa ama. "Yes, hija, what can I do for you?" Pero napatitig lang siya sa kausap ng ama na nakatingin rin ng matiim sa kanya. Tila nanuot sa kaibuturan ng pagkatao niya ang tingin nito na puno ng sakit at pangungulila. O baka guni-guni lang niya iyon? It's Paco right? No other man makes her heart beat as fast as this. Ipinilig niya ang ulo. Stop staring him! Sigaw ng utak niya. And stop hallucinating! "Francisco, my daughter, Clarisse. I hope you can still remember her." "Yes, I do. I remember her very well." anitong nakatitig sa mga mata niya. "It's nice meeting you again, Clarisse." Tila naging mabuway ang tayo niya. She composed herself. "Nag-i-English ka na?" patuyang tanong niya. Ngumiti ito at tila nag-sommersault ang tiyan. "A little. Kailangan sa trabaho, eh." Hindi na niya ito pinansin at binalingan ang ama. "Sorry, I didn't know you had a visitor," pagsisinungaling niya. Pero sumulak ang galit nang maalala ang ginawa ng ama. "But I'm gonna talk to you later. Bye." "Why don't you stay, hija? Afterall, you two should talk about the hacienda." Muling sumulak ang galit sa dibdib niya. "I already told you, Dad, I have no interest with it. I don't want it. I don't care what happens to it and I don't ever want to hear anymore about it!" Hindi na niya tiningnan ang mga ito at mabilis na umalis sa opisina ng ama. The mixture of emotional turmoil is almost unbearable. She was angry and then shocked and then felt that pain once again and that longing. Nagpupuyos ang loob niya sa samu't saring emosyon na nasa dibdib. Mabilis siyang pumasok sa elevator. She's hyperventilating. Nanlalamig ang mga paa't kamay niya. Hindi siya makapag-drive kaya nag-taxi siya pauwi. "I think I scared her away," ani Paco na napahilamos ng mukha. Seeing her again brings back the loneliness he felt that day she left him. She is even more beautiful that his heart ached to hold her. "Give her time. I've never seen my daughter breakdown like that. You must have broken her heart." Kumunot ang noo niya. "Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang umalis noon ng walang paalam. Nag-iwan lang siya ng sulat at sinabing ayaw na niyang bumalik sa hacienda." "Hmm... Interesting. Ang naalala ko'y excited siyang pag-usapan ang kasal at hinanap ka. Pero pagbalik niya'y umiiyak na at gusto ng umalis." Lalong kumunot ang noo niya sa pagpilit na maalala ang nakaraan. Bakit bigla na lang iiyak si Clarisse at aalis ng walang paalam? "I guess you two have something to resolve," ani Mr. Torres. "Tomorrow night is our company's anniversary to be held at Raddisson Blue hotel. Here's your invitation." Napatingin siya sa matanda. "I don't know how to thank you, Sir." "Don't mention it. Just bring the old Clarisse back," anitong lumambong ang mga mata. "I will, Sir. And I'll never stop until I win her back." IF she had any choice, she wouldn't be here but in her room, mending that scar that bled when she saw Paco yesterday. Pero hindi niya mapag-hindian ang ama kaya't napilitan siyang dumalo sa pagtitipong iyon. She knows it's gonna be another boring night lalo pa't hindi na naman makakarating ang bestfriend niya dahil maselan ang pagbubuntis nito. Kaya't bukod sa wala siyang kasama roon ay wala rin siyang malalabasan ng sama ng loob. Pinilit niya ang sariling ngumiti nang pumasok siya sa magarang bulwagan. Kailangan lang niyang makihalubilo sa mga kasosyo ng ama at pupuslit na siya palabas ng party. Kagaya ng dati'y nakipagsayaw siya sa mga binatang naroroon. Kadalasan sa mga iyon ay matagal na niyang kakilala. May matagal na ring nagpapakita ng interes sa kanya pero hindi niya pa rin magawang buksan ang sarili sa iba. "May I have this dance,?" "Certain-" Nawala ang ngiti sa labi niya nang mapagsino ang kaharap. Hindi ito nag-aksaya ng oras at hinawakan nito ang kamay niya sabay hapit sa bewang niya palapit rito. She felt her whole body stiffened as she felt that familiar electric charge that runs through her veins whenever their skin touched. Pinilit niyang umakto ng normal kahit pakiramdam niya'y halos lumabas ang puso niya sa lakas ng kabog no'n. Paanong napunta si Paco sa pagtitipong iyon? "It's been a long time, Senyorita." Napalunok siya. How she longed to hear that word which sounded more like an endearment. Senyorita... Pinilit niyang magmukhang hindi apektado kahit nanginginig ang tuhod niya sa presensiya nito. "Yeah, I almost didn't recognize you," pagsisinungaling niya. "You look very beautiful," anitong hinila pa siya papalapit. Pinigilan niya ang pamumula ng pisngi. Teen-ager ka? Gusto niyang pagalitan ang sarili. But she felt butterflies in her stomach swirling around. "What do you think you're doing?" she said in gritted teeth para magmukha siyang nakangiti. He gave her a lopsided smile. "Establishing territory," anito. "What?" "I've been watching you since you entered the room. Nakita ko kung paano ka nakipagsayaw sa lahat ng mga lalaking kulang na lang ay kainin ka ng buo. And I am so..." Napabuga ito ng hininga. "Jealous." Tila nakain niya bigla ang dila at hindi makaapuhap ng sagot. "And I missed you so much," anitong niyakap siya ng mahigpit. Napapikit siya nang maramdaman ang mainit na bisig nito na nakapalibot sa kanya. She almost said she missed him too but she remembered the very reason why she stayed away from him. He has no right to play with her feelings again. "Paco!" gigil na sambit niya. Pinakawalan naman siya nito at muling isinayaw. "This party is getting boring. Can I take you somewhere else?" biglang sabi nito. "No." matigas ang iling niya. "I'm tired. I wanna go home." Hadn't she waited for this moment? Ilang beses ba niyang inisip na sana'y biglang dumating si Paco at sabihing siya ang mahal nito at hindi ang kababata nito? Three years has passed and she thought he had already forgotten her. Day after day she was struggling to move on. And now that she is stable enough not to cry at night, he comes back as if nothing happened at all? Saying he is jealous and he missed her? How could she believe that? "I'll take you home then." "No." mabilis niyang sagot. Tiningnan siya nito. Nagtatanong ang mga mata. "Do I really need to explain?" Umangat ang isang sulok ng labi nito. "Mataray ka pa rin." Iningusan niya ito. Nagapasalamat siya nang matapos ang tugtog at nilapitan siya ni Charles na dating manliligaw niya. Kita niya ang pangangalit ng bagang ni Paco at ang sakit na gumuhit sa mata nito nang tuluyan niyang bitawan ito para makipagsayaw kay Charles. Hiniling niya sa kapareha na sumayaw patungo sa gitna ng bulwagan para hindi sila makita ni Paco. Nang matapos ang tugtog ay nagpaalam na siya kay Charles. Dagli siyang naglakad patungo sa exit ng bulwagan. Tinawagan niya kaagad ang driver niya na aalis na sila. Pero napatda siya nang makita si Paco na naghihintay sa gilid ng elevator. Nakapamulsa ito at biglang napatuwid ng makita siya. Sumikdo ang dibdib niya. She now saw how gorgeous he looked on that three-piece suit. "Can't I really drive you home?" "No." Kaagad siyang pumasok sa elevator at ganoon rin ito. "Can I call you later tonight?" "No. Stop doing this, will you?" "Kailangan nating mag-usap." "About what?" she snapped. "Tungkol sa kasal natin." Namilog ang mata niya sa narinig. "That- W-What?" bigla niya itong hinarap. "Why in the world would I marry you?" kulang na lang ay maglabasan ang litid sa leeg niya. Nakita niyang tumaas ang sulok ng bibig nito. He's doing it again. That same thing he is very good at - unnerving her. Pinilit niyang ibalik ang composure sa sarili. She can't let him think he still has an.effect on her. "Oh, it's the hacienda, right? Do you think I'd marry you for that?" galit na sabi niya. "I supposed so," kalmadong sabi nito na lalong ikina-inis niya. "You were willing to marry me three years ago." Sinikap niyang patatagin ang sarili sa kabila ng panlalambot ng tuhod. How could he talk about the past that easy? "Have you ever heard of the word change? Nag-iba na ako. Nag-iba na ang pananaw ko sa buhay. At marunong na akong mag-isip ngayon." Inirapan niya ito nang makitang tuluyan itong napangiti. Don't ever fall for his charm! Paalala niya sa sarili. Gusto na niyang makaalis roon. Lalong nadagdagan ang inis niya dahil tila ang tagal bumaba ng elevator. "Kung nag-aalala ka na baka mapunta sa charity ang hacienda, bakit hindi mo ilipat ang pangalan ng hacienda sa'kin? Akala ko ba pwedeng ilipat ang titulo ng hacienda sa pangalan ko kahit na walang kasalan? Bakit kailangan pa ng kasal?" "Kagaya mo, nagbago rin ang pananaw ko sa buhay. Mas gusto ko ng kasal. Kaya nandito ako para pakasalan ka." "That's bullsh*t, Paco!" "Gusto ko rin magkaroon tayo ng maraming anak." Naningkit ang mata nitong tiningnan siya. "You really have the nerve to say that!" "Siyempre naman. Dahil iyon ang gusto ko. I want you to be my wife and be the mother of my children. Just give me a chance to convince you," anito sa mababang tinig. "We can talk over dinner." Parang sasabog ang dibdib niya sa narinig. Did he just propose to her? Inside the elevator?! Nagpasalamat siya nang bumukas ang elevator. "No," nanggagalaiting sabi niya saka mabilis na sumakay sa kotseng naghihintay sa kanya. Paalis na sana sila nang humabol ito at kumatok sa salamin ng kotse. Hindi niya matiis na hindi marinig ang sasabihin nito kaya ibinaba niya ang bintana ng kotse. "I'm giving you one week to decide." Kunot ang noong napatingin si Clarisse sa binata. He is really getting into her nerves. "One week?" pasigaw na sagot niya. "Or you can have a minute. Suit yourself." Nanliit ang mga mata siya sa inis. How could he be this confident? "Kapag nakapag-desisyon ka na, umuwi ka na ng hacienda. Maghihintay ako sa simbahan. Our wedding will be next Saturday, 10AM sharp. Just be there. I have everything ready." Hindi makapaniwalang napatingin siya rito. Umuwi ka na ng hacienda. Something hit her hard it makes her want to cry. But it felt so absurd hearing him talk about the wedding. He talks as if ang kasalang iyon ang pinaka-natural na pangyayari sa buhay. "You're that sure I'm gonna marry you, huh?" patuyang sabi niya. Why, he has been unnerving her the moment they met again. Sinalubong nito ang tingin niya. "No," seryosong sagot nito. "But I'm sure I'm gonna marry you." "No," matigas na sabi niya. "I've moved on, maybe it's time you do the same," aniya kahit gumuhit ang pait sa lalamunan at tila mabibiyak ang puso niya nang makita ang sakit sa mga mata nito. Or was she just hallucinating? Isinara niya ang bintana at sinabihan ang driver na patakbuhin ang kotse. Imbes sa bahay ay sa condo ng Tita niya siya nagpahatid. "Tapos na kaagad ang party?" bungad sa kanya ng Tita niya. Nadatnan niya ito sa living room. Hindi ito sumama sa party dahil may sakit ito. "What does that face supposed to mean?" Tuluyan nang humulagpos ang emosyong kanina pa niya pinipigilan. Lumapit siya't biglang yumakap sa tiyahin. Ganoon na lang ang pagbunghalit niya ng iyak. "Si Paco na naman ba?" malumanay na tanong nito. Tumango siya. "He asked m-me to marry h-him," aniya sa pagitan ng paghikbi. "Mahal mo pa ba?" Tumango siya. "O, eh, ano'ng problema?" "Hindi ko alam kung m-mahal niya r-rin ako." "Bakit hindi mo tanungin?" "Tita..." aniyang gustong pumadyak. "Everyone deserves a second chance, pati ikaw. Maybe it is about time you stop living miserably."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD