Pakiramdam ni Clarisse ay nakalutang siya sa alapaap sa bawat araw na dumaraan. Simula nang magtapat siya ng pag-ibig kay Paco ay mas naging masaya ang bawat sandaling magkasama sila. She wondered if he would ever confess he also loved her if she didn't find the courage to do so. Maybe he will never tell her. And it will make both of them miserable.
Mabuti na lang matapang siya. If not, she wouldn't be this happy. Napangiti siya nang maalala ang ginawa nitong paghaharana sa kanya kagabi. He sang Can't Take My Eyes Off You in an incredibly slow tempo that it made her cry. When he sang the part, I love you, baby if it is quite alright. I need you, baby to warm my lonely nights... It sounded as if he was begging. And the sound of his guitar sounded like crying, too. Kaya hindi niya napigilan ang luha. It was so beautiful that she wanted to keep the memory of him singing to her forever.
She could't wait to tell her friends. She is so in love she could fly. Kahit na wala siyang gawin at titigan lang niya si Paco buong araw, masaya na siya. Being with Paco makes her feel she belonged, like she's home. Every moment felt like heaven. And she knew he felt the same way. He's always not good with words but his actions always show. When he looked at her like she's the only thing that mattered in the world or when he smiled at her, his eyes laughing with happiness, or when he suddenly hugs her tight and kisses her even when she's talking... It's happiness overload. Kaya iniisip pa lang niya na ilang araw na lang ay babalik na siya ng Manila ay naninikip ang dibdib niya.
Suddenly, she didn't want to leave. Or if she does, she wants Paco to be with her. Ngunit alam niyang malabong mangyari ang huli dahil hindi nito kayang iwanan ang hacienda.
"Ang lalim ng iniisip natin, ah." Nagulat siya nang bigla na lang itong sumulpot sa harapan niya habang nagdidilig siya ng halaman. "Ako na naman ba 'yan?" tudyo nito.
"Heh!" aniyang itinago ang pamumula ng pisngi. "Hindi porke't mahal kita ikaw na lang palagi ang iniisip ko 'no." Humaba ang nguso niya.
"Eh, sino? Dahil magseselos ako." seryosong sambit nito.
"Bakit ka naman magseselos?"
"Kasi, kanina pa kita pinagmamasdan at bigla kang ngumingiti tapos, tumatawa tapos parang iiyak."
Nasukol siya bigla. "H-Hindi, ah."
"Eh, sino nga?" anito na nakapameywang.
"Wala iyon. Ang dami ko kayang iniisip kanina."
"Kagaya ng?"
"Wala ka talagang plano akong tigilan?"
Umiling ito. "Sino nga?"
Pina-ikot niya ang mata. "Fine. Ikaw. Ikaw. Lagi na lang ikaw."
Abot-tenga ang ngiti nito. "Buti naman." Yumuko ito at pumitas ng bulaklak saka ibinigay iyon sa kanya.
"Dito pa talaga, ha," aniyang natatawa ngunit hindi mapigilan ang nadaramang kilig. "Thank you."
"Ilan ang gusto mo?" anitong yumuko at pumitas ng isa pang rosas.
"Tigilan mo na iyan, makakalbo ang hardin!" aniyang tumawa. "Hayaan mo na sila diyan kasi nakakaganda sila ng umaga."
Niyakap siya nito saka hinalikan ang tungki ng ilong. "Mas maganda ka pa sa umaga, Senyorita."
Napatitig siya rito. Her heart is falling over and over again.
Natigil ang huntahan nila nang isang hindi inaasahang bisita ang dumating sa mansiyon. Nagtaka siya na isang lalaking naka-suit and tie ang bumaba ng kotse at hindi iyon ang Daddy niya.
Nahiwalay sila bigla at nagtatakang sinalubong ang panauhin.
"Attorney Enriquez!" gulat na sabi ni Paco. "Magandang umaga po. Napasyal po kayo?"
Tumaas ang kilay niya. Why would a lawyer visit them? Ngumiti ang matandang abogado. "Nabalitaan kong nandito ang heredera ni Donya Marcellina. Ikaw ba iyon, hija?"
Tumango siya. "Clarisse Ledezma Torres po," aniya at nakipagkamay rito.
"You look like your mom."
Ngumiti siya. Pinatuloy nila ang abogado sa library ng mansion at ibinigay sa kanila ang signed last will ng abuela.
Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Paco. Tila nanlaki naman ang tenga niya sa narinig. Nakasaad sa testamento na makukuha lamang niya ang mana kapag nagpakasal siya kay Paco. At kapag sumapit ang ika-dalawampu't limang kaarawan niya at hindi pa rin sila nagpakasal ay mapupunta ang lahat ng ari-arian ng Lola Marcellina sa kawang-gawa. Napalunok siya.
Alumpihit naman si Paco na halatang nabagabag sa narinig. Nabagabag, hindi nagulat. Alam na kaya nito ang hiling ng abuela? Dahil nakasaad rin sa huling habilin nito na kailangan niyang tumira sa mansiyon sa loob ng isang buwan.
Bumaling ito kay Clarisse. "I know this is a lot to take in, Miss Torres. I think your grandmother wants you to feel how it is to live here with Paco before you make your decision. When she was alive she kept talking about you and the life she wants you to have. Ang sabi niya'y hindi niya pinangungunahan ang buhay mo. She simply wants you to realize where you belong and who is meant for you. She strongly believes Paco will take good care of you. It's good that you were able to spend some time here."
I want to marry, Paco, aniya sa isip. Pero naunahan siyang magsalita ng binata.
"Pwede bang pag-usapan muna namin, bago kami magdesisyon?" ani Paco na nakatingin sa abogado.
"Of course, Mr. Natividad. Here's my number, tawagan n'yo lang ako." Nag-abot ito ng calling card. Nagpasalamat sila sa abogado. Nagkatinginan sila ni Paco pagka-alis nito.
"I'll marry you," deklara niya.
Bumuka ang bibig nito pero walang maapuhap na salita at nakatangang napatitig sa kanya.
"S-Siguro'y mas makabubuti kung kausapin mo muna ang Daddy mo bago ka magdesisyon," ani Paco nang makabawi sa pagkabigla.
"I'm of legal age, I can decide for myself." Hindi siya makapaniwalang tinanggihan siya ng binata. Sinabi nitong mahal siya nito pero ayaw nitong makasal sa kanya?
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Clarisse? Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin ng pag-aasawa? Alam mo ba kung paano maging maybahay?"
Saglit siyang nag-isip. All she knows right now is she loves him and she's willing to give up everything for him. Ganoon katindi. Hindi na siya makapag-isip. Thinking of her leaving him breaks her apart.
"N-Natututunan naman siguro iyan, di ba?"
Napabuga ito ng hininga. Hindi sumagot. And it made her anxious. "You don't want to be married to me," mapait na sabi niya.
"Hindi iyan sumaglit man lang sa isip ko," dagling sagot nito. "Ang inaalala ko'y ikaw. Paano ang mga pangarap mo? Hindi mo iyon maaabot kung nandito ka. At hindi mo man lang ba nakita ang malaking agwat ng pamumuhay natin, Clarisse? Hindi solusyon ang kasal. Nasa pangalan ko ang hacienda, may karapatan akong ilipat iyon sa pangalan mo."
Namilog ang mga mata niya. "Pero-"
"Mas makabubuting ibigay ko na sa'yo dahil ikaw naman talaga ang tunay na tagapagmana. Nakakasigurado naman akong tutulungan ka ng Daddy mo na maayos ang lahat. Iyon ang dahilan kaya pumayag akong tumira ka dito. Dahil gusto kitang makilala ng lubos. At hindi naman ako nabigo dahil alam kong mahal mo rin ang hacienda."
"Still-"
"Ito ang mas makakabuti sa'tin." Hinawakan nito ang kamay niya. "Para sa akin sagrado ang kasal. Nagpapakasal ang dalawang tao dahil nagmamahalan sila, iyon lang dapat."
Pakiramdam niya'y hiniwa ang puso niya sa narinig. So, hindi pala sila nagmamahalan? Pero tumututol ang isang bahagi ng puso dahil ramdam niyang mahal siya nito. Hindi ba sapat ang pagmamahal nito para pakasalan siya nito? Or is she not the marrying type? Parang punyal na tumarak sa puso niya ang reyalisasyong iyon.
"Thanks for making that clear," malamig na sabi niya. "Kailangan ko munang nag-isip." Iniwan niya itong napasabunot sa sariling buhok. Really, Paco? Is it really that hard to marry me?
Nagmukmok siya sa silid matapos umalis ng abogado. Mabigat ang dibdib niya. Pakiramdam niya'y magkakasakit siya sa puso dahil tila namamaga iyon. It even hurts when she breathes. Hindi niya maintindihan si Paco. Ramdam niyang mahal siya nito pero bakit ayaw nitong makasal sa kanya? Natigil ang pagmunimuni niya nang may kumatok sa silid niya. Hindi niya pinansin iyon.
"Clarisse?"
Napabalikwas siya kaagad ng bangon nang marinig ang boses na iyon. Binuksan niya kaagad ang pinto. "Dad!" sambit niya sabay yakap rito ng mahigpit.
"How are you?" buong pag-aalalang tanong nito. Bigla na lang nanubig ang mga mata niya. Kasunod noon ang impit na hikbi.
"Sshh.. why are you crying?"
"I'm j-just happy, Dad," aniya. "I missed you so much."
"I missed you, too, hija. I hope you're not mad at me anymore."
Umiling siya. "I knew you mean well." Nang tingnan niya ang ama'y tila nasa malayo ang iniisip nito. "Do you want me to tour you over?"
Umiling ito. "I already did. This place hasn't changed a bit. Time has passed and yet it the same. Well, some things just don't change." Napatingin ito sa bintana ng silid kung saan tanaw ang kabuuan ng hacienda. Tila binabalikan nito ang nakalipas. Her Dad loved her mom so much. And it probably hurt him going back to this very place they first built their dreams upon. Niyakap niya ito ng mahigpit. Napangiti naman ito at ginulo ang buhok niya.
"I have something to confess," anitong halatang mabigat ang dibdib.
"Is it regarding Lola's last will?"
Bigla itong namutla sa tanong niya. "H-How did you know?"
"Lola's lawyer came this morning."
"You didn't have to marry him, hija. I would never want you to be unhappy. I know I have caused you too much pain for neglecting you. But I could never explain to you how miserable I am for losing your mom. My only outlet is work. Seeing you grow and feeling your love makes me sick because I have always blamed myself that you don't have a mom. I have forgotten to be a father to you and I am really sorry." His voice broke as tears started to fall from his eyes.
Niyakap ni Clarisse ang Daddy niya at umiyak sa dibdib nito.
"I love you, Dad. And I felt horrible right now because all along, I thought the reason why you can't have time for me is because you blamed me for mom's death."
Nanlaki ang mata nito sa narinig. "I never thought that way, hija." Lumarawan ang sakit at guilt sa mukha nito. "God, I must've hurt you so much. I'm sorry." Tuluyan nang umiyak ang Daddy niya at pakiramdam niya'y mapupunit ang puso niya. "I'm so sorry, Clarisse."
"Don't cry, Dad, please. Hindi naman ako galit sa inyo at hindi kailanman nabawasan ang pagmamahal ko sa inyo. Please stop crying, mom wouldn't be happy seeing us like this. At baka makurot din tayo ni Lola Marcellina."
Biglang natawa ang Daddy niya sa huling sinabi niya. "I'll spend the rest of my life making it up to you, hija. I want to regret sending you over here but realizing everything that I have took for granted made me think otherwise. I am grateful, and look at you, it seemed you have grown."
Ngumiti siya. "This place changed me, Dad. It made me realize a lot of things and it brought me closer to Mom. About the marriage, I'm actually considering it."
"You didn't have to force yourself, hija. I'm quite relieved that Paco did not take advantage of you. Inaamin ko na inisip kong hindi ko kayang mapunta sa kawanggawa ang lahat ng alaala namin ng Mommy mo kaya ipinadala kita rito. Umaasa na magustuhan mo si Paco pero sabi ng Tita Fe mo'y para kayong aso't pusa. I can't risk your own happiness, Clarisse. I warned him not to force you or even woe you. I could not let marriage destroy your dreams."
Nakakaunawang tumango siya. Nabuhayan siya ng loob sa narinig. Kaya pala ganoon na lang ang tanggi ni Paco na magpakasal sila ay dahil binalaan ito ng ama. Nawala lahat ng agam-agam sa dibdib niya at lalong sumidhi ang kagustuhang makasama ito habangbuhay.
"We'll talk about this. I'll just go and fetch him, Dad," paalam niya. Tumango ito. "Feel free to roam around. I'll be back."
Nagtataka ma'y napatango ang Daddy niya.
Hinanap niya si Paco sa likod-bahay pero wala ito roon. Nakita niya si Buboy na paparating. Napangiti siya rito. Mamimiss din niya ang batang ito.
"Nakita mo ang Kuya Paco mo?"
"Nasa tambayan po," anitong itinuro ang likuran. "Kasama po si Ate Rosario."
Kumunot ang noo niya. "Sinong Rosario?"
"Yung kasintahan po dati ni Kuya."
Saka niya naalala ang kuwento ni Aling Mameng. Hindi ba't ang tanging dahilan kaya naghiwalay ang dalawa ay dahil iniwan ito ni Rosario? Paano ngayong bumalik ito? Saglit hindi siya makapagsalita. Binundol ng kaba ang dibdib niya. Kaya ba ayaw ni Paco magpakasal sa kanya? Dahil umaasa pa itong balikan ng dalaga? At sa lahat ng araw, ngayon pa talaga?
"S-Salamat," aniya sa bata at tinungo ang likuran. Gustong maghimagsik ang loob niya.
Hindi na niya nagawang ihakbang ang paa niya dahil kita na niya ang dalawa mula sa kinatatayuan. Ganoon na lang ang sakit na naramdaman niya nang makitang magkayakap ang dalawa. Kunsabagay, ano nga bang laban niya sa pinagsamahan ng dalawa? They have been with each other since they were kids, had childhood memories she and Paco never had and they have probably have so much in common.
Mula sa kinaroroonan ay dinig niya ang boses ni Rosario na halatang umiiyak. "Patawarin mo ako kung iniwan kita, Paco. Mahal na mahal pa rin kita. Gusto kong magsimula tayong muli."
Nakita niyang niyakap ito ni Paco ng mahigpit. "Mahal din kita, Rosario, alam mo iyan... Hanggang ngayon, mahal pa rin kita. Hindi na mababago iyon."
Pakiramdam niya'y nadurog ang puso niya. Ang sakit pala. Natagpuan niya ang sariling hindi maampat ang luha. At bago pa man siya mapabunghalit ng iyak ay mabilis na nilisan na niya ang lugar na iyon.
"Dad, can we leave now?" bungad niya sa ama na puno ng pagtataka ang mukha.
"Why? What happened?"
Hindi niya mapigilan ang pagtulo ng luha. "I just don't want to be here anymore, please Dad," aniyang yumakap rito habang humihikbi. Inalo siya ng ama.
"Of course, go and pack your things."
Tumalima siya. Halos hindi na niya makita ang iniimpakeng gamit dahil sa nakabarang luha. Basta na lang niya ipinasok lahat ng iyon sa bag. Gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon. Ayaw niyang maabutan pa siya ni Paco. Hindi niya hahayaan ang sariling maging kaawa-awa sa paningin nito. She'd rather leave and save herself from shame. Kahit na mahal na mahal niya ang binata'y hindi siya magmamakaawa sa pagmamahal nito kahit gaano pa iyon kasakit.
Pagkaligpit ng gamit ay kumuha siya ng ballpen at papel. Ito ang unang beses na gumawa siya ng sulat para kay Paco at marahil panghuli na rin. Hilam ng luha ang mga matang isinulat niya ang pamamaaalam niya sa binata. Pakiramdam niya'y hinihiwa ang puso niya sa bawat salitang isinusulat niya.
Magaan ang loob ni Paco habang binabagtas ang daan patungo sa mansiyon. Dalawang hindi inaasahang bisita ang nakapagpagulo ng isip niya. Hindi pa sana siya handang sabihin kay Clarisse ang tungkol sa habilin ng butihing donya ngunit dumating si Atty. Enriquez. Mas lalong gumulo ang isip niya nang sabihin nitong gusto nitong magpakasal sa kanya. Gusto niyang matuwa ngunit anong klaseng buhay ang kaya niyang ibigay rito? Pinagbigyan niya ang sariling huwag tikisin ang sariling damdamin sa panahon na magkasama sila dahil alam niyang makakalimutan din siya nito kapag bumalik ito ng Maynila. Ano ba naman ang panama niya sa mga nanliligaw sa dalaga. Masakit man isipin pero alam niyang matatanto rin ni Clarisse na hindi siya ang nababagay para dito.
Ngunit nang dumating si Rosario ay nabuo bigla ang loob niya. Kagaya ng dati, pinapalakas pa rin nito ang loob niya.
"Sabi ko na nga ba't narito ka."
Napabalikwas ng bangon si Paco nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"R-Rosario?" aniyang hindi makapaniwalang napatingin sa kababata. "Kailan ka lang dumating?"
"Isang linggo na, ni hindi mo man lang ako dinalaw. Natatakot ka ba?"
Napangiti siya. "Bakit naman ako matatakot? Naging aswang ka ba?"
Tumawa ito. "Eh baka akala mo, mag-iiyak ako kagaya nito." Bigla itong bumunghalit ng iyak ngunit wala namang luha saka yumakap sa kanya. "Patawarin mo ako kung iniwan kita, Paco. Mahal na mahal pa rin kita. Gusto kong magsimula tayong muli."
Natatawa ma'y sinakyan niya ang trip nito. Niyakap niya ito ng mahigpit. Kahit papaano'y na-miss din niya ang kababata. May pinagsamahan sila ni Rosario at totoong minahal niya ito. Yun nga lang, nag-iba ang pananaw niya sa pag-ibig nang makilala si Clarisse. "Mahal din kita Rosario, alam mo iyan..." aniya. "Hanggang ngayon, mahal pa rin kita. Hindi na mababago iyon."
Humagikgik ito. Pagkuwa'y tinaasan siya ng kilay. "Parang totoo ah."
"Totoo naman. Mahal kita. Bilang kaibigan. Hindi na mababago iyan."
Napangiti ito. "Na-miss kita, Paco. Sorry kung iniwan kita."
"Naiintindihan ko kung bakit kinailangan mong umalis kaya't hindi mo kailangang magpaumanhin."
"Iyan ang gusto ko sa'yo, eh. Hindi ka nagtatanim ng sama ng loob. Ano ng ganap mo ngayon? May itatayo kaming firm. Baka gusto mong sumosyo? Sayang din talent mo, kinakalawang na."
"Pag-iisipan ko. Baka iwanan ko na nga ang hacienda."
Napamulagat ito. "Tama ba ang narinig ko? Ikaw? Iiwan mo ang hacienda? Eh, buhay mo'to, di ba?" Tumaas ulit ang kilay nito. "May babae bang involved sa desisyon mo?"
Tumango siya. "Ang apo ni Donya Marcellina. Si Clarisse."
"Maganda?"
Tumango siya.
"Mabait?"
Nangiti siya saka umiling.
"Matalino?"
Tumango siya ulit.
"Mahal mo." Hindi iyon tanong pero tumango pa rin siya.
"Eh, bakit mukhang hindi ka masaya?" tanong nito.
"Magka-iba kami ng mundong ginagalawan. Nasa Maynila ang buhay niya." Ngumiti siya ng mapait nang maalala ang sinabi ni Clarisse kanina. Handa ang dalagang iwan ang buhay nito sa Maynila para sa kanya at hindi niya maaatim iyon. Bata pa si Clarisse at ayaw niyang maging hadlang sa mga pangarap nito.
"Problema ba iyon? Gaano ba kalayo ang Maynila at parang imposibleng maging kayo?" ani Rosario. "Hindi ka pa rin nagbabago Paco. Ano ngayon kung magkaiba ang mundo ninyo? Pwede mo naman siyang dalawin at pwede ka rin niyang dalawin, di ba?"
Napakamot siya sa ulo.
"Hahayaan mo na lang ba siyang agawin ng iba? Kaya mo bang makita siyang pagmamay-ari ng iba?"
Gumuhit ang sakit sa dibdib niya at ganoon na lang ang tigas ng pag-iling niya.
"O, eh ano pang hinihintay mo, pasko?"
Pakiramdam niya'y nabuhayan siya ng loob sa sinabing iyon ng kaibigan.
"Ikaw ang best man sa kasal ko."
"Ganyan nga. Areglado! Mag-propose ka na. Bilis!"
Niyakap niya ito muli saka nagpaalam at dagling tinungo ang mansiyon.
"Clarisse!" sigaw niya. Kumunot ang noo niya nang nang walang sumasagot. Umakyat siya sa silid nito at ganoon na lang ang pagragasa ng kaba sa dibdib nang makitang wala na ang gamit ng dalaga. Isang nakatuping sulat ang nasa ibabaw ng kama nito. Nanginginig ang kamay na binuksan niya ang sulat.
Dear Paco,
I am sorry kung hindi na ako nakapagpaalam. Dad just came and he had a plane to catch and I just left with him. It's about time I get home.
Please just forget about the marriage thing. You were right, dapat mahal natin ang pakakasalan natin. I thought I loved you but when I realized what it meant to be married to you, I felt I woke up from a dream. I could never live in a place like this - no wi-fis, no tall buildings, no place for me to fulfill my dreams. I suddenly lost interest in everything. I intend to forget all the things that happened here and I won't be coming back.
I wish you the best. And thank you for taking care of me while I was here.
Clarisse
Pakiramdam niya'y nadurog ang puso niya matapos mabasa ang sulat. Nilamukos niya iyon. Napasuntok siya sa dingding sabay sigaw dahil sa sakit na nararamdaman ng dibdib.