X. I Love You

2105 Words
Napatitig si Paco sa bahagyang nakaawang na bibig ng dalaga. She's so beautiful that he could hardly breathe. "Kiss me," ulit nito at isinalikop ang dalawang kamay sa batok niya sabay inilapit ang mukha nito sa kanya. Tuluyang humulagpos ang pagtitimpi niya at kinuyumos ng halik ang dalaga. Lahat ng pagpipigil ay pinakawalan niya sa halik na iyon. Inangkin niya ang labi nito na para bang doon nakasalalay ang buhay niya. Napakapit ng mahigpit ang dalaga sa batok niya at tila nangangapang tinugon ang halik niya. Pakiramdam niya'y mababaliw siya kapag itinigil niya ang ginagawa. Binuhat niya ito at kinarga papasok ng bahay. Napayakap naman ng mahigpit ang dalaga at isinalikop ang binti sa katawan niya habang walang tigil sa pagtugon ng halik niya. "Clarisse..." aniyang kulang na lang ay sambahin ang dalaga. Kung hindi lang tila mapupugto ang hininga'y hindi niya pakakawalan ang labi nito. Namumungay ang matang napatingin ito sa kanya sabay napangiti. "That was the best kiss ever." Ibinaba niya sa tapat ng silid nito ang dalaga. Kailangan na nitong pumasok habang kaya pa niyang magpigil. Ngunit tila nang-aanyaya ang labi nito kaya muli niyang sinimsim ang tamis ng labi nito. Umungol ang dalaga sabay sabunot sa buhok niya. He could feel his hard on. At alam niyang dapat na siyang tumigil. Tinanggal niya ang kamay nito at lumayo siya rito. "No," protesta ng dalaga at muling ikinawit ang kamay sa leeg niya. "Enough, Clarisse!" matigas na sabi niya. Tila napahiya ito at bumitaw sa pagkakayakap sa kanya. Gusto niyang kutusan ang sarili. Ngunit kailangan niyang gawin dahil ayaw niyang pagsamantalahan ang dalaga. "Pumasok ka na," utos niya. "Magbihis ka at ikandado mo ang pinto!" aniya at mabilis na tumalikod at iniwan ito. Napasandal si Clarisse sa hamba ng pinto. Pakiramdam niya'y namamaga ang labi niya. That was one hell of a kiss! Nakakaturete. All the while Paco was kissing her, her whole world was spinning. The feeling was taking her in a different dimension. Tila ba silang dalawa lang sa mundo. It was hot, wild and magical. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit ito tumigil at tila galit pa sa kanya. He could feel he wanted her as much as she wanted him. Pero bakit siya nito itinulak palayo? Napapikit siya ng mariin. This is supposed to be a beautiful experience because it is her first. But she felt rejected. At hindi niya alam kung paano papawiin ang sakit sa dibdib. Ni hindi pa nga niya lubusang nararamdaman ang saya dulot ng first love, first heartache kaagad? "Sh*t ka, Paco," himutok niya nang naglandas ang luha sa pisngi. Marahas na pinahid niya iyon at dumiretso sa banyo.  Kinabukasan, maagang umalis si Paco, ni hindi nag-iwan ng mensahe kung ano ang gagawin niya. Pinasamahan siya ulit nito kay Buboy. Pagsapit ng gabi'y tulog na siya nang dumating ito. Hindi na rin siya nag-abala pang hintayin ito dahil hindi pa niya kayang harapin ang binata. Ngunit nang sumapit ang ilang araw na hindi sila nagkikita kahit sa iisang bahay lang sila nakatira'y bumigat ang pakiramdam niya. Iniiwasan rin ba siya nito? Ilang araw siya nitong tinikis at tila hindi na niya makayanan ang pambabalewala nito sa kanya. And try as she may not, she misses him. Kahit na sermunan siya nito palagi, inisin at asarin, okay lang basta't kausapin lang siya nito ulit. Nagulat siya nang mamasa ang mga mata niya. For goodness sake, she should not be crying! Ni hindi niya boyfriend si Paco. But why the hell is she hurting so much with his cold treatment? Pinahid niya ang luha. They only have couple of weeks left and she can't leave like this. She has to do something about this. Sinadya niyang gumising ng maaga kinabukasan para madatnan ang binata. Nakita niyang nagulat ito nang bumungad siya sa komedor. "Good morning!" aniyang pinasigla ang tinig. There was an awkward silence. Hiniling niya na kainin siya ng lupa nang tiningnan lang siya ni Paco. Ni hindi niya mabasa ang iniisip nito. "Masyado pang maaga, bumalik ka sa pagtulog," malamig na sabi nito sabay iwas ng tingin. "Pahinging kape," aniya na tila walang narinig. Tumalima naman ito kahit huli niya ang pagbuga nito ng hininga. Kinakabahan ma'y, naglakad siya papalapit rito. Parang mabibingi siya sa kabog ng dibdib. Naupo siya sa silyang nasa harapan nito. "Ang aga mo yata? Marami bang trabaho sa bukid?" tanong niya dahil nakakabingi ang katahimikan. "Hindi mo ba ako nami-miss?" iyon ang talagang gusto niyang itanong. Because she missed him. And right now, she wanted to run to him and hug him tight. Tumango lang ito sabay lapag ng tasa ng kape sa tapat niya.  "Thank you," aniya. Tango ulit ang sagot nito. That awkward silence again. "Sasama na ako sa'yo," biglang sambit niya. "Huh?" anitong muntik masamid. Nag-init ang magkabilang pisngi niya. She sounded like she wants to elope with him. "I mean, sa lakad mo ngayon. Paano ako matututo sa gawain sa hacienda kung palagi mo akong iiwan dito?" "Wala naman masyadong gawain sa bukid. Magpahinga ka na lang." "Ayoko," aniya sabay iling. Kumunot ang noo nito. "I'm bored and I have no one to talk to. Sasama ako sa'yo whether you like it or not." Napabuga ito ng hininga saka tiningnan siya. "Mas gugustuhin mong magbilad sa init kesa magpahinga dito sa bahay?" "Mas gusto kong kasama ka," hindi niya napigilang sambitin. Tuluyang nasamid ang binata at natapon pa ang iniinom na kape. Nagpatayo siya kaagad sabay kuha ng tissue at pinunasan ang t-shirt nito. "Ako na," pigil nito sa kanya. "You act funny and weird, Paco," hindi niya napigilang bulalas. Eh sa totoo naman! She is just so frustrated that she doesn't know how to deal with him. He just keeps pushing her away. Kunot ang noong tiningnan siya nito. "You are exactly like this after our first kiss." Namilog ang mata nito at tila hindi makapaniwalang napatitig sa kanya. Nag-init ang magkabilang pisngi niya. She can't believe she is making a confession right now! "Fine, I lied. I was drunk but I remembered kissing you. The next morning, you were gone. The same thing you did these past few days. Ayaw mo na ba akong makita kaya iniiwasan mo'ko? Pangit ba akong humalik? Was it so dreadful that you can't bear to see me?" puno ng hinanakit ang tinig niya. "Clarisse..." anitong bumuka ang bibig ngunit walang sumunod na salita. Hinaklit nito ang bewang niya at niyakap siya ng mahigpit. Nang tumingala siya para tingnan ang mukha nito'y kaagad siyang napapikit dahil bumaba ang labi nito sa labi niya. He kissed her fully as if drinking the coffee out of her mouth. And she felt lost again in a different world. They were both gasping for breath when the kiss ended. Paco held her tight kissing her hair. "Is that kiss your apology?" tanong niya nang hindi ito magsalita. Tumaas ang sulok ng labi nito sa tanong niya saka napatango. "You have weird ways to say things. But well, apology accepted." Tuluyan na itong natawa. Masuyo siya nitong hinapit papalapit dito at niyakap siya ng mahigpit. "Iyon na dapat ang kasunod. Masyado ka naman mainipin, Senyorita." Ginulo nito ang buhok niya saka tinitigan siya. "I'm sorry, Senyorita. Hindi ko intensyon na masaktan ka. At hindi ka pangit humalik. Hindi mo alam kung ano ang ginagawa ng halik mo sa'kin. It's addicting and I find it so hard to stop," anito sa paos na tinig. "Iniiwasan kita dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, kagaya ngayon." Napangiti siya sa narinig at napatingin sa guwapong mukha ng binata. "Again, apology accepted." "Magbihis ka na kung gusto mong sumama." Tumalima siya kaagad at tumakbo patungo sa silid nang may makalimutan. Nilingon niya ang binata at ganoon na lang ang kabog ng dibdib niya nang makitang sinundan siya nito ng tingin. "May isa pa akong gusto," aniyang muling lumapit dito "Anything, Senyorita." "Gusto kitang maging boyfriend," walang gatol na sabi niya. Bigla itong napaubo. "Hindi ba't ako dapat ang nagsasabi niyan?" "Well, baka iba na naman ang paraan ng pagkakasabi mo. Mahirap na, mahina pa naman ang pick up ko pagdating sa'yo." Naiiling na napatingin ito sa kanya. "Pag-iisipan ko muna," anito. She sent him a daggered look. He suppressed his laughter looked at her with teasing eyes. "Paano ba yan? Ayoko ng maarte at ayoko ng walang alam sa gawaing bahay." nakapameywang na saad nito. Is he just teasing her? Bakit parang totoo? Nagsimulang humapdi ang mga mata niya. Alam niya iyon. Alam niyang ganoon siya. At kung ayaw ng iba sa kanya, ayaw rin niya! Pero bakit ngayong galing kay Paco, ang sakit-sakit? Parang dinudurog ang puso niya sa sinasabi nito. Durog na nga ang pride niya, pati ba naman puso niya? Ibig bang sabihin, hindi totoo ang ipanakita nitong pagkagiliw sa kanya? Didn't he just confess that he wanted her? So, he wanted her but despise her at the same time? Ano ba talaga? Gusto niyang marinig ang sasabihin nito ngunit hindi rin nakatulong ang sumunod nitong mga salita. "Ayoko ng babaing maldita, palaging naka-irap at mapanlait sa kapwa." "Okay lang naman kung ayaw mo akong maging girlfriend. Hindi mo na ako kailangang insultuhin!" aniyang pinipilit maging matatag ang boses kahit parang nasusugatan na ang lalamunan at ilong niya sa pagpipigil umiyak. "Ayoko sa'yo pero hindi kita magawang alisin sa isip ko. Hindi ko alam kung ano'ng nangyari." Napabuntong-hininga ito saka sumeryoso ang mukha. "Kaya't huwag kang humiling ng bagay na hindi mo kayang pangatawanan. Kapag ganito ka, mahihirapan lang ako lalong pakawalan ka." Ilang beses siyang napakurap. Nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib niya. What did he just say? So he intended to keep her? "You really have weird ways of saying things! But if it makes you feel better, I feel just the same," aniyang hindi alam kung saan kumukuha ng lakas nag mga sandaling iyon dahil nanlalambot ang buto niya sa pagkakatitig ni Paco sa kanya. "Ayoko rin sa'yo dahil mayabang ka, akala mo kung sino. You were insensitive, rude, and uncaring. You're the only person in the world who didn't treat me like a princess and I hated you for it. So, I didn't know what happened either. Because just when I thought I'd love you never..." Tuluyan nang humulagpos ang luha niya sa samu't saring emosyon na naka-imbak sa dibdib. "It was then that I loved you for real." Umangat ang kamay ni Paco at pinahid ang luha ng dalaga. Parang sasabog ang dibdib niya sa narinig mula rito. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klaseng saya. Alam niyang magkaiba ang mundong ginagalawan nila. At ang mahalin ito'y suntok sa buwan. Pero hindi na niya kayang pigilan pa ang sariling nararamdaman. Isang linggo din niyang tinikis ang sarili na huwag lumapit sa dalaga pero lalo lang tumindi ang nararamdaman niya rito.   Kumabog ng malakas ang dibdib ni Clarisse nang halos gadangkal na lang ang layo ng mukha nito sa mukha niya. Dama niya ang init ng hininga nito sa mukha niya. Halos malusaw siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Pagkuwa'y muli nitong inilapat nito ang labi sa labi niya. Napapikit siya ng mariin at buong pusong tinugon ang halik nito. Pakiramdam niya'y silang dalawa lang sa mundo. Napayakap siya nang mahigpit dito nang lumalim ang halik. He kissed her gentle enough to make her want for more. "Is that your way of saying you love me, too?" aniyang habol ang hininga nang maghiwalay ang labi nila. He chuckled. Pagkuwa'y tumango. Naghintay siyang magsalita ito ngunit nanatili itong nakatitig sa kanya. "I'm waiting," inip na sabi niya. Tuluyan na itong napahalakhak saka ipinaloob siya sa matipunong braso nito. "Mahal kita, Clarisse..." anito. "Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya." Gusto niyang maiyak sa tuwa. "Say it again." "Mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita." Napayakap siya ng mahigpit kay Paco at kinintalan ito ng halik sa labi. "Ipagpapaalam muna kita sa Daddy mo," anito. Kinabahan siya ng maalala ang galit ng ama nang malamang nakipag-date siya. Hindi ba't itinapon siya dito sa San Sebastian bilang parusa? Humiling siya. "No, don't tell him!" "Kailangan niyang malaman kasi karapatan niya iyon bilang ama mo. Ipinagkatiwala ka niya sa akin at ayokong sirain ang tiwalang iyon. Don't worry about it. Ako na ang bahala." "Fine, but he's a very difficult man." "Alam ko. But he's sensible, too. Alam kong maiintindihan niya tayo." "I love you, Paco," aniyang hinawakan ang mukha nito nang maghiwalay ang labi nila. At sumikdo ang dibdib niya nang sumilay ang ngiti sa gwapong mukha nito. Pinisil nito ang tungki ng ilong niya at muling inangkin ang labi niya. "I love you more, Senyorita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD