IX. You Have No Idea

2509 Words
"Senyorita, baka pwede n'yo hong bilisan ng konti at baka wala na tayong maabutan." Boses iyon ni Paco sa labas ng silid. Duh! Aniya sa sarili at pinaikot ang mata. Kagabi pa siya pinaalalahan nito na bilisan niya ang kilos dahil ayaw nitong mahuli sa misa. "Coming!" sigaw niya. Pinasadahan niyang muli ang sarili sa salamin saka kinuha ang pouch at lumabas ng silid. "Ikaw ba ang magmimisa at nagma-" Nabitin ang sasabihin niya dahil paglabas niya'y prenteng nakasandal sa dingding sa harapan ng silid niya ang binata. Nakasuot ito ng grey na polo na nakarolyo ang manggas hanggang sa siko. Naka-maong ito at leather boots. He looks so ruggedly handsome. Ilang beses itong napakurap at biglang inayos ang kuwelyo ng polong suot. "Wala ka bang ibang masusuot?" Pinandilatan niya ito. "What's wrong with my dress?" "W-Wala naman," anitong umiwas bigla ng tingin. "Baka walang tumingin sa pari at sa'yo na nakatingin lahat." Pinamulahan siya ng mukha. Did he just compliment her? "You always have a weird way of saying I'm beautiful. But thank you, pero hindi ako magpapalit ng damit." "Hindi ko sinabing-" Napabuga ito ng hininga. "Tayo na nga." "Ang weird mo," hindi napigilang sambit niya. Ang gwapong weird! Napabuga ito ng hininga pero hindi sinalungat ang sinabi niya. Ang owner ang sinakyan nila dahil didiretso naman sila sa bayan pagkatapos. Hindi nga nagkamali ng sapantaha si Paco dahil pinagtitinginan silang dalawa nang makarating sila. Napangiti siya nang makita sina Nanay Caridad sampu ng pamilya nito. May iilang bagong mukha siyang nakita dahil kahit nasa loob ng hacienda ang simbahan ay bukas iyon sa mga taga karatig baryo. First time niyang magsimba na hindi ang Daddy ang kasama niya. It was a little uncomfortable at first, knowing how close he is and how his scent filled her lungs. But when she got used to it, she loved the feeling of having to sit beside Paco. She felt wonderful and very, very happy. Napatingin siya sa altar. Thank you po. Masaya po pala rito. I'm sorry if I complained a lot. Sana masaya rin po si Mommy at Lola diyan sa taas. I miss them terribly now that I know what life could have been if they were here. Please take care of them, Lord. Please take good care of Daddy and Tita Fe, too. I miss them so much, too. But being away from them made me realize how much I love them. I promise to be a better person for them. Uhm... thank you po sa mga taong nakilala ko rito lalo na po sa katabi ko. I don't know why but I like him so much. I pray for his happiness too. Pagkatapos ng misa ay nagpaalam si Paco na may dadaanan bago sila dumiretso na sila ng bayan. Nagtaka siya nang may kipkip itong bulaklak na pinitas mula sa hardin. "Dadaan ka pa ng ligaw?" aniyang tinaasan ito ng kilay. Ngiti lang ang isinagot nito kaya nasira ang mood niya. Natahimik siya nang inihimpil nito ang sasakyan sa sementeryo. May humaplos sa puso niya. Lihim na sinusulyapan niya ang binata habang naglalakad sila patungo sa bibisitahing puntod. Nanubig ang mata niya nang mabasa ang nasa lapida. Marcellina E. Ledezma. "Palagi kang dumadalaw rito?" aniya nang mapansing halos hindi pa nalalanta ang bulaklak na naroon. "Medyo," sagot nito at itinapon ang lumang bulaklak at inilagay ang ilan sa kipkip na bulaklak. Nagsindi rin ito ng kandila. "Lola, andito po yung paborito niyong apo," anito. Napahawak siya sa puntod na marmol. "Hello po, Lola, pasensiya na po't ngayon ko lang kayo nadalaw." Akala ko kasi, ayaw ninyo sa akin... Bumigat ang dibdib niya. Bahagya pa siyang nagulat nang abutan siya ng panyo ni Paco. Umiiyak na pala siya. Tinanggap niya iyon. "All my life, I thought you hated me. I'm sorry, I was too late. But I love you, Lola. I really do." Naramdaman niyang marahang tinapik ng binata ang likod niya. "Mahal ka rin niya. Mahal na mahal na mahal. Kaya huwag ka ng umiyak, kasi ayaw niyang makita kang malungkot." His words soothed her and made her feel better. Nag-alay sila ng dasal at naglakad patungo sa di kalayuan kung nasaan ang puntod ng mga magulang nito. "Ma, Pa, si Clarisse ho. Apo ni Donya Marcellina." Ganoon din ang ginawa nito sa mga bulaklak at nagsindi ng kandila. "Hello po, nice meeting you po." "Mukha lang pong mabait iyan." Tiningnan niya ng masama ang binata at kinurot sa tagiliran. Napatawa ito. "Kita, n'yo ho, sinasaktan ako." "Pasensensiya na po, nakakagigil po kasi ang anak n'yo." Napahalakhak ito. "Siya po yung sinasabi kong ipapakilala ko sa inyo." Tumaas ang kilay niya pero hindi na siya nagkomento dahil baka iba ang interpretasyon niya. Ilang saglit pa'y nag-alay sila ng dasal. Nagpaalam na sila kapagkuwan para magtungo sa bayan. Walang takip ang owner kaya pakiramdam niya'y masusunog ang balat niya sa init. "Baka gusto mong magpayong?" ani Paco na naiiling na napasulyap sa kanya. She rolled her eyes. "Bilisan mo na lang pwede?" Kumindat ito sa kanya at pakiramdam niya'y tumigil sa pagtibok ang puso. Na-conscious siya ulit. Bakit ba pakiramdam niya'y magdi-date sila? Oh, shut up, Clarisse! Mga biente minutos din ang byahe. Iginala niya ang tingin sa paligid. "Are you sure, eto na ang bayan?" Tumango ito at itinuro ang karatulang San Sebastian Public Market. May maliit na mga stalls na magkakadikit pero wala siyang makitang malaking tindahan. "Kain muna tayo, nagugutom na ako." Napasunod siya rito. "Walang mall?" "SM lang." "Ha? Saan?" Muli itinuro nito ang karatula. Super Market. SM. Hinampas niya ito at ganon na lang ang tawa nito. "Huwag kang mag-alala, matatawagan mo ang Daddy mo at mabibili mo ang necessities mo. Pero kumain muna tayo, okay?" Ingos ang isinagot niya. Inalalayan siya nito papasok sa isang tila bahay-kubo. Lahat halos ng kasangkapan doon ay yari sa kawayan. Malinis ang lugar, halatang hindi iyon ordinaryong karinderya. "Ano'ng gusto mong kainin?" "Ikaw na ang bahala." "Okay." Nginitian siya nito at tinungo ang counter. Hindi niya maiwasang sundan ito ng tingin. She had dated James and she never felt this uneasy yet heartwarming feeling. Ginisang sugpo, inihaw na tilapia, at ginataang alimango ang inorder nito. Lihim siyang napangiti sa ginawang pag-aasikaso ni Paco sa kanya. Nagustuhan niya ang ginataang alimango kaya pinaghimay siya nito. Masarap rin ang ginisang sugpo at inihaw na tilapia, manamisnamis ang laman niyon, pero mas paborito niya ang ginataang alimango. Maya-maya'y dumating ang dessert nilang minatamis sa macapuno. "Iyan na ba ang kasintahan mo, hijo?" Muntik na siyang masamid sa tanong na iyon. Nang tingnan niya si Paco'y nakita niyang nahirinan ito at mabilis na uminom ng tubig. Nagpahid ito ng tissue sa bibig saka umiling. "Si Clarisse po, apo ni Donya Marcellina. Clarisse, si Aling Lisa, ang may-ari ng restaurant na ito." "Ay, akala ko ito na ang kasintahan mo. Sayang, bagay pa naman kayo." Binalingan siya ng babae. "Pasensiya ka na, Senyorita. Ngayon lang kasi may dinalang babae si Paco dito." "Wala ho iyon." Hindi niya alam kung paano itatago ang pamumula ng pisngi. "Sige, maiwan ko na muna kayo. Kumain kayo ng marami!" Ngiti ang itinugon niya. "Nasaan ba kasi ang girlfriend mo at ako ang napagkakamalan?" aniyang pinandilatan ito. "Wala pa." Tumaas ang kilay niya. Wala pa, ibig sabihin, may parating? Parang gusto niyang magprotesta. "Bakit wala pa?" "Hindi pa ako sinasagot." "Bakit?" Napabuga ito ng hininga. "Hindi ko pa tinatanong." Napalunok siya. "Bakit?" "Hindi pa siya pwedeng magkaroon ng kasintahan." Tumawa siya ng pagak. Nakaramdam siya ng konting selos. "What is she, five years old?" Ngumiti ito. "Minsan asal 5 years old siya. Pero 21 na siya, strikto lang ang ama." "Parang ako pala," wala sa loob na sambit niya. Ganoon na lang ang tawa nito. "Parang ikaw nga," anito. Muntik na siyang masamid. "I mean, yung sa strikto ang ama part lang!" agad na bawi niya. Tumawa itong muli. "Wala akong sinabi." Iningusan niya ito. Who's the lucky girl? Nakakainis! Pagkatapos nilang kumain ay tinungo nila ang pay phone booth na nasa loob ng 'SM'. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa ama pero isa lang ang tiyak niya, hindi na siya galit dito. "Dad..." bungad niya. Hindi na siya nakapagsalita dahil nagsimulang humapdi ang mata at manakit ang lalamunan niya. "Clarisse?!" Tila ito sinalakay ng nerbiyos nang marinig ang boses niya. "Clarisse? Are you okay? Gusto mo na bang umuwi?" "Relax, Dad," aniyang gustong matawa pero sa halip ay nangilid ang luha sa mga mata. Iyon ang unang pagkakataong narinig niyang nag-alala sa kanya ang Daddy niya. "I just called because I missed you." Natigil ito sa pagsasalita sa kabilang linya pagkuwa'y narinig nito ang pagbuntong-hininga. "I missed you too, hija. The house seemed sad without you. I felt sorry of sending you there." "May kailangan ba akong malaman, Dad?" Muli natahimik ito. "I'll explain it to you in person, hija. I just need to fix some problems here but I will be with you soon. I'm really sorry, Clarisse." Tuluyang humulagpos ang luha niya. "Come on, Dad, there's no need for sorry. I actually liked it here. Parang nasa malapit lang si Mommy. Don't worry, I can survive here. Mababait lahat ng tao rito. Specially, Paco." "I know I can trust Paco. I just don't know if you can get along with him." Napatawa siya. "He was not nice at all, Dad. He calls me Senyorita but doesn't treat me like one. But he takes good care of me and he taught me a lot of stuffs, too." "I'm happy, hija. I have to thank Paco for this. I can't believe I am hearing this from you. I'm quite surprised." "I know right," aniyang hindi napigilan ang pag-ikot ng mata. "I'm enjoying my stay here so, don't worry. And please give my regards to Tita Fe." "I'm so relieved, hija. I'll fetch you in two weeks then. And your Tita missed you too. I love you, hija." Binalot ng saya ang puso niya sa narinig. It's the first time she heard those words from her Dad. "I love you, too, Dad." Masaya siya ngunit tila may pumiga sa puso niya. Two weeks na nga lang ba? Ang bilis naman ng panahon. Si Paco ang nagbayad ng lahat ng pinamili niya sa kabila ng pagtanggi niya. Isinama rin siya nito sa loob ng palengke at namili sila ng isda at gulay. Binilhan rin siya nito ng gloves para hindi masira ang kamay niya. That was a thoughtful gesture. "Hindi pala natin nadala ang payong?" ani Paco. Pabalik na sila ng hacienda nang unti-unting dumilim ang langit. "Mukhang uulan." Kasasabi lang nito nang biglang umambon. Itinabi nito ang jeep mabilis na tinanggal ang butones ng polong suot. Nanlaki ang mata ni Clarisse nang tuluyan nitong hinubad ang polong suot. Nanuyo bigla ang lalamunan niya. "A-Anong g-ginagawa mo?" utal na sabi niya. Tinupi nito ang pinaghubaran at inilagay iyon sa ulo niya na tila bandanang itinali ang magkabilang dulo. His scent filled her lungs once more. "Idalangin mong huwag lumakas ang ulan," anito at muling pinaandar ang jeep. Parang nawala siya sa sarili sa ginawa nitong paghuhubad. Hindi niya maiwasan mapatitig sa katawan nito. He could be an Abercrombie and Fitch model. Umiwas siya agad ng tingin nang nilingon siya nito. He looked hot. Nakakaligalig ng hormones! Napakapit siya ng mahigpit sa jeep dahil sa bilis ng takbo niyon. Pero tuluyang bumuhos ang ulan habang papasok na sila ng hacienda. "Bilis," anito at inalalayan siyang bumaba at kinuha ang pinamili niya. Tumawa siya. "Basang-basa na tayo, bakit ka pa tatakbo?" Hinubad niya ang sapatos at dinama ang buhos ng ulan. "Clarisse, ano ba? Baka magkasakit ka niyan!" sigaw nito na inilapag ang pinamili nila sa loob ng mansiyon. "Gusto kong maligo sa ulan!" sagot niya. Hindi maiwasan ni Paco na mag-alala na baka magkasakit ang dalaga. Gusto niya itong hablutin at ipasok sa loob ng bahay. Pero natagpuan niya ang sariling nakatanga habang pinagmamasdan itong tila batang umikot-ikot habang nakatingala sa langit. "This is fun!" anito. Tuluyan na siyang nahawa sa ngiti nito. Naiiling na nilapitan niya ito. "Pasok ka na, baka magkasakit ka." Umiling ito. Hinagilap niya ang kamay nito pero pumiksi ito pagkuwa'y tumakbo. "Clarisse!" aniya at hinabol ang dalaga. Para silang mga batang naghahabulan sa ulan. Napapasigaw si Clarisse kapag malapit na niya itong maabutan. Nang madulas siya'y ganoon na lang ang tawa nito at nahawa rin siya sa tawa nito. Nang sa wakas ay maabutan niya ang dalaga'y hinagip niya ang bewang nito. Bigla'y para siyang napaso nang maglapat ang katawan nila ngunit hindi niya ito kayang bitawan. Pareho silang humihingal at tumatawa. "Wala ka ng kawala." Tinangka nitong makatakas pero hinigpitan niya ang pagkakayakap rito. Hindi niya mapigilan ang sariling titigan ang maganda nitong mukha. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya nakadama ng ganito kasaya. At kagaya ng mga nakaraang araw na kasama niya ang dalaga'y napapatitig siya rito na tila ba hindi makapaniwala. At muli nakaramdam siya ng matinding kagustuhang muling maramdaman ang labi nito na hindi nakapagpatulog sa kanya ng ilang gabi. Muling pumiglas si Clarisse pero hindi siya makawala kay Paco. Hinihingal pa siya. Gusto pa niyang maligo sa ulan pero mas gusto niyang yakap-yakap siya nito. Nang iniangat niya ang mukha'y nagtama ang mata nila. Kita niyang napalunok ito at napatitig sa kanya. It was impossible to break away from his stare. Naramdaman niya ang kamay nito na bahagyang humaplos sa pisngi niya. Malamig ang ulang pumapatak sa mukha nila pero ang init ng palad nito. "Clarisse," anitong halos bulong lang. Pakiramdam niya'y nanayo ang balahibo sa batok niya nang maramdaman ang init ng hininga nito sa mukha niya. Bumilis ang tahip ng dibdib niya nang makitang nakatitig ito sa labi niya. She probably lost her mind. Dahil imbes na lumayo, inilapit niya ang mukha rito at sinalubong ang labi nito. Napapikit siya at napayakap ng mahigpit dito. Paco's lips brushed hers gently, she felt the familiar shiver down her spine, making her toes curl. She was overwhelmed with her own emotions but one thing she's so sure about is that she has fallen deeply in love with Paco. Sinundan niya ang galaw ng labi nito, at unti-unting lumalim ang halik na pinagsaluhan nila. Ginaya niya ang galaw ng labi nito. Napakapit siya ng mahigpit sa batok nito dahil pakiramdam niya'y malulunod siya. "Clarisse..." bulong nito nang maghiwalay ang labi nila. Kapwa sila naghahabol ng hininga. Napahawak siya sa mukha nito. She wants to kiss him more. "Hindi ito dapat," bulong nito. Tila napasong binitawan siya nito. "Hindi ko dapat ginawa iyon. Ipinangako ko sa Daddy mo na aalagaan kita." Nainis siya sa sinabi nito. "Sinabi ba ni Dad na bawal akong halikan?" mabilis na sabi niya. Napabuga ito ng hininga. "You're off limits, Clarisse, alam mo 'yan. Ako dapat ang nagbabantay sa'yo pero ano ang ginagawa ko?" "But do you like kissing me?" Hindi makapaniwalang tiningnan siya nito. "You have no idea," halos bulong na sabi nito. "Then kiss me more," aniyang nangunyapit sa batok nito. "I like kissing you, too."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD