Pagkatapos ng gabing iyon ay naging magaan na ang pakikitungo nila sa isa't isa. Habang dumadaan ang araw ay mas lalong nahuhulog ang loob ni Clarisse sa binata. Somehow, she has learned to enjoy the things they do no matter how tiring or how mundane they were. She feels happy everytime they are together. Inaasar pa rin siya nito ngunit kadalasan ay bumabawi ito kapag naiinis siya. And she finds it cute. Seeing him making an effort to make her smile. Minsan ay sinasadya niyang mapikon para suyuin nito. She knows it's crazy. Well, she feels crazy. She feels weird, too. Nawawala yata ang pagiging maldita niya. She never felt this way before. Sometimes it bothers her. Because good things do not last long in her life. She needs to stop liking him before she falls too fast.
"Clarisse, ready ka na? "
Napapitlag siya nang marinig ang boses nito sa labas ng silid. Kanina pa siya nito tinatawag nito mula sa baba pero hindi siya kuntento sa bihis kaya ilang beses siyang nagpalit ng damit. Pupunta lang naman sila ng manggahan kaya napagpasyahan niyang magsuot ng off shoulder blouse at jeans. Kaagad niyang pinasadahan ang sarili sa salamin. Naglagay siya ng lipgloss at light blush. Napasimangot siya nang marinig ulit ang boses nito.
"Almost ready!" sigaw niya. Saka sinipat ulit ang salamin bago dinampot ang bag.
"Kanina pa 'yang almost ready mo. Baka pagdating natin-" hindi nito natuloy ang sasabihin nang lumabas na siya. Napatda ito saglit saka humugot ng hininga.
"Yes? You were saying?" aniyang nakatikwas ang kilay.
Tinitigan siya nito at bigla siyang naasiwa.
"Baka hindi na magtrabaho ang mga tao dahil sa'yo," palatak nito. "Kailangan mo ba talagang magpaganda?"
Kung sa ibang pagkakataon ay nainis na siya. Pero pinamulahan siya ng mukha. Bakit ba hindi nito alam kung paano pumuri? The boys around her would flatter and flirt with her. But Paco would always confuse her. May papuri bang sinasabi ng pagalit?
"Gusto mag-ayos ako ulit? Papangitin ko lang ng konti." aniyang hindi naitago ang inis sa boses at akmang papasok ulit sa silid ngunit pinigilan siya kaagad ng binata.
"Huwag na," kaagad na sabi nito sabay hila sa kamay niya. "Tatakpan na lang kita."
Lihim siyang napangiti. Is he being possessive? Ngunit napalis ang ngiti niya sa sumunod na sinabi nito.
"Baka maubos ang araw natin sa 'almost ready' mo."
Umingos siya sabay kuha sa kamay na hawak nito ngunit ayaw nitong bitiwan iyon kaya napilitan siyang sumunod dito.
Ilang beses na napahugot ay napabuga ng hininga si Paco. Kanina lang ay nakalimutan niyang huminga paglabas ni Clarisse sa silid. Gusto niyang mainis sa sarili dahil halos matulala siya kanina. Hindi niya gusto ang epekto ng dalaga sa kanya.
"Bilisan natin, senyorita at baka nakapamunga na ang mga mangga. Gusto kong makita mo silang namumulaklak."
Iningusan siya nito. Bigla'y gusto niyang kuyumusin ng halik ang nakaingos na labi nito. Ipinilig niya ang ulo. Bumalik muli sa isipan niya kung gaano kalambot ang labi nito.
"Are you okay?" biglang tanong nito.
Tumango siya kaagad sabay sampa nito sa kabayo.
"You look constipated," komento nito.
"Mataas na kasi ang araw. Nakakahilo na."
Umingos na naman ito.
"Tigilan mo na 'yang kaka-ingos mo, para kang bata." babala niya. Dahil kapag hindi siya nakapagpigil, hahalikan niya talaga ang dalaga.
"Kung alam ko lang na ganito ka kasungit ngayon, hindi ako sasama sa'yo."
Natigilan siya ng bahagya nang maramdaman ang pagtatampo nito. Gusto niya itong kabigin para aluin ngunit napalunok siya nang mapatitig sa makinis na batok nito. Nanuyo bigla ang lalamunan niya. Gusto niyang mapamura nang bigla itong gumalaw dahil inayos ang bag. Dahilan para lumapat ang labi niya sa batok ng dalaga. Tila nanigas ito at hindi na kumilos pa. And for the life of him, he wanted to do it again. Binilisan niya ang pagpapatakbo ng kabayo. Kailangang niyang maging abala bago pa tuluyang humulagpos ang pagpipigil niya at mahulog silang dalawa sa kabayo.
Bigla'y tumawa ang dalaga sabay kapit ng mahigpit sa braso niyang nakahawak sa bewang nito.
"Oh my God, we're flying!"
"Bagalan natin?" pasigaw na tanong niya para marinig nito.
"No!" anitong umiling saka nilingon siya. "I love flying!"
Napangiti siya nang makitang masaya ito. Nawala na kaagad ang tampo nito. "Kapit ka," aniya saka hinigpitan ang pagkakapulupot ng kamay sa bewang ng dalaga. Ganoon na lang ang hagikgik nito nang mas binilisan pa niya ang takbo.
Mabilis silang nakarating sa manggahan. Masayang inilibot ni Clarisse ang paningin. She still felt like soaring. And her heart is still beating wildly for being so near with Paco. For some reasons, he did not let go of her hands. Kaya kasama siya nito habang kinakausap ang mga tauhan. Hindi niya mapigilang humanga sa binata sa pagiging responsible nito.
Stop admiring him, kastigo niya sa sarili. Pero ilang sandali lang ay natagpuan niya ang sariling palihim na sinusulyapan ito habang nakikipag-usap sa mga tauhan. Umiwas siya ng tingin nang nilingon siya nito. Maya-maya pa'y nagyaya na itong umuwi.
Natuto na siyang sumampa ng kabayo pero hindi pa rin siya hinahayaan nitong mag-isa dahil hindi pa siya masyadong kilala ng mga kabayo. Kaya't kagaya noong una'y, kailangan niyang tiisin ang malakas na t***k ng puso na ibig yatang kumawala sa dibdib niya tuwing nasa malapit si Paco.
"What's that?" aniya. Iba ang daang iyon sa dinaaanan nila noong nakaraang araw.
"Simbahan," anito. Muntik na siyang maduling nang makita kung gaano kalapit ang mukha nito paglingon niya at naalala niya ang halik na namagitan sa kanila nang gabing iyon na pilit niyang kinakalimutan. Ganoon na lang ang pagtahip ng dibdib niya nang magtama ang mga mata nila.
"G-Gusto kong tingnan,'' aniyang sunud-sunod ang tahip sa dibdib. "Kung pupuwede."
"Okay, pero hindi tayo pwedeng magtagal at baka dumating na ang beterinaryo." Bumaba ito mula sa kabayo at inalalayan siya nito sa pagbaba. Napangiti siya nang maglakad sila papunta roon. Hawak-hawak ni Paco ang kamay niya para alalayan siya at hindi niya mapigilan ang saya sa dibdib. Nagkakagusto na talaga siya sa poor uncivilized creature na ito. And she suddenly hated her for naming him that.
"Ang ganda naman dito," aniya habang naglalakad sila sa daan na nasa pagitan ng umaagos na batis. "Kapag ikinasal ako, gusto kong maglakad mula dito papunta sa loob."
Ngumiti ito. "Mag-aasawa ka ng tagarito?" tanong nito na halos ikinabuhol ng hininga niya.
"Hindi, ah," paiwas na sagot niya. "Basta gusto ko dito ikasal." Napangiti siya. At biglang namula nang sa isip ay nakita niyang si Paco mismo ang naghihintay sa kanya sa altar.
There was a large cactus in the garden. Saka siya biglang napakunot-noo. She remembered this place in a picture she held so close in her heart. She flicked her heart pendant. And saw her mom and Dad on their wedding day.
"Mom and Dad were married here," aniyang halos bulong lang. And there was a certain warm feeling that touched her heart.
Paco gently smiled. "Dito rin ikinasal ang mga magulang ko . Halika, may ipapakita ako sa'yo."
Pinuntahan nila ang cactus. May naka-ukit na petsa at pangalan sa sementong nakabakod palibot sa cactus. There were names of those who have been married there. And her eyes were stinging as she saw her mom's handwriting. Dinama niya iyon ng mga daliri niya.
Napatingin siya kay Paco. Napatitig din ito sa pangalan ng mga magulang nito. Tila may pumunit sa puso niya nang makita ang lungkot sa mga mata nito. She realized how lucky she is she still has her Dad. How did Paco manage to survive on his own? How was it living alone? There was a strong urge to hug him and never let go. For the first time in her life, she wants to take care of someone though she doesn't know how to. She wants to take care of Paco.
Nang mag-angat ito ng tingin ay nahuli siya nitong nakatitig rito. Kaagad niyang ibinaba ang tingin.
"Do you miss them?" mahinang tanong niya.
Tumango ito sabay buntong-hininga. "Araw-araw," may pait sa boses nito.
Hindi niya alam kung saan siya kumuha ng lakas, ang alam lang niya'y gusto niyang pawiin ang lungkot nito. Kinuha niya ang kamay nito at mahinang pinisil iyon.
"There are just painful things we can't escape even if we try to."
He looked at her with that sad eyes and she was not thinking at all. She just hugged Paco. Mahigpit.
Tila nagulat ito sa ginawa niya. Pagkuwa'y naramdaman niyang ipinulupot nito ang braso sa bewang niya at gumanti ng yakap.
It feels so good... Aniya sa isip. She should be comforting him but it felt the other way around.
"Hindi ko akalain na may soft side ka pala," bigla'y sabi ni Paco. "Akala ko mataray ka lang at walang pakialam sa nararamdaman ng iba."
Kunot-noong tiningala niya ito. "Was that a compliment?"
Tumaas ang sulok ng labi nito. "Opo, senyorita," anito at hinalikan ang tungki ng ilong niya. Nanlaki ang mata niya at tila natauhan din ang binata. Kaagad itong kumalas mula sa pagkakayakap niya.
"Umuwi na tayo at baka dumating na ang beterinaryo," yaya nitong hindi makatingin sa kanya. Kaagad siyang tumalima. Abot-abot pa rin ang kaba sa dibdib. She thought he'd kiss her on the lips!
"Gusto mo ulit lumipad tayo?" nakangiting tanong nito nang sumampa siya sa kabayo. Excited na napatango siya. Nawala na lahat ng pagka-ilang nila sa isa't isa nang sinimulan nitong patakbuhin ang kabayo. It's one of her favorites now, flying with Paco.
Sumama siya rito sa kuwadra ng mga kabayo at tumulong sa pagpapakain. Medyo nasanay na rin siya sa amoy niyon. Gusto niyang parating binibisita si Athena at aaminin na niya sa sarili, gusto niyang parating kasama ang binata.
"Magtatrabaho pa rin ba tayo bukas kahit Linggo?" tanong niya habang tinatalunton nila ang daan patungo sa mansiyon.
"Magsisimba tayo bukas."
"Tapos?"
"Uuwi."
"Tapos?"
Hinarap siya nito. "Ano ba ang gusto mong gawin?"
Kahit ano basta kasama ka, gusto niyang isagot.
"Nami-miss ko ang Daddy, saan ba dito may signal?" bigla'y naisip niya.
"Walang signal dito."
Nadismaya siya sa narinig.
"Pero may pay phone sa bayan. Dadalhin kita doon bukas pagkatapos nating magsimba."
"Really?" Lumiwanag ang mukha niya sa narinig. Gusto niyang mapatalon sa tuwa. Paubos na ang toiletries niya at wala namang malapit na tindahan sa mansiyon.
"Para makabili ka na rin ng mga kaartehan mo."
Nagpanting ang tenga niya sa narinig. "I told you, hindi kaartehan ang bibilhin ko. Necessities. Needs not wants."
Tumango ito, nakaangat ang isang sulok ng labi at naiinis siya dahil nanunudyo ang mga mata nito.
"Ano nga yung expression n'yong ganito?" tanong nito itinaas ang tag-tatatlong daliri sa dalawang kamay.
"Whatever?" sagot niya.
"Yun!" anito sabay tawa.
Pakiramdam niya'y umakyat ang dugo sa ulo niya nang mapagtanto ang pambubuska nito. Hinampas niya ito. Natatawang tumakbo ito palayo sa kanya. Hanggang sa makarating ito sa likod bahay ay dinig pa rin niya ang tawa nito. Naiinis siya lalo. He looked cute doing that 'whatever' gesture. At kinikilig siyang hindi niya mawari. Nakakainis!