VII. You're Forgiven

2663 Words
Kinabukasan tanghali na siya nang magising. Masakit na masakit ang ulo niya. May nakahanda nang pagkain pagbaba niya ng kusina. Nakita niya si Buboy na naglalaro. Ibinilin daw ni Paco na magpahinga siya. Nakapagtataka. Wala ba siyang lilinisin ngayon? Pinilit niyang inalala ang nangyari kagabi sa kabila ng p*******t ng ulo. Something happened last night that made her so happy. It must be something wonderful because she could feel it tugging in her heart but she just can't remember it. Naalala niyang napakasaya ng ginawa nilang pag-aani ng pakwan kahapon. At mas sumaya pa siya nang sumapit ang gabi at marinig lahat ng kuwento ng mga tao tungkol sa Mommy at sa Lola niya. Nanakit din ang katawan niya pero mas minabuti niyang maglinis ng bahay. Para matuwa si Paco pagdating nito. Umangat ang kilay niya sa iniisip. Hello? Bakit naman niya hahangaring matuwa sa kanya ang mayabang na iyon? Bigla siyang natigilan nang may mag flashback sa utak. Natutop niya ang labi. Hinalikan nga ba niya si Paco kagabi? Saka lang luminaw lahat... Kahit ngayon ramdam niya pa rin ang malambot na labi nito lumapat sa labi niya nang hinalikan niya ito. Oh my... tila aatakihin siya sa puso. How could she? Why did she? Oh my God... How could she kiss someone she barely knew? Ano na lang ang iisipin ni Paco sa kanya? Napakunot ang noo niya.  Since when did she care about what he thinks? Nasabunot niya ang buhok.  She is in deep trouble! Walang tigil ang paglalakad niya sa bawat sulok ng bahay. Minsan napapakagat siya ng kuko. Minsan napapasapo ng mukha sabay iling-iling. Minsan ay napapabuga ng hininga at napapasabunot sa sariling buhok. Habang lumilipas ang oras ay tumitindi ang kaba niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Tinangka niyang magpahinga pero hindi niya magawa. Dapat may gawin siya. Napatingin siya sa kabuuan ng mansiyon. Umangat ang kilay niya. Tinawag niya si Buboy. Nagtaka si Paco nang makasalubong si Buboy, pawisan at may bimpong nakasuksok sa likod. Napangiti ito ng makita siya. "Ang Ate Clarisse mo? Bakit pawis na pawis ka?" Napakamot ito ng ulo. "Pina-uwi na po niya ako pagkatapos ng project namin. Binigyan pa po niya ako ng tsokolet." Masayang ipinakita nito ang isang bar ng Snickers. Napangiti siya. " Project?" "Surprise daw po." Kumunot ang noo niya. "Kumain ka na ba?" tanong niya. Tumango si Buboy. Hinatid niya ang bata sa bahay nito. Ang totoo'y hindi niya alam kung papaanong pakikiharapan ang dalaga. Hindi siya pinatulog ng halik nito. Hindi rin niya maiwasang isipin kung gaano ito kaganda nang gabing iyon habang naglalaro ng piko at habang sumasayaw. Hindi niya alam kung paano niya maaalis sa isip kung gaano katamis ang labi nito at kung paano niya pipigilan ang sariling hagkan ito ulit. Napabuga siya ng hininga. Lasing si Clarisse. Akidente ang nangyari. Baka nga wala itong maalala sa nangyari kagabi. Ipinasya niyang daanan ang kwadra at tingnan ang kalagayan ng mga kabayo lalo na ni Athena. Nagtagal siya roon. Nang tantiya niya'y tulog na ang dalaga'y saka niya ipinasyang umuwi. Pagbukas ng pinto'y ilang beses siyang napakurap. Nag-iba ang ayos ng salas, mas naging maluwang iyon. Ang pianong nakatago sa sulok ay nakabukas at tila nag-aanyayang patugtugin. Sa gitna ng magarbong sofa ay naroon ang lamesitang yari sa mahogany na alam niyang dati'y nakatago sa sulok ng kusina. Ang kulay kremang kurtina ay lalong nakapagpatingkad sa buong kaayusan ng salas. Nakalatag din ang carpet na paborito ng donya. Namangha siya sa ayos niyon. Apo nga ni Donya Marcellina si Clarisse dahil pareho sila ng gustong ayos ng mansiyon. Hindi niya maiwasang mapangiti. Kaya pala pawisan si Buboy. Bigla'y gusto niyang pumanhik sa taas para purihin ang ginawa ng dalaga pero pinigilan niya ang sarili. Dumiretso siya sa kusina dahil kumalam ang sikmura niya. Hindi mapakali si Clarisse habang panay ang sulyap sa orasan. Nauna na siyang kumain. Nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na panghihinayang. Pero siguro'y mas makabubuti na rin na hindi sila magkita muna. God... papaano ba niya haharapin ang poor uncivilized creature na hinalikan niya kagabi? Napapitlag siya nang biglang lumagitik ang pinto. Nasa kusina siya dahil nakaramdam siya ng uhaw. Huli na para tumakbo pabalik ng silid. Bigla ang pagkabog ng dibdib. Malakas. Palakas ng palakas habang papalapit ang binata. She's having a heart attack! Keep calm, aniya sa sarili. Nasaan na ang katarayan mo? She just needs to pretend nothing happened, she didn't remember anything. She'll be okay. Pilit niyang pinakalma ang sarili. Pero tila gusto niyang maglaho na lang bigla kesa makita ito. "Good evening," pilit na kaswal na bati niya nang pumasok ang binata sa kusina. Nakahinga siya ng maluwag nang hindi siya nag-stammer. Tila nagulat ito ng makita siya. Hindi alam kung hahakbang o aatras. Pagkuwa'y pumormal ang mukha. "Bakit gising ka pa?" sita nito. "Hindi ako makatulog." Patlang. "Kumain ka na?" aniyang pilit huwag ma-conscious sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Naalala kaya nito ang nangyari kagabi? Kung siya ngang lasing alalang-alala niya, ito pa kaya? "Nag-fry ako ng fish. Medyo sunog ulit siya. Hindi ko kasi makontrol ang apoy. Saka tumatalsik ang mantika. Pero may vegetable salad naman." Naiiling na lumapit ito sa kanya saka napabuntong-hininga. "W-Wala ka bang naaalala kagabi? " Tumahip ng malakas ang dibdib niya. "M-Marami yata akong nainom. Huling naalala ko sumasayaw ako tapos nasa kama na ako pagkagising. Did I do s-something horrible last night?" Umiling ito. "Talaga bang wala kang naalala maliban doon?" Umiling siya. "May dapat ba akong maalala?" Tila nakahinga ito ng maluwang. "W-Wala. Mas mabuti ngang makalimutan mo na lang." "Ikuwento mo na lang," biglang sabi niya. Ikuwento kung paano niya ito hinalikan? Gusto niyang batukan bigla ang sarili. Biglang nag-init ang sulok ng pisngi niya. He chuckled. "Okay. Pero pakainin mo na muna ako." "Certainly," tugon niya at sabay silang naghanda ng mesa. "Gumanda bigla ang bahay," anito. "Hindi ka marunong maglinis pero marunong ka naman palang mag-ayos." Ngumiti siya. "Nagustuhan mo?" Tumango ito. "Parang bumalik sa dati ang ayos ng mansiyon. Iyon bang gugustuhin mong umuwi para makapag-relax." Pakiramdam niya'y lumulutang siya sa papuring iyon ni Paco. "Bukas tuturuan kitang magluto. May technique kasi sa pagkontrol ng apoy, at sa pagluluto na rin." "Bumait ka yata bigla?" aniyang tinaasan ito ng kilay. "Gusto ko ng kumain ng normal na pagkain," sagot nito. "Saka kailangan mong matuto, kawawa ang magiging asawa mo pag nagkataon." Inirapan niya ito. "I can buy food naman, and I know a lot of good restaurants." "Eh paano kung sa bukid ka mag-asawa? Walang restaurants? " "Ba't naman ako mag-aasawa ng taga-bukid?" mataray niyang sagot. Saglit na hindi ito kumibo saka nagkibit-balikat. "Sabagay." I didn't mean that... gusto niyang bawiin ang nasabi pero natatakot siyang maging masyadong obvious. "Kuwentuhan mo na ako," aniya nang biglang tumahimik ito bigla. "Wala naman talagang nangyari kagabi. Nalasing ka lang. Sa susunod huwag ka ng iinom ng lambanog." "Hindi ko naman alam na matapang pala iyon. Konti lang ininom ko, ah," depensa niya sa sarili. "Nagkalat ba ako?" "Hindi naman," sagot nito na hindi tumitingin sa kanya. Tila nagkabuhul-buhol ang bituka niya sa naalalang paghaplos niya sa mukha nito ang pagdampi ng labi niya sa labi nito. "K-kuwentuhan mo na lang ako tungkol kay Lola," pag-iiba niya ng paksa. "All I know is that my mom eloped with Dad when Lola tried to arrange a marriage for her. And I never get to know Lola because they were never in good terms with Dad." "Si Lola Marcellina, mabait na masungit. Nag-aalala pero laging nakabulyaw. Walang araw na hindi ka naiisip nun. Palagi niyang hawak-hawak ang larawan na padala ng Daddy mo. Mahal na mahal ka nun." "Talaga?" aniyang hindi mapigilan ang panghihinayang sa tinig. May kung anong humaplos sa dibdib niya. "Masyado nga lang mataas ang pride. Kaya kahit nangungulila sa'yo, hindi niya magawang kausapin ang Daddy mo. Pero kahit na masungit saka palaging nangungurot, mapagmahal iyon. Namana mo yata sa kanya ang kasungitan." Namilog ang mata niya. Did he just insult her? "Excuse me!" Bigla itong natawa sa reaksyon niya. Tumayo ito para iligpit ang pinagkainan. "Ganyang-ganyan siya pag nagagalit." Sa inis ay kinurot niya ang braso nito. "Aw! Ganyan din siya mangurot! Teka, Lola, ikaw ba iyan?" anitong tatawa-tawa pa rin. Naiinis siya dahil nahahawa siya sa tawa nito. Lalo tuloy itong gumuguwapo sa paningin niya. Kinagat niya ng mariin ang labi para magmukhang galit. "Akala ko ba, hindi ka marunong mag-joke?" Saglit itong nag-isip. "Wala naman akong sinabing joke." Inis na hinampas niya ito. Mas lumakas pa ang tawa nito saka itinaas ang kamay. "Oo na, binabawi ko na. Pikon." "Nakakainis ka talaga!" gigil na sabi niya. "Totoo naman iyon, ba't ka maiinis?" Inirpan niya ito. "Ewan ko sa'yo!" aniya sabay nagmartsa palabas ng komedor. "Salamat sa hapunan!" pahabol pa nito. Napasandal siya sa likuran ng pinto. Nakakainis na nakakatuwa. Hinawakan niya ang dibdib para kumalma iyon. Crush na yata niya si Paco. Oh nooooo! Aniyang malakas na umiling. Bigla'y may kumatok sa pinto. "Clarisse?" mahinang tawag nito. Nag-init ang sulok ng pisngi niya. Bakit pati pagbigkas nito ng pangalan niya bigla'y parang napakagandang pakinggan? Kumatok ito ulit. "Alam ko gising ka pa." Binuksan niya ang pinto at nakapameywang na hinarap niya ito. "Wala ako sa mood makipag-usap sa'yo." "Ganyan ka ba talaga kapikon?" Iningusan niya ito. Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kamay niya. "Tutal, hindi ka naman makatulog, may ipapakita ako sa'yo. " "Ayoko nga!" aniya saka binawi ang kamay. Halos mabingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib. Tumungo siya para hindi nito makita ang pamumula ng pisngi niya. Pero hinawakan nitong muli ang kamay niya. "Lika na," anito sabay hila sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang sumunod dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kamay niya. May kinuha itong gasera saka inilawan ang daan nilang dalawa. "Saan mo ba ako dadalhin?" "Makikita mo," anito. Tinalunton nila ang kahabaan ng pasilyo ng mansiyon. Nandoon na naman ang pamilyar na kaba sa dibdib niya na tanging nararamdaman niya sa tuwing kasama niya ang binata. Umakyat sila sa spiral staircase. Pakiramdam lang ba niya o talagang ingat na ingat si Paco sa kanya? Napatingin siya sa magkahawak nilang kamay. His hands are rough and strong and yet she likes how it felt in her skin. Why does it suddenly felt like their hands should be intertwined like this forever? Napatitig siya sa mukha nito. Paano niya nagustuhan ang poor uncivilized creature na ito sa loob lang ng ilang araw? Napalingon ito sa kanya kaya mabilis siyang napatungo. Ganoon na lang ang lakas ng tahip ng dibdib. "Hindi mo yata pinapalinis 'to?" tanong niya para hindi mapansin ang pagkaturete niya. "Delikado na kasi kaya ako na lang ang gumagawa. Mag-iingat ka, medyo bumibigay na ang sahig dito." Ngayon lang siya nakapunta sa bahaging ito ng mansiyon. "Ang laki pala ng house ni Lola." "Pinakamalaki sa buong San Sebastian. Sayang nga at marami ng sira. Noon ito rin ang pinakamagandang mansiyon dito. Matagal ko nang balak ipaayos 'to kaso hindi naman sapat ang kinikita ng hacienda. Kapag nagkapera ako, ipapaayos ko 'to." Napatingin siya sa sinseridad ng boses nito. Lola Marcellina had been right to give all her inheritance to Paco. Ni hindi niya alam kung mapapantayan niya ang pagmamalasakit nito sa hacienda. "Andito na tayo," anito saka pansamatalang binitawan ang kamay niya para buksan ang pinto. Namilog ang mata niya sa nabungaran. Something gripped her heart. Napako ang tingin niya sa malaking painting sa dulo. It's a painting of her mom writing in the woods. She knew she had seen that place before. Saka lang niya naalala ang lugar kung saan ipinasyal siya ni Paco kahapon. "Alam kong marami kang tanong tungkol sa mommy mo. Hindi ko naman talaga siya kilala. Kaya naisipan kong dito ka na lang dalhin." Ngumiti siya ng tipid. The truth is she wanted to cry. Nobody ever thought of her this way. Si Paco lang. Napatitig siya rito. There was that urge again to kiss him but she held herself back. "Bumabawi ka 'no?" aniya. "Halata ba?" anitong napahagod sa buhok. "Well, nawala na ang inis ko sa'yo." They were sitting on the bed, looking at those old albums. "Close pala si Mommy ko saka si Mommy mo." "Magkababata sila. Sabay silang lumaki." Kumunot ang noo niya nang may makitang ka-holding hands ang mommy niya. "This must be the guy that Lola wanted her to marry. Not bad. He's quite good looking," komento niya. "Talaga?" tila nanantiyang tanong nito. Tumango siya saka sinulyapan ang kaharap at ibinalik ang tingin sa larawan. Malaki ang pagkakahawig ng dalawa pero hindi niya isinatinig dahil pinuri niya ang lalaking nasa larawan. Kumunot ang noo niya nang sa sumunod na larawan ay ang mommy ni Paco ang kasama ng lalaking ka-holding hands ng mommy niya. "Wait..." aniyang napa-isip. "Daddy mo 'to?" Tumango ulit ang binata. "Na-inlove siya sa mommy mo kaya hindi natuloy ang kasal." "Na-inlove din sa Daddy mo ang mommy mo kaya hindi sila nagkatuluyan." "That's really funny. Though I'm sure hindi madali para sa kanila na suwayin si Lola." "Hindi talaga. Pero siguro, kapag mahal mo ang isang tao, haharapin mo lahat para sa kanya." Hindi niya alam kung bakit napatunganga siya sa sinabi nito. Habang nakikilala niya ang binata'y lalo yatang lumalala ang nararamdaman niya rito. Which is completely insane. Ibinaba niya ang tingin sa album. "Can I take this home?" "Sa'yo naman talaga iyan." "Thank you, Paco. Hindi ka naman pala super sama. Mabait ka naman pala." Tumawa ito. "Ikaw rin, hindi ka rin naman pala super sama, super maarte lang, " anitong ginaya ang pagsasalita niya. Awtomatikong kinurot niya ito pero mabilis itong umiwas sabay halakhak na halatang nanunuya. Tumayo siya sa kama para kurutin ito pero nawalan siya ng balanse nang matapilok siya sa bedsheet. "Clarisse!" sigaw ni Paco. Dagli nitong iniharang ang katawan sabay salo sa kanya. Napasigaw siya nang tuluyan silang bumagsak sa sahig. Narinig niyang napahiyaw si Paco sa sakit. "Paco!" sambit niya. "Are you alright?" "Ikaw? Hindi ka ba nasaktan?" puno ng pag-aalala ang mga mata nito. Umiling siya. Abut-abot ang kaba sa dibdib sa lapit ng mukha nito sa mukha niya. "Thank you," halos bulong na sambit niya at mabilis na tumayo. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman nang maglapat ang katawan nila. "Ikaw kase," aniyang hindi napigilan ang sariling kurutin ito para pagtakpan ang kabang nararamdaman. Napaigtad ito at natatawang lumayo sa kanya. "Napipikon ka na naman," anitong tila siyang-siya na hindi na maipinta ang mukha niya. Pagkuwa'y nakangiting napatitig sa kanya. Pakiramdam niya'y nahulog ang puso niya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. "Sorry kung hindi ko masyadong naalagaan ang alaala ng Mommy mo ha," bigla'y seryosong saad nito. "Hayaan mo't aayusin ko 'to para dito na ang silid mo." "Huwag kang bumait, hindi ako sanay. Saka English ang sorry." Tumawa ito. "Ipagpaumanhin n'yo po Senyorita at naging magaspang po ang pakikitungo ko sa inyo nitong nakaraang araw. Kung sakali pong nasaktan kayo sa sinabi ko't nagawa ko, sana'y magawa ninyo akong mapatawad." "Ang haba nama no'n,  para sorry lang," aniyang naiiling. "But yes,  you're forgiven." Ngumiti si Paco at pakiramdam niya'y natunaw ang puso niya. "Pahintulutan n'yo po akong magpakilalang muli. Ang pangalan ko'y Francisco Geronimo Natividad pero maaaring ninyo akong tawaging Paco." Inilahad nito ang kamay. Kusang sumilay ang ngiti sa labi niya at tinanggap ang kamay nito. "Call me Clarisse," aniya. Naramdaman niya ang mahinang pagpisil sa palad niya. Hindi tuloy niya maiwasang mapatitig sa mukha ng binata habang patuloy ang pagkabog ng dibdib. Napatitig rin ito sa kanya. He held gaze for a moment and yet it felt like a lifetime. "Ikinagagalak kong makilala ka, Clarisse." "Same here, Paco," totoo sa loob na sambit niya. Tila gusto niyang magprotesta nang bitawan nito ang kamay niya. "Hatid na kita sa silid mo." Nagpatiuna siya. Nang hawakang muli ni Paco ang kamay niya'y hindi siya tumutol at lihim na humiling na sana'y huwag munang matapos ang gabing iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD