Nang lumabas sila sa gubat na iyon, bumungad sa kanya ang manggahan. Mga maliliit pa lamang ang mga punong iyon ngunit nagsisimula nang mamulaklak. Ayon sa binata, dating palayan iyon kaso madalas hindi na naabutan ng tubig lalo na kapag tagtuyot kaya pinagpasyahan nilang gawing manggahan.
Pagkalampas nila'y dumaan sila ng ilang ektaryang taniman ng tubo.
"Nagbago ang lupa pagkalipas ng panahon. Paiba-iba na ang itinanim naming simula nang nagging matumal ang ani. Buti na lang maayos ang tubuhan ngayon."
Tango lang ang isinagot niya. Ano bang alam niya sa pagtatanim? Wala naman siyang planong kumuha ng agriculture. Plano niyang maging interior designer. At alam niyang wala iyong kinalaman sa lupa.
Ilang saglit pa'y nag-iba na naman ang taniman at may mga taong nagtatrabaho roon. Taniman iyon ng pakwan. Napangiti siya, gusto niyang kumain ng pakwan! Napalingon ang lahat nang maparaan sila. Lahat ay nagbaba ng sombrero saka yumukod.
"Yumuko ka rin," anang binata.
"What? Ba-" hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil bahagyang itinulak ng binata ang ulo para mapayukod siya. Tiningnan niya ito ng masama.
"Pagbibigay respeto iyan dito," anito habang gumaganti ng yuko at ngiti sa bawat makasalubong. Napilitan siyang gawin iyon kahit pa medyo hindi siya sanay. Nang bumaba siya'y inilalayan siya ng binata. Hindi na niya pinansin ang malakas na kabog ng dibdib. Sigurado siyang dahil iyon sa init ng araw.
Ipinakilala siya ni Paco isa-isa sa mga naroon. At ramdam niya ang mainit na pagtanggap ng mga tao.
"Bagay kayo Kuya," anang batang babae abot-tenga ang ngiti.
"Huwag mong pansinin, bata iyan," paalala nito nang umigkas ang kilay niya. "Mainit na, isuot mo ito," anito saka isinuot sa kanya ang dala nitong sumbrero.
Well, he's not totally bad, aniya sa sarili.
"Halika na," anito nang hindi siya tuminag.
Kumunot ang noo niya.
"Hindi kita pinasama rito para manood. Tutulong ka para matuto ka. Gusto mong kunin ang hacienda, di ba? Dapat matutunan mo ang lahat."
Humaba ang nguso niya at inirapan ito. Binawi niya kaagad ang iniisip kanina. He's a total ass.
Sinimulan siya nitong turuan. Hahawakan lang naman pala saka ika-cut gamit ng kutsilyo . Ngunit muntik na siyang mapasubsob nang hindi niya magawang buhatin iyon. Mabilis namang inalalayan siya ng binata.
"Okay ka lang? Nahihilo ka na ba?" tanong nitong bumadha ang pag-alala sa mukha. Pumiksi siya dahil naroon na naman ang pamilyar na kaba.
"Alis ka nga. I can do this," aniya saka muling sumubok. Hindi pa rin niya magawa. Pero at least, hindi siya natumba. Sinubukan niya ulit. Napangiti siya nang maiangat niya iyon mula sa lupa.
"See? I did it!"
Napalingon siya ng nagpalakpakan ang mga tao roon. Kanina pa pala siya pinapanood ng mga ito. Yumukod siya sa mga ito sabay ngiti at kumaway-kaway. Nakita niya ang pag-angat ng sulok ng bibig ni Paco saka naiiling na ipinagpatuloy ang trabaho.
Ilang sandali pa'y nakihalubilo na siya sa mga tao sa hacienda. At talagang nag-enjoy siya sa ginagawa. Nang sumapit ang tanghalian ay tumanggi siyang umuwi. Pero napalunok siya nang makita kung saan sila kakain. Sa isang malaking dahon ng saging nakalagay ang mga pagkain. Hindi niya alam kung papaano magkamay. Ang saya-saya ng mga tao roon. Parang magkakilala lahat. Parang magkapamilya lahat. Maingay na magulo na masayang-masaya.
"Subuan na kita," ani Paco na may nakahandang pagkain sa kamay. "Wala ka pang nakakain."
Ngumanga siya. Hindi sinasadyang lumapat sa dila niya ang dulo ng daliri nito. Nakita niyang natigilan ito at napatitig sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib. Hindi nakaligtas sa mata niya ang mapanuksong tingin ng mga taga-roon kaya umiwas na siya sa sunod nitong subo.
"Turuan mo na lang ako," aniya.
Tinuruan siya nito pero pinaghimay siya ng isda. Madali lang naman pala, kailangan lang pagdikitin ang daliri para mgdikit ang kanin, lalagyan ng ulam at idiretso sa bibig.
"Mmm," aniyang nasiyahan. Nakarinig siya ulit ng palakpakan. Kumaway ulit siya sabay tawa.
"Mahal na yata nila akong lahat," bulong niya. Narinig niyang tumawa ang katabi. Unang beses niyang narinig ang tawa nito at hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang pagsikdo ng dibdib.
"Uyy si Kuya tumatawa," tudyo ni Buboy ang batang side-kick ni Paco. Kanina pa ito buntot ng buntot a binata simula nang dumating sila. "Si Ate Clarisse lang pala ang kailangan."
"Sshh," saway ni Paco saka muling pumormal. So, hindi pala talaga tumatawa ang isang ito? Kaya pala matanda na kung makaasta. Halata niyang sinusunod ng mga tauhan ang mga sinasabi nito sa kabila ng edad nito.
Ilang saglit pa'y patuloy na ulit sa pag-aani. Hindi niya halos maramdaman ang pagod. Hangang sa sumapit ang hapon. Natapos nila ang lahat ng aanihin nga araw na iyon at kaagad na kinarga ang mga pakwan papuntang bayan.
"Senyorita, baka gusto ninyong maghapunan sa bahay," yaya sa kanya ni Nanay Caridad.
"Sige po," aniyang hindi man lang nag-isip. Nang tingnan niya si Paco ay nahuli niyang nakatitig ito sa kanya. Halos sabay silang nag-iwas ng tingin at nag-init bigla ang pisngi niya. Ano ba ang nagyayari sa kanya?
Saka lang niya napag-alaman na ganoon pala talaga kapag tag-ani. Lahat ay dumadayo kina Nanay Caridad para kumain. Sa labas ng bahay ay may mahabang mesa sa lilim ng malaking puno ng mangga. May gumawa ng apoy at may nagigitara, nagkakantahan at nagsasayawan at nag-iinuman ng lambanog.
"Natutuwa kami at napagpaunlakan mo ang aming imbitasyon, Senyorita. Kamukhang-kamukha mo ang ina mo."
"T-Talaga po?" aniyang may bumikig sa lalamunan.
"Mas maayos ka nga lang. Dito kasi lumaki ang ina mo kaya alam niya lahat ng pasikot-sikot. Aba'y halos kaming lahat yata'y pinagkatuwaan ng ina mo noon. Medyo pilya lang siya noong kabataan niya. Aba'y hindi iilang beses na nakukurot ni Donya Marcellina ang singit niyon," ani Mang Poldo na natatawa habang nagbabalik-tanaw.
Clarisse heard a lot of stories of her Mom's childhood. Ayaw niyang matapos ang gabing iyon. Napag-alaman din niyang hindi lang basta katiwala ang mga magulang ni Paco. Kababata ang mga iyon ng Mommy niya. Nakaramdam siya ng guilt sa masamang ugaling ipinakita niya sa binata. Sabi ng mga tagaroo'y inaanak ng Mommy niya si Paco noong dalaga pa ito. At kung hindi lang sumakabilang buhay ay tiyak na aampunin ito ng Mommy niya. Limang taon pa lang pala ito nang mamatay ang mga magulang dahil sa aksidente. Too bad, her Mom died the same year after giving birth to her.
Hinanap ng mata niya ang binata at ganoon na lang ang pagsikdo ng dibdib niya nang makitang nakikipaglaro ito ng piko sa mga batang naroroon. Hindi niya maiwasang mangiti dahil sa saya sa mukha nito.
"Parang bata," aniyang hindi sinasadyang maisatinig ang iniisip. Tumawa si Aling Mameng, kapatid ni Nanay Caridad.
"Naku, Senyorita, ganyan ho talaga si Paco. Malapit siya talaga sa mga bata. Palibahasa'y lumaki siyang mag-isa kasama ni Donya Marcellina kaya sabik sa kalaro."
"Wala ho ba siyang mga kaibigan?"
"Si Rosario at Armando ang kasabayan niyang lumaki. Nakipagsapalaran ang dalawa sa Maynila. Talagang mahal na mahal ni Paco ang haciendang ito kaya hindi niya maiwan. Aba'y kung iniwan niya kami noon, baka nag-asawa na sila ni Rosario. Nag-aalala siya na baka mawalan ng kabuhayan ang mga tao rito kaya hindi siya umalis. Alam mo bang engineer na iyan at may trabaho nang naghihintay sa Maynila pero inayawan niya."
May kung anong humaplos sa puso niya. Hindi niya mapigilang humanga sa sakripisyong ginawa ni Paco. Over the years, she didn't bother coming here just because there's no one here. She didn't even bother thinking of taking care of what her Lola and Mom left behind. Napatingin siyang muli sa binata. Inilibot nito ang tingin, tila may hinahanap. Pakiramdam niya'y tumigil ang mundo nang mag-abot ang tingin nila. Sinenyasan siya nito na lumapit. Umiling siya. Pero nilapitan siya nito.
"Sali ka na," yaya nito.
"I'm not a kid anymore," tanggi niya. Pero hinila pa rin siya nito. Hindi na siya makatanggi kaya't sumali siya. Ganon na lang ang saya niya habang nakikipaglaro. Parang bumalik siya sa pagkabata. Nagtatalon siya sa tuwa nang manalo siya. Ilang beses pa silang naglaro hanggang sa matigil sila dahil pinapatulog na ang mga bata.
"Paco, halika't magkantahan na tayo," anang kumpol ng mga kalalakihan. "Kantahin mo yung kinanta mo noong pista."
"Senyorita, baka gusto n'yo hong maki-sayaw," anyaya sa kanya ni Mang Ricardo.
Tiningnan niya si Paco, tumango ito.
Nakisayaw siya sa mga matatanda roon. Masayang pakinggan ang tugtugan at kantahan kahit gitara lang ang gamit ng mga ito at kalampag ng kawayan. Natigil siya sa pagsasayaw nang pumailanlang ang malamig na boses sa gitna ng upbeat at maingay na tugtugan.
"You're just too good to be true, can't take my eyes off you.
You'd feel like heaven to touch
Oh, I wanna hold you so much.
At long last love has arrived and I thank God I'm alive
You're just too good to be true
Can't take my eyes of you"
Mas ganado siya sa pag-indak at ganoon rin ang mga kababaihan na naki-birit sa parteng "I love you baby" ng kanta. Nakatingin si Paco sa kanya habang kumakanta at kagaya ng dati'y nag-uumalpas na naman ang kabog ng dibdib. Naki-inom siya ng lambanog para mawala ang kaba niya at saka patuloy na umindak. For the first time, she enjoyed having fun and she didn't even spend a cent. Ito na ba ang tinatawag nilang 'The best things in life are free'? Ayaw pa sana niyang umuwi pero hinila na siya ni Paco at halos paliparin ang kabayo pauwi.
"Ba't ka uminom?" singhal nito sa kanya nang makarating sila ng mansiyon. Napasandal siya rito nang biglang umikot ang paningin niya.
"I'mm o-okayyy," aniyang nabubulol. Tila hindi niya makontrol ang dila."I'm happeyyy," aniyang biglang nanubig ang mga mata. Napakapit siya sa binata bigla dahil muntik na siyang mapaubsob nang tinangka niyang humakbang. Maagap naman siyang inalalayan nito. Ipinalibot nito ang braso sa bewang niya habang nakaakbay siya rito. He smelled really nice.
"Ano na lang ang sasabihin ng Daddy mo, na pinabayaan kitang magwala?"
She isn't thinking straight because she finds it funny that Paco is so mad right now. Namumula na ang mukha nito sa galit.
"I'm j-just ha-vin f-funnn!" aniyang hindi napigilan ang pagtawa sa pagsinok niya. She could see her mom laughing ang dancing with her all through the night. "Come, d-dance with meyy," aniyang pasuray na kumapit sa bisig nito habang pinipilit sumayaw pero umiikot na ang paningin niya.
"Pwede kang magsaya ng hindi umiinom. Hindi maganda sa babae ang umiinom!" pangaral nito. "Kung nandito lang ang Lola Marcellina'y tiyak na makukurot ka ng matindi."
Tumawa siya bigla. Dahil nasabi ni Nanay Caridad ang minsang pagpuslit ng mommy niya sa sayawan kasama ang mga magulang ni Paco at hindi inaasahang nalasing. Kurot sa singit ang inabot nito sa Lola niya niya. Buhay na buhay ang imaheng iyon sa isipan niya. Gusto niyang matawa pero hindi niya maiwasan ang pamamasa ng mata.
"I... I'mm rea-lly h-hap-peey...and I just felt ssoo close t-to my M-Mom for the f-first time..." saka tumawa pagkuwa'y biglang napabunghalit ng iyak. Oh God, I' breaking down, aniya sa sarili. Hindi niya mapigil ang luha at mas lalong hindi niya mapigil ang sunod sunod na paghikbi. Nawala bigla ang galit sa mukha ng binata at lumambot ang ekpresyon na napatitig sa kanya.
"Sshh," anito habang hinahaplos ang buhok niya at kinabig siya palapit rito. Hindi niya alam kung bakit imbes na tumahan ay mas lalo pang namalisbis ang luha niya. Umiyak siya ng umiyak sa dibdib nito.
"Clarisse, tahan na," alo nito na hinaplos ang buhok niya. His gesture warmed her heart. And Paco held her for a long time, and she didn't know where that wish came from but she wished he'd hold her like this forever. Pinahid niya ang luha. Nakakahiya siya. Paano niya nagawang umiyak sa harap ni Paco na hindi niya gaanong kilala? Gusto niyang matawa, lasing na talaga siya. Hindi na niya alam ang iniisip niya. Naramdaman niyang umangat ang paa niya sa lupa. Saka lang niya napagtantong binuhat pala siya nito papunta sa silid niya nang maingat siya nitong inilapag sa higaan niya.
"Thankk y-you for this. I've ne-ver felt t-this happeey," aniya saka kumalas sa pagkakayakap rito. Tiningnan siya nito na tila ba nakakaunawa. She hated when he looks at her like that because it makes her lose herself in those dark eyes. He isn't totally bad. Hindi niya napigilan ang kamay na haplusin ang mukha nito. "Oh my God, I'm soooooo drunk," aniyang humagikgik. "Thank yoww," ulit niya. Hindi ito kumibo, nanatiling nakatitig sa kanya. "Uhm.. ayaw mo pala ng Englishhh," aniyang ngumiti, "Sa-lamat, P-Paco. Ang s-saya ko."
She knew it is unnecessary but she felt like she wanted to do something more. Bahagya siyang bumangon para idinampi ang labi sa pisngi nito subalit nakaharap ito sa kanya. And she's too tired to reach for his cheek. Or maybe, she really wanted to kiss him on the lips. Kaya sa mismong labi nito lumapat ang labi niya. Tila siya mabibingi sa lakas ng kabog ng dibdib sa ginawa.
Ilang beses itong napakurap, tila hindi makapaniwala.
"Clarisse..." tanging sambit nito nang umatras siya at bumagsak ulit sa kama.
Pumikit siya. Her cheeks flushed. Nagkunwari siyang natutulog pero gising na gising ang diwa niya. Natanggal bigla ang pagkalasing niya. What was she thinking? She just had her first kiss!
Naramdaman niya ang paghawi nito sa buhok niya. He stayed a few minutes more. She heard him sigh a lot. Until he finally rose from her bed. For one gentle moment she felt his lips on her forehead. She didn't care to breath. Alam niyang namumula siya ng husto dahil nag-iinit ang magkabilang pisngi niya.
Napadilat siya nang tuluyan itong lumabas ng silid. Natutop niya ang dibdib sa sobrang lakas ng kabog. God, what is happening with her?
Tila wala sa sariling pumasok si Paco sa sarili niyang silid. Hindi iyon ang unang beses na nahalikan siya. Subalit iyon ang unang beses na may kakaiba siyang naramdaman sa dibdib. Tila paru-parong dumapo ang labi ng dalaga sa labi niya. Saglit lang iyon pero tila nayanig na ang mundo niya.
Napabuga siya ng hininga nang tuluyang makahiga. Hindi maalis sa isipan niya ang nangyari kanina. Lasing si Clarisse... paalala niya sa sarili. At ano ba ang laban niya sa mayayamang manliligaw nito?
Kumunot ang noo niya sa naiisip. Paano't iniisip niyang ligawan si Clarisse? Diyata't nagkakagusto na siya sa maarte at mapanlait na apo ni Donya Marcellina?