My Husband's Step-father Has A Secret Kabanata 23 One Month Deal “What’s the meaning of this, Hilaria?” Iyon kaagad ang bungad ni Matteo nang makauwi siya sa bahay namin. Kaninang umaga ay may inutusan akong ihatid ang kanyang mga gamit sa bahay ng Daddy niya. Isinama ko na rin ang annulment papers na noong nakaraang linggo pa naayos ng abogado ko. Pinalampas ko ang unang beses na nahuli ko silang pumasok sa isang hostel ng soon-to-be step-mother niya. Hindi ko siya kinompronta. Hindi ko siya inaway o ano pa man. We stayed normal after that night pero hindi ibig sabihin niyon na ibabaon ko na lang sa limot iyong nakita ko. Iyong mga pagdududa ko. Lingid sa kaalaman ni Matteo ay pinamanmanan ko na siya sa isang imbestigador na kakilala ko. I have gathered enough evidences to push thi

