Leave your thoughts and comments if you like this chapter. Contribute moon ticket as well if you have an extra. Love lots everyone! My Husband's Step-father Has A Secret Kabanata 24 Kaboses Isang old-school 4 × 4 ang sumundo sa amin ni Matteo sa airport dito sa bayan ng Viloria. Ito ang karatig na bayan ng Las Nieves kung saan namin pupuntahan ang ina ni Matteo. Walang airport sa mismong bayan ng Las Nieves at ito lang ang pinakamalapit na airport sa pakay naming bayan. “Maligayang pagdating ho, Sir Matteo.” Isang nasa mid-fifties ang drayber ng Hummer na sumundo sa amin. “Ako si Manolo. Tauhan ho ako ni Señora Deborah, Sir Matteo.” Pagpapakilala kaagad nito. “Oh I see.” Nakipagkamay si Matteo sa tauhan ng Mommy niya. “Nice to meet you, Manolo. Ito nga pala si Hilaria. She's my—”

