"Kyle, Kumain ka muna bago ka pumunta sa school.." marahan kong sabi kay kyle nang makita ko siyang pababa ng hagdan wearing his school uniform. And He's totally gorgeous!
"Won't eat that trash.."sagot nito ng hindi man lang ako tinignan. Dere-deretso itong naglakad palabas ng walang imik pagkatapos niyang sumagot. Ako, eto, nakatunganga. Masakit, pero kakayanin ko. Pinasok ko to e.
I sighed at tinakpan na lamang ang mga pagkain na inihanda ko para sana sa agahan naming dalawa.
Maaga para umalis si kyle, kaya nagbihis na lamang ako. May iisang kwarto lang ang bahay namin ni kyle although may sala pero ayokong matulog doon. Baka kasi may multo e!
Kumuha ako ng ilan sa niluto ko at nilagay sa isang lunchbox for my lunch. Hindi kasi ako mahilig kumain sa cafeteria kaya nagbabaon ako lagi. Nakakatawang isipin na may pera naman si papa pero iba parin kasi kapag pinaghirapan mo yung pagkain na kinakain o perang ginagastos mo. Pagkatapos ay Sumakay ako sa school bus na palaging sumusundo samin.
Pagpasok ko ay may isa pang free space na upuan malapit sa isang lalaking nakasuot ng White shirt and Jeans. Well, He's cute though.
"Hi.." Agad kong bati sa kanya ng may ngiti. Lumingon naman siya at nginitian din ako.
"Hello.."
"Bago kang estudyante?"
"Oo, Actually, Intern student ako for english subject.."
"Whoa.. Galing ah! btw, Nice to meet you. I'm Annie Delavega.. And you are?" Sabi ko sabay lahad ng kamay ko na agad naman niyang tinanggap.
"Ivan Wit.."
Napangiti ako sa apelyido niya. Kung sa tagalog ay Matalino.
"Wit, Bagay sayo kasi matalino ka.." nakangiting sagot ko sa kanya.
"Thanks, But I'm not that intelligent much.."
Nagkibit balikat lang ako at hindi na sumagot since wala na din naman ako masabi.
"What's your room?"
"Building 5, Second floor, Center room between those seven classrooms.."
-----
"So annie, Mind to tell me kung anong nangyari sa kasal mo?" Intriga agad ni Kyla at Cassie pagpasok ko ng klase namin. Maaga ako pumasok dahil wala din lang naman akong gagawin sa school.
"Kinasal kami." tipid na sagot ko.
"Alam ko-"
"Cassie, Don't wanna talk about it.." Mahina pero may autoridad na sabi ko. Ayoko pang magkwento. Kung anuman ang nangyari sa kasal ko ay akin na iyon. Labas na mga kaibigan ko. Ayokong kaawaan nila ako na napakadesperada ko, Dahil kung tutuusin ay pwede naman akong umayaw sa kasal na inalok ni papa. Ayokong kaawaan nila ako na ang tanga tanga ako dahil sa ginawa ko.
"Oh okay- Sorry.."Mahinang sagot ni kyla na narinig ko. Hindi ako sumagot at napaisip sa lalaking katabi ko sa bus. He's very friendly and kind also. Mukhang bagay sila ni
'Kyla!'
"Kyla.." tawag ko sa pansin niya.
"yeah?"
"May ipapakilala ako na boylet, mukhang bagay kayo.."
"Eh? kailan ba yan? Ngayon na ba ha?"
Natawa ako sa inasta niya. Kahit talaga kailan pag lalaki ang usapan, Bilis niya magrespond.
"Nope, Not now pero u update kita kapag.. Ano game ka?"
" Darling, You know me, I'm in.."
"what about me?" aniya cassie.
"Wala na daw sayo be, Your so masungit kasi.."
Natawa ako sa conyo ni kyla at sa itsura ni cassie.
"Free ka ba sa sabado?" tanong ko na lamang para maiba ang usapan.
"Nope, Bakit lilibre mo na ako?"
"Para namang hindi kayo mayaman CASSIE FRANCIA.." sagot agad ni kyla na tinawanan naming dalawa ni cassie.
"Masarap ang libre. Palibhasa ikaw ang financer e.." Resbak naman ni cassie habang ako ay tahimik na nanonood sa dalawa. May pa gesture gesture pa ang mga kamay.
"Ah so ganon? Kaya pala lagi mo akong isinasama kapag nag mo mall ka.."
"Eto naman.. Dibale na, Pretty ka naman e.."
Sasagot din sana ako ng may mahagip ang mata ko. Ang pigura ng asawa ko. And He was talking sweetly to a blond girl? What the! Hindi to pwedeng makita ng mga kaibigan ko. Siguradong magtatanong sila kapag. Wala pa naman ako sa mood.
"Ay nakalimutan ko, Pinapatawag pala kayo Ni ma'am Cumintang sa office niya. Saglit daw kahit maaga pa.." Kunwaring rason ko para tumalikod sila. Nagpaalam sila sa akin at pagkalabas nila ay tumayo ako sa may pintuan. Nakatingin sa dalawang pigura na masayang nagtatawanan at nag uusap.
And It shot me right into my heart. He's happy without me.