MY BELOVED MATE

2018 Words
"LAUREN'S POV" "Habang papalapit ng papalapit ang kaarawan niya ay marami rin pagbabago ang nangyayari sa kanya!! magiging ganap na syang Vampira!! lalabas na ang mga nakatago niyang kapangyarihan!! ngayon ay nahihirapan pa siyang kontrolin ang mga ito , kaya napagpasyahan nyang wag munang pumasok dahil hindi nya makokontrol ang sarili kapag nagkataon!! naalala naman nya ang kaibigang si Almira, panay ang kamusta nito sa kanya at sobra na nga itong nag aalala dahil mag iisang linggo na syang di pumapasok!!napilitan na rin syang pumayag na dalawin sya dito sa bahay!kilala nya ito, hindi ito papipigil! kahit pa sabihin niya na meron syang nakakahawang sakit ay mas lalo pa siguro itong magmamadali para puntahan sya!! Nagkataon na wala naman ang magulang! dahil nasa France ang mga ito! sinusundo ang mga kamag anak nila para sa nalalapit nyang kaarawan! maging ang mga tagapagsilbi sa bahay ay nasabihan na rin nya!sagrado kasi ang bahay nila sa mga pangkaraniwang nilalang ! hindi sila nagpapasok ng kun sino o mga ordinaryong tao!mga kalahi at kamag anak na vampira lang ang maaring makapasok sa kanilang teritoryo!! kaya pag may handaan o malakihang party na kasama pati ang mga ordinayong negosyante at mga trabahador ay sa Grand Hotel na pagmamay ari ng mga magulang nya lagi ginaganap!! Di pa nya nasabi sa kuya nya na dadalaw si Almira,hindi nya rin kasi ito makontak,isa kasi sa kakayahan nito ang itago ang sarili at amoy para hindi matrack ng kahit na sino!!malamang me tinataguan itong babae kaya nakapatay ang cp nito!! pero nasabi na nya sa mga pinsan nya!kaya pupunta na ang mga ito para kun sakali mang di nya mapigilan ang sarili ay nadyan ang mga ito para umalalay sa kanya!!! Isa kasi sa mga pagbabago pag naging ganap na syang vampira ay ang paghahanap ng sariwang dugo ng tao!!! kailangan nyang makontrol ito!! kaya bago pa sumapit ang kaarawan niya ay dapat kontrolado na nya ang sarili! "ALMIRA'S POV" Pasalamat talaga at pinayagan sya ng mga magulang na dalawin si Lauren! kilala na naman ng mga magulang niya ito. dahil tuwing me event sa school nila ay nakikita talaga ng mga ito na silang dalawa ang laging mag kasama! buti nalang at wala ang kuya nya!nag out off town kasama ang gf na si jenny!kun hindi malamang napakaraming tanong bago sya payagan... gusto sana sumama ni jake, kaso kabilinbilinan ni lauren ay sya lang ang dapat na pumunta! buti naman at hindi na ito nagtanong ng sabihin nyang sya nalang ang pupunta at hindi ito pedeng sumama!! napakamaunawain talaga nito... Dala dala nya ang isang box ng cookies na binake nya kagabi para sa kaibigan! yan ang isa sa talent nya ang mag bake! pero hindi sya marunong magluto ng ulam o kahit mag saing man lang!! nakakatawa di ba! ewan ba nya at hindi nya nakahiligan ang magluto! dahil siguro meron naman silang cook bukod sa mommy din nya na nagluluto din sa kanila paminsan minsan. pero mas mahirap naman ang mag bake no!!! "Mang Cardo sigurado ho ba kau na dito ang papunta kila Lauren? " Uu naman Mira turo kaya ni weys yan!!! "Medyo liblib na ho kasi tong dinadaanan natin pero sige lang ho baka sa dulo eh higway na!! maya maya ay bumungad sa kanila ang isang itim, magara at malaking Gate na my nakaukit na "Salvatore" sa taas nito. nakakamangha ito dahil alam mong matagal na panahon na ang pagkakagawa, ngunit di pa rin kumukupas ang tatag at tibay nito.. nakahinga ng maluwag si Almira akala nya ay naliligaw na sila tama naman pala si weys!!! bumukas ang malaking gate at lumabas dito ang isang medyo me idad na babae tansya niya ay nasa mahigit singkwenta anyos na.. bumaba si almira ng sasakyan para kausapin ito, "Ikaw ba si Almira iha?tanong nito sa kanya? " ako nga ho" "kanina ka pa hinihintay ni princess Lauren!! ibilin rin nya na pauwiin mo na rin un driver mo at ipahahatid ka nalang nya mamaya pauwi!! "o sige ho tutal hindi ko rin ho alam kun anong oras ako makakauwi kawawa naman ho si mang cardo kung pag aantayin ko pa!!, ngiti nya dito!! bumungad kay almira ang napakalawak na lupain na bermuda grass at iba't ibang klase ng mga bulaklak sa bawat paligid nito at sa pinakagitna ay my malaking fountain na may malaking babaeng estatwang nakatayo sa gitna habang nakalahad ang dalawang kamay nito. may mahabang pasilyo bago mo marating ang mansyon!! napakaganda nito, gawa ito sa puting bato na animo 'y palasyo mayroon itong malawak na hagdanan pataas at sa dulo nito at ay ang isang malaking pinto na gawa sa crystal glass ganito pala kayaman ang kaibigan nya! kun tutuusin ay mayaman din naman sila dahil my sariling kompanya ang ama at ang kuya nya na may sarili ring negosyo may malaki din silang bahay na nasa kilalang subdivision, pero si Lauren meron itong isang palasyo!!!! bumukas ang pinto nito! jusko gaano kaya kabigat ang pinto na ito bulong nya,pag siguro bumagsak sa kanya ito ay baka mag kapisak pisak sya!!!! kun sa labas ay mapapahanga ka mas lalong mapapanganga ka sa loob !! ang sahig nitong gawa sa puting marmol ,may mga nakahilerang mga antique na banga at mga kasangkapang gawa sa ginto! parang ayaw na ata nyang pumasok dahil kun makakabasag sya ng isa sa mga ito malamang maghihirap sila sa buhay para lang may ipambayad dito...... Nagpalingon lingon pa si Almira ng may biglang sumulpot sa likod nya na kun saan nanggaling ay hindi nya namalayan!!! "Hi Almira" mula sa likuran ay ramdam nya na sobrang lapit nito sa kanya dahil nararamdaman niya ang pag hinga nito!!! naasiwa sya at biglang lumayo sabay harap dito!! "Hello" maikling bati nya!! it was Lance!giving her a killer smile!!! "hay naku Lance stop that!! Landi mo talaga!!" saway ni Margarett!! pinamulahan tuloy ng mukha si almira. napalingon sya sa bandang kaliwa kun saan nakatayo ang kaibigang si Lauren, malayo ito sa kanya at parang nangingilang pang lapitan sya!! Nagkatinginan naman ng mga magpipinsan na parang may pag kakaunawan na di nya malaman!!! mabilis syang tumakbo at lumapit ke Lauren,na miss nya ito! lalo na ang kakulitan at kadalaldalan nito na parang di napapagod!!! yumakap din si Lauren pero parang iba! inamoy amoy pa nito ang kanyang buhok at sobrang higpit ng yakap nito na parang hindi na sya makahinga!! napaubo sya at mukha naman natauhan ito at bigla syang bitawan na halos tumalsik sya sa lakas nito ,mabuti nalang ay mabilis si Lissa at naalalayan agad sya!!! may pag alala sa mukha ni lauren ng tulungan syang makatayo, "Sorry Mira ok ka lang ba?" "ok lang" uubo ubo pa nya wika " me sakit ka ba talaga? o nagdadahilan lang! eh mas mukang mas malakas ka pa keysa sakin eh!! "biro nya dito.. napatawa naman ito at napakamot sa ulo!! "kasi naman sa haba ng hindi ako pumasok na miss kita ng sobra!!! "mukha nga!! eh kulang nalang malagutan ako ng hininga !!! nagsitawanan naman ang mga ito sa sinabi nya!! "oh eto pinagbake pa kita ng cookies! kala ko naman nag hihingalo kana! yun pala mas malakas ka pa sakin!!! irap niya dito sabay abot ng paper bag! "thanks " lika na madami akong pinahandang pagkain!siguradong magugustuhan mo!!! totoo naman ang sinabi ni Lauren. napakadami ng ipinahanda nito, kaldereta , karekare, fried chicken, at me bulalo pa!! which is paborito nya lahat!!! "Wow besh! dami nito ah! parang last supper ko na to!!! nahihiya man sya sa mga pinsan nito kaso di na mapigilan ang sikmura nya na kanina pa nag aalburoto sa gutom!!! titigan ni Almira si lauren. ramdam nya na me nag iba dito..lalo itong gumanda, ang kutis nitong makinis ay parang lalong kuminang. pareho naman silang maputing dalawa pero ang pagkaputi nya ay mamula mula at ang kay lauren naman ay kakaiba parang kumikinang ito lalo na pag natatapat sa araw.. nagpapababa sya ng kinain dahil sobra talaga syang nabusog!! sakto naman at nagtimpla si Lauren ng kape ,pero bago pa man ito iaabot sa kanya ay bigla nalang itong nabasag at natapunan sya!!! basang basa ang suot nyang pink floral dress.. "Naku sorry Mira" paunmanhin ni lauren !.. nang pagpagin nito ang damit nya ay bigla naman itong napunit..namangha sya dahil parang sobrang lakas naman ng kaibigan para mapunit ang damit nya.. bago pa sya makapag react ay biglang sumulpot si margarett sa kanyang harapan .. "mabuti pa mag freshen up ka na muna ipahahanda ko ke manang un damit na pamalit mo" hinila sya nito papunta sa guestroom , nanlalagkit ang pakiramdam nya buti nalang at di sya napaso kanina medyo namula lang ang balat nya!!mayamaya ay may pumasok na kasambahay at iniabot ang damit na pamalit!! maliligo nalang sya para mapreskuhan... ang gaan ng feeling nya!kahit mabilis lang syang naligo ay masarap pa rin sa pakiramdam!! limang damit na pamalit ang inaabot ng kasambahay nila lauren kanina. pinili nya ang kulay maroon na sleeveless jumpsuit na bumagay at lalong nagpatingkad sa kaputian nya.. basa pa ang kanyang buhok kaya sinuklay nalang nya ito ng mga daliri at nagmadaling lumabas ng kwarto!!! eksaktong pagbukas nya ng pinto ay tumambad sa kanya ang lalaking nakatagilid at nakikipag usap ke lauren at sa mga pinsan nito! bigla itong napalingon sa gawi niya at sa isang iglap ay nasa harapan na nya ! napasandal sya sa pader!! titig na titig ito sa kanya !!palibhasa matangkad ito kaya nakatingala syang napatitig rin dito!! napaka guapo nito!!nakabrush up ang itim nitong buhok at ang kilay nitong makapal na nakakunot !!ang mga mata nitong kulay hazelnut na nangungusap at parang nanghihipnotismo!!mayroon din itong matangos na ilong na binagayan ng medyo may kakapalang mga labi!!may mga manipis itong balbas na lalong nagpalakas ng dating at lalong nagpaguapo dito!!! ganun sila kalapit sa isa't isa dahil naramramdam nya ang bilis ng pagtibok ng puso nito!! nagulat nalang sya ng bigla sya nitong halikan!!he kissed her savagely!!! gustuhin man nya itong itulak palayo pero wala syang kalas!! unti unti na syang nawawala sa kamalayan !nanlalambot na ang kanyang tuhod!! humahaplos ang malambot nitong labi sa kanyang labi!! ganito ba ang pakiramdam ng hinahalikan! napakasarap pala!! nakakalunod at para kang mauubusan ng hininga!!!dahan dahan itong humiwalay sa kanya at bumulong sa kanyang tenga!!! "your mine now" My beloved mate!!! nagtindigan lahat ng kanyang balahibo !!ramdam na ramdam niya ang mainit nitong hininga!!! "be thankfull that we have an audience !kung hindi I'll claim you right here!! now!!! Parang binuhusan ng malamig na tubig si Almira at pinamulahan ng mukha!! nasa paligid nga pala ang kaibigan at mga pinsan nito!! nakakahiya!!bigla syang nakaramdam ng galit at di napigilang sampalin ang kaharap!! "How dare you stealing my first kissed!!!galit nyang sumbat dito!!nagulat naman ito sa ginawa nya at hinawakan ang pisngi na sinampal nya!! "bakit hindi mo ba nagustuhan? pilyong tanong nito!! lalong namula ang mukha niya sa galit! "Bastos" sabay tulak at diretsong lumakad palabas ng masyon!! "walanghiyang yun!hinalikan ako napakamanyak!!grrr!!! Hindi ko sya mapapatawad!!!!! hindi nya alam ang gagawin sobra syang napahiya!!bakit nya hinayaang mahalikan ng estrangherong yun!!sino ba ang g*g* na yun at bakit sya hinalikan!!! umupo sya sa hagdanan sa labas ng mansyon!saktong may parating na red sport car na lamborghini! mula sa likuran nya ay sumulpot ang kaibigang si Lauren kasama ang mga pinsan nito pati na rin ang lalaking humalik sa kanya kanina!! inirapan nya ito!! "Lauren uuwi nako!! inis na wika nya!! "Mira pasensya kana kasi itong si kuya Prince mukhang nasisiraan na ng bait!!"paumanhin nito sa kanya! " so yan pala ang kuya mo na babaero"bulong nya dito. nagtawanan naman ang nasa paligid nya!! "I'll drive you home" palapit na sabi ni prince sa kanya!! "after what you've done to me!!how can I trust you!!no I wont go with you!!mag pupumilit pa sana ito ng humarang si lauren!! "kuya enough!! hinila sya ni lauren pasakay sa pulang lamborghini !! "kuya Marcus will drive you home!!".......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD