Antok na antok si Almira ng araw na yon dahil ginabi na sya kapapanood ng korean drama,pag pasok palang nya sa room ay sumalubong na agad sa kanya ang magandang ngiti ng kaibigan,,halos si lauren parin ang lagi nyang kasama, di sila basta basta nakikipag kaibigan sa iba, ewan ba nya pero si lauren lang ay ok na, kun sa kakulitan lang at kadaldalan ay tatlong tao ang katumbas nito, kaya siguro di narin siya naghanap ng iba pang makakaibigan bukod dito...
Maingay pa sa loob ng klase dahil wla pa ang kanilang prof.maaga pa ng 5 minuto bago mag ring ang bell..
" Alam mo ba na may bagong transferee" ,"ang gwapo!!! "nakita ko kausap ni prof kanina" dinig nyang bulongan ng mga kaklase,
sabay bukas ng pinto at pumasok na ang prof nilang si Mrs.Cruz...
"Ok class Quiet!!!we have a new transferee student,
His Mr Jake Montereal,I hope all of you will be polite and be good to him!!!"he came all the away from Davao "
mukang Kilig na kilig naman ang mga kaklase nya dito at panay ang bulungan pa ng mga ito....
Wala sya sa mood para bigyan pansin ang bagong dating!!!
antok na antok talaga sya,kaya panay ang hikab niya na mukang napansin ng kanilang prof. at nag salita...
"Mr. Monteral you may seat beside Miss Almira Valentino"mukang kelangan nya ng pampabuhay ng dugo"
mukang di naman sang ayon ang mga kaklaseng babae dahil mas gusto yata na sa kanila ito tumabi....
naupo na si Jake sa tabi nyat lahat ay di pa rin nya ito napansin,hanggang sikuhin na si Lauren at saka lamang para syang natauhan,,sabay tayo at taas ng kamay,,,
Nagtawanan naman ng buong klase sa kanyang ginawa kaya medyo napahiya siya at lakihan ng mata c Lauren na humingi naman ng paumanhin at nag peace sign....
humaba ang kanyang nguso at naupo,saka lamang nya tinapunan ng pansin ang bagong katabi na kanina pa pala nakatingin sa kanya at biglang ngumiti,naglabasan ang pantay at maputi nitong mga ngipin,na sinabayan ng matangos at mapungay na mata nitong kulay abuhin,,neat ang pagkakagupit nito na bumagay sa maputi at makinis nitong kutis.biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso,hindi nya maipaliwanag ngunit ngayon lamang nya naramdaman ang ganun,,,napakaguapo kasi nito at para ngang nabuhay ang kanyang dugo...
umiwas sya ng tingin at bumaling ke Lauren na ngingiti naman sa kanya,,,
Your blushing Mira"sabay ngiti ng nakakaloko...
lalo nya itong pinanlakihan ng mata at umirap dito,,
nag simula ng magsalita ang prof. ngunit kahit isa ay wala siyang naintindihan sa sinabi nito,nakapokus ang isip nya sa binatang katabi,ramdam nya na sa unang beses ay may nakapukaw sa kanyang damdamin, siguro guapo lang talaga ito at malakas ang dating,nakanaka naman nya itong sulyapan at nahuhuli nya itong nakatitig sa kanya kaya lalo lang hindi maintidihan nagtuturo sa harapan...
Natapos ang klase kaya ang mga kaklaseng babae ay nagsisipag unahan na lumapit ke Jake upang kunin ang atensyon nito,dali dali naman na naglakad si Almira at hila hila si Lauren na mukang wala pang balak lumabas..
"Bakit ka ba nag mamadali,vacant naman tayo hanggang 1:30 kaya me dalawang oras pa tayo para sa susunod na klase",
Kanina pa kasi ako inaantok kaya gusto kong umidlip,"pero bago yun, kumain na muna tayo,gutom na kasi ako"..
" gutom ba talaga?" o baka naman nagutom ka dahil kakapantasya mo ke Jake!!"
pinamulahan ng pisngi si almira,umiwas sya ng tingin sa kaibigan,
"Naku Mira kilala kita! never ka pang ng blush ng ganyan pag lalake ang pinag uusapan!ngaun palang!!!"umamin ka sakin!
me gusto ka ke Jake no???
lalong namula ang kanyang mukha.wala talaga siyang maitatago kay Lauren..
"Hindi ko alam!! pero nagaguapuhan ako sa kanya!
"siguro yun lang yun!!!
" sabagay guapo naman talaga si Jake at mukhang mabait"
" naku ang bestfriend ko nagdadalaga na!!!
"Ewan ko sau!!lika na at gutom nako!!!
Nalalapit na pala ang kaarawan nito, mahihirapan na naman syang mag isip kun ano ang ibibigay dito, ito kasi ang tipo ng lahat ng bagay ay mayroon at kaya nitong bilhin,
kaya tuwing kaarawan nito ay DIY ang regalo nya dito, natatandaan pa nya nung nakaraan kaarawan nito ay scrapbook ang binigay nya, kun saan lahat ng picture nila ay pinasama sama nya at idinikit dito,,tuwang tuwa naman ang kaibigan dahil hindi nga naman mabibili iyon kahit saan, my ilan buwan pa naman sya para makapag isip kun ano ang ireregalo nya dito.....
Nakaupo si Almira sa lagi nilang paboritong tambayan sa campus ng may magsalita sa likuran nya..
"Hi Almira"
napalingon sya at napanganga,
si jake nakatayo ito sa likod nya at nakangiti,nakakatunaw talaga ang ngiti nito, kaya madami ang nahuhumaling dito,
"Hi" maikling sagot nya.
bumibilis na naman ang t***k ng puso nya,ganito ba ang feeling kapag me crush ka? o may nagugustuhan?
masarap pala sa pakiramdam
"Nasan c Lauren?di mo ata kasama?tanong nito. .
" bumili ng snacks!"
naupo ito sa tabi nya kaya amoy na amoy nya ang kabanguhan nito, medyo naasiwa sya dahil hindi sya sanay ng my lalaking nakakatabi, kinakabahan sya na hindi nya mawari,
"mas maganda ka talaga sa malapitan" sabi nito, at alam nyang biglang namula ang kanyang pisngi na lalong nagpangiti dito,
You're more beautiful when your blushing!!!
alam nyang nakatitig ito sa kanya at kung bakit hindi naman nya ito matingnan..
"Can we be friend's Almira?"
I just want to know everything about you!!malambing na wika nito..
"please look at me"
may pagmamakaawa sa boses nito,dahan dahan naman nya itong tiningnan,kitang kita nya ang kislap sa mga mata nito na nangungusap...
"ayaw kitang madaliin dahil ayoko naman sabihin mo na mabilis ako!pero sana bigyan mo ako ng chance "
Hindi alam ni Almira kun anong isasagot sa binata,alam nya na attracted siya dito,pero parang may takot syang nararamdan na di nya maipaliwanag,sabagay pakikipagkaibigan lang naman ang gusto nito,wala naman sigurong masama!!
bago pa man siya nakasagot ay
bigla namang
sumulpot si lauren ng di niya namalayan at may dalang dalawang bottled water at chips, "ooppss sorry mukhang wrong timing ata ako ah!!"
" Hindi naman!paalis na rin ako dahil meron pa akong susunod na klase"sige mauna na ko"
lumingon ito ke Almira
"Almira mag aantay ako sa sagot mo"
sabay lumakad na ito palayo..
"Sandali lang akong nawala pero mukang madami akong namiss ah!!! biro ni Lauren, pero ang totoo kahit nasa malayo pa sya ay hindi nakaligtas sa pandinig nya ang mga usapan ng mga ito...
"Sabi nya gusto daw nyang makipagkaibigan!
"Yun lang??wala bang sinabi na gustong manligaw??
"Ligaw agad talaga!!!! di ba pedeng friendship muna!!"
at saka ikaw ang ininiisip ko! sanay ka lagi na tayong dalawa lang ang magkasama tapos ngaun pag nandyan na si Jake!
ok lng ba sayo??? "pag aalalang wika ni Almira...
natuwa naman si Lauren sa sinabi ng kaibigan, lagi pa rin talaga syang inaalala nito...
"oo naman!! pero wag ka muna agad bibigay! kelangan kilatisin muna natin yan Jake na yan bago mo sagutin!!!
"eh hindi naman nga manliligaw un tao no!!!
" ganun din un! sa una friendship lang!! pero syempre ang totoo may gusto sayo yan si Jake!!!
napaisip si Almira,posible kayang may gusto nga si Jake sa kanya?"naku wag na muna syang mag bigay ng malisya !!!
"Naku wag ka muna mag isip ng ganyan!!baka nama gusto lang makipag kaibigan talaga nun tao kasi nga wala pa syang kakilala dito no!!
"Pede naman syang makipagkaibigan sa iba!sa dami ng student dito sa campus bakit sayo pa!!!
natigilan si Almira...
"ah basta friendship lang ang kaya kong ibigay sa kanya at wala nang iba!!!!
"weh!bat parang kinikilig ka kanina!!!tawang pang aaasar ni Lauren..
"hindi ako kinikilig no!!!akina na yan chips kainin na natin!!!"
" Ang takaw mo talaga!!buti nalang at hindi ka nataba!!!kawawa ang magiging bf mo kasi lakas mo kumain sigurado ubos ang allowance nun sa pagkain mo pa lang!!!.
"wala pa kong balak mag bf no! ayoko pa!!!!
Nasanay na si Almira na laging kasama si Jake,ngaun ay tatlo na silang sabay kumain at pag minsan pati sa vacant ay mag kakasama na rin sila...
napalagay na ang loob ni Almira sa binata,mabait naman talaga ito at maaalalahanin pa.lagi din itong nagmamail at tumatawag kapag hindi sila magkasama na nagugustuhan naman nya...
pero parang me kulang,kinikilig pa rin naman sya pero parang medyo nabawasan na, baka masyado na rin syang kampante dahil araw araw naman nila itong nakakasama....
Hindi pumasok ng araw na yun si Lauren, masama daw ang pakiramdam nito.. nag alala si Almira dahil ngaun lang ito lumiban sa klase, kaya nalulungkot tuloy sya dahil wala ang ngiti nito na sumasalubong sa kanya tuwing papasok sa umaga..
napansin naman ni jake ang pananahimik nya kaya lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kamay nya, para syang naasiwa bigla nyang binawi ang kamay at lumingon sa paligid, buti nalang abala ang iba at hindi sila napansin...
"Sorry" paumanhin nito..
para naman napahiya si Almira at ngumiti nalang sa binata,
" wag ka na malungkot! nandito naman ako! matamlay na sabi nito ...
"hindi lng kasi ako sanay na wala si Lauren! kahit ganun yun kakulit at kaingay siguradong ibang iba pag wala sya!!!
"ngaun lang naman" kaya sana mapagtyagaan mo ako !! biro nito ng nakangiti...
"ano pa nga bang magagawa ko" biro nya rin dito....
Mag isang linggo ng di pumapasok si Lauren kaya masyadong ng nag aalala si Almira kaya napagpasyahan nya na sa sabado ay puntahan at dalawin ito...
hindi pa sya nakakapunta sa bahay nito lagi lng kasing sa school ang bonding nila
dahil hindi rin sya allowed gumala kun saan saan, pero ngaun patapos na sya sa college ay medyo lumuwag luwag na ang magulang sa kanya at siguro papayagan naman sya ng mga ito dahil me maganda naman siyang dahilan!!
Hay!sana lang ay ok ang mahal nyang kaibigan!!!!