PROLOGUE

925 Words
Loubet St., Southern Forest Hills, Queens, New York, 2:30 A.M. Mula sa mahimbing na pagtulog ay nagulantang si Cassandra dahil sa ingay na narinig niya mula sa silid ng kanyang mga magulang. Minabuti niyang bumangon at alamin ito. Paglabas niya ng sariling silid ay nakasalubong niya si Tristan, ang kaniyang limang taong gulang na bunsong kapatid, matanda siya rito ng tatlong taon. Galing naman ito sa sariling silid, mukhang nagising din sa ingay, kinukusot pa nito ang sariling mga mata. “What was that?” Tristan asked with eyes half-closed. “Honestly, I don't know, brother,” naguguluhang sagot niya. Apat lang sila sa kanilang magarang bungalow sa eleganteng residential area ng sikat na Forest Hills sa Queens, New York. Ang kanyang ama, si Peter Henderson ay isang kilala at pinagpipitagang judge sa New York at ang kanyang Pilipinang ina naman na si Maita Morales ay isang dating beauty queen. They rushed to their parents’ bedroom. Sumasasal ang t***k ng kaniyang puso. Iba ang kanyang pakiramdam. Pakiwari niya ay may kung anong nangyayari sa loob ng kanilang tahanan. Ilang hakbang pa ang layo niya ay narinig na niya ang sigaw ng kaniyang ina at ang ungol ng isang lalaki na parang pinahihirapan. Lalo niyang binilisan ang mga hakbang, halos maiwan niya sa mahabang pasilyo ang kapatid. Nadatnan niyang bukas ang silid ng kaniyang mga magulang na labis niyang ipinagtaka. Pagbungad niya sa pinto ay gayon na lang ang gulat niya. Paano’y hindi lang ang kaniyang mga magulang ang nasa loob ng silid. There were also five men inside the room, fully armed with black bonnets on their head to conceal their identity. Agad na hinagilap ng kaniyang mga mata ang mga magulang. She cried when she saw her father curling on the floor, wounded and bleeding. Her mother was held in the arm by one man. “Daddy,” malakas na sigaw nang nagulat ding si Tristan. Si Cassandra naman ay parang ipinako sa kinatatayuan. Alam na niya kung ano ang mga ito. Burglars. Pero paano nakapasok ang mga ito sa kanila gayong napakahigpit ng seguridad sa kanilang neighborhood? Bumaling sa direksyon nila ang tingin ng limang lalaki. Napasigaw ang kaniyang ina pagkakita sa kanila. “Cassandra. Tristan.” Bahagyang nag-angat ng ulo ang kanilang ama pagkarinig sa pangalan nilang magkapatid. “Spare my kids, please. Don't hurt them,” pakiusap nito sa mga lalaki. “Estupido!” mura ng isa sabay tadyak sa tagiliran ni Peter. Namilipit ito sa sakit. “Peter!” sigaw muli ng kaniyang ina. Galit na hinarap nito ang mga lalaki. “Get what you want and then leave us. Please, leave us.” Hinarap si Maita ng lalaking tumadyak kay Peter. Sa kilos ay mukhang ito ang pinuno ng grupo. “I don't need your money. I am one hundred times wealthier than you. I just came here kill your husband and to get you.” Napansin ni Cassandra ang kakaibang accent nito sa pagsasalita ng English. Patunay na hindi ito isang Amerikano. “You can kill me but you cannot get my wife, over my dead body,” matigas na sabi ni Peter. “Si,” nakakalokong sagot ng lider. “Over your dead body, estupido.” Itinutok ng pinuno ang hawak na baril sa mukha ng kanyang ama saka kinalabit ang gatilyo. Kumalat sa sahig ang dugo at utak nito. Napasigaw silang tatlo sa nasaksihan. Tumingin sa direksyon nila ni Tristan ang lider. “Get them,” utos nito sa mga tauhan. Mabilis na pinagana ni Cassandra ang utak. Alam niyang pati silang magkapatid ay nasa panganib sa mga oras na ito. “Run,” utos niya kay Tristan sabay hawak sa kamay nito. Ngunit agad itong nasunggaban ng isang lalaki. Nakipaghatakan siya rito habang panay ang iyak ng nasasaktang kapatid. Napansin niya ang maliit na tattoo ng lalaki sa ibabaw ng kamay nito malapit sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo. Mukha ito ng demonyo. Kahit nasa gitna ng pagkalito at kawalan ng pag-asa ay pinilit niyang itinatak sa isip ang itsura ng tattoo. Alam niyang kakailanganin niya ito balang-araw. Cassandra saw two more men approaching them. Noon naman tuluyang naagaw si Tristan sa kaniya. “Tristaaan!” She shouted in desperation. “Get that girl, pronto,” galit na utos ng pinuno. Awtomatikong ipinihit niya ang mga paa. Ayaw niyang iwan ang ina at kapatid ngunit alam niyang kailangan niyang iligtas ang sarili. Mabilis siyang tumakbo pabalik sa kaniyang kuwarto habang habol siya ng tatlong lalaki. Pagkapasok sa loob ng silid ay dumiretso siya sa ilalim ng kaniyang kama. Maya-maya pa ay pumasok na rin ang tatlong lalaki. Hinalungkat ng mga ito ang buong kuwarto. Binuksan ang lahat ng aparador pati ang comfort room, mabuti na lang at walang nakaisip na sumilip sa ilalim ng kama. Nang magsawa ay lumabas na ang mga ito ng silid. Ilang saglit pa at narinig niya ang tunog ng papaalis na mga sasakyan. Gumapang siya palabas ng kama at mabilis na tumakbo sa silid ng mga magulang. Isinisigaw niya ang pangalan ng kapatid. Ngunit pagbungad niya ay ang walang buhay na katawan na lamang ng kaniyang ama ang naroroon. Wala si Maita at si Tristan. Tinangay ang mga ito ng mga kriminal. Histerically, she approached her father. Nakadapa ito at wasak ang suot na pajama. Ititihaya sana niya ito nang mapukaw ang pansin niya sa tatlong titik na iniukit ng mga kriminal sa likod nito gamit ang isang matulis na bagay. S.L.R. Isang nakapanghihilakbot na sigaw ng magkahalong poot at sakit ang kumawala sa mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD