Cassandra Henderson

1781 Words
Hilam sa luha ang mga mata habang pinararaanan ni Cassandra ng mga daliri ang kanilang family picture. Larawan ito ng isang masayang pamilya. Si Peter Henderson noong 40 years old ito, si Maita Morales noong 30, siya noong 8 years old at si Tristan noong 5. Kuha ito noong wedding anniversary ng mga magulang niya. Isa ang larawang ito sa mga mahahalagang bagay na kailangan niyang dalhin sa nalalapit na pangingibang bansa. Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan bago ipinatong ang larawan sa ibabaw ng mga nakatuping damit sa loob ng isang malaking travelling bag. Pagkuwa’y mariin niyang ipinikit ang mga mata upang balikan ang isang malagim na pangyayaring sinadya niyang hindi kalimutan. Nineteen years ago, she was the eight year old Cassandra Henderson who helplessly witnessesed that hateful night when five members of the notorious Italian mafia, the La Cosa Nostra forcefully entered their home and brutally killed her father, took her mother and younger brother. Labing-siyam na taon na nga ang nakalipas. At ngayon ay dalawampu’t-pitong taon na siya. Ngunit damang-dama pa rin niya ang pangungulila sa nawalay na pamilya. Totoo pala na hindi lahat ng sakit ay kayang paghilumin ng panahon. “We will see one another soon, mommy, Tristan. Ang tagal kong naghintay ng tamang pagkakataon. Hindi ko na palalampasin ito.” Ilang butil ng luha ang nalaglag mula sa kaniyang mga mata. Mariin niyang pinahid iyon. “At humanda ka sa aking pagdating, Salvador La Russo. Sisingilin kita hanggang sa huling patak ng iyong dugo. Ipararanas ko sa iyo ang lahat ng sakit at pait na ipinataw mo sa aking pamilya.” Oo nga at nakaligtas siya sa trahedyang naganap sa kaniyang pamilya ngunit mala-impyerno ang kaniyang pinagdaanan dahil sa masaklap na sinapit ng pamilya. Isang uri ng karamdaman ang nagpahirap sa kanya dulot ng matinding sakit sa pagkawalay ng mga mahal sa buhay. Nakaranas siya nang madalas na mood episodes mula mania hanggang depression, isang uri ng bipolar disorder. Mabuti na lang at dinamayan siya ng nakatatandang kapatid ng kaniyang ina na nagkataong naninirahan din sa United States. Mula sa tahanan nila sa Queens, New York ay kinuha siya nito at pinatira sa sariling tahanan sa New Jersey at doon ay matiyaga siyang ipinagamot. Ayon dito ay mas madali raw siyang makakalimot kapag hindi na niya nakikita ang lugar at mga bagay na makapagpapaalala sa kaniyang pamilya. At sa tulong nang mahuhusay na doktor at gamot ay gumaling ang kanyang sikolohikal na karamdaman. Ngunit walang doktor o gamot ang nakapaghilom ng mga sugat. Dinala niya sa buong panahon ng kaniyang kabataan ang sakit at pangungulila sa nawalay na pamilya. At sa pagdaan ng mga taon ay nabuo ang isang plano sa kaniyang isipan. Paghihiganti. Paghihiganti sa isang taong alam niyang puno’t dulo ng kasawian ng kaniyang pamilya. Si Salvador La Russo. Ang dating lider ng mafia group na nag-operate sa buong North America. Responsable ang grupong ito sa napakaraming massacres, human smuggling, kidnapping, drug trafficking at contract killing. Isang grupo ito ng mga sindikato mula sa mother group nito na nakabase sa Italy, ang La Cosa Nostra. May iba’t ibang sangay ito sa buong mundo, kadalasan ay sa mga mayayamang bansa. Ginugol niya ang buong panahon ng kaniyang kabataan upang masundan ang mga gawain ni Salvador La Russo. Sa kaniyang sariling pag-iimbestiga at sa police records ay nalaman niya na matagumpay pala itong naipakulong ng kaniyang ama na si Peter Henderson sa New York bilang isang mahusay na judge. Ngunit sa kung ano’ng kadahilanan ay nakatakas ito sa kulungan at binuweltahan ang kaniyang ama. Vendetta. Iyon ang nakitang dahilan ng mga pulis kung bakit nito pinatay si Peter Henderson. Ngunit ang ginawa nitong pagtangay sa kaniyang ina na si Maita Morales at sa kaniyang bunsong kapatid na si Tristan ay isang malaking palaisipan. Ngunit hindi na mahalaga iyon para sa kaniya. Ang importanteay mabawi niya ang natitirang miyembro ng kanilang pamilya. Malakas ang kutob niya na buhay pa rin ang kaniyang ina at kapatid. At sa kaniyang matiyagang pagsunod sa mga gawain ng La Costa Nostra ay nalaman niya na three years ago ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ni Salvador at ng iba pang lider ng mafia. Sa galit ay tumiwalag sa grupo si Salvador at nagtayo ng sariling sindikato. Ngunit naging masikip ang Europe at America para rito dahil sa pag-uusig ng batas maging ng mga kaaway sa La Cosa Nostra kung kaya napilitan itong lumipat sa Asya. Dalawang taon na ang nakararaan nang itayo nito ang isang sindikato sa isang maliit na bansa at tinawag iyong Orion Triangle kasama ang dalawa pang mas nakababatang lider. Tinawag nitong Salvadorians ang mga miyembro. At ang bansang iyon ay walang iba kundi ang Pilipinas. Ang bansang sinilangan ng kaniyang ina. Kung kaya mabilis siyang nag-file ng leave mula sa pagiging special agent ng FBI para isakatuparan ang personal na misyon. Pagkatapos niyang magtapos sa kolehiyo ay matagumpay niyang tinapos ang dalawampung linggong pagsasanay sa FBI Academy sa Quarantico, Virginia. Doon ay natutunan niya ang apat na basic courses ng training katulad ng survival skills, driving skills, firearms training at international training. Nang maging isang special agent na siya ay lalong nahasa ang kaniyang kaalaman hindi lang sa paghuli at pakikipaglaban sa mga kriminal, kundi maging sa pagganap ng tungkulin sa mga secret o undercover activities bilang bahagi ng investigative operations. Ilang beses siyang tumanggap ng mga parangal bilang isa sa pinakamahusay na FBI special agent. Ngunit ang totoo ay meron talaga siyang pinag-aralan at pinaghandaan. At iyon ay kung paano papasukin ang mga kilabot na sindikato katulad ng mafia. At ngayon nga ay handang-handa na siya upang bawiin ang alam niyang pag-aari niya. Ang kaniyang pamilya, at higit sa lahat ay ang paghihiganti. Bilang na ang oras mo, Salvador La Russo. Ako, si Cassandra Henderson ang tatapos sa iyong kasamaan sa lupa. Mahihinang katok sa pinto ang pumukaw kay Cassandra. Maya-maya ay tuluyang bumukas iyon. Iniluwa ng pinto ang kaniyang tiyahin, si Carolyn Burr, ang nakatatandang kapatid ng kaniyang ina na nagkaasawa ng isa ring Amerikano at permanenteng nanirahan dito sa New Jersey. “Mike wants to see you, Casey,” mahinahong wika ng kaniyang butihing tiyahin. A deep sigh escaped from her mouth. She no longer expect Mike Driscol to come. Noong isang linggo pa niya tinapos ang relasyon nila ng binata. Hindi ito pumayag pero pinanindigan niya ang desisyon. Hindi dahil sa wala na siyang pagtingin para rito kundi dahil sa palagay niya ay wala nang patutunguhan ang kanilang relasyon. Hindi sang-ayon si Mike sa kagustuhan niyang pumunta ng Pilipinas upang hanapin ang pamilya at makapaghiganti. Ayon dito, sa isang alagad ng batas na katulad nila, hindi dapat isinasama ang sariling problema at emosyon sa trabaho. Kung meron daw nararapat at may tungkulin na dumurog sa Orion Triangle, iyon ay walang iba kundi ang gobyerno at awtoridad ng Pilipinas at hindi siya. Hindi dahil sa hindi maunawain si Mike. Maliban sa kanyang tiyahin, si Mike ang ikalawang tao na tanging nakakaunawa sa kaniyang mga depresyon at mood swings lalo na noong mga panahong nababalutan ng kalungkutan ang kaniyang katauhan. High school sweethearts sila. Alam na alam ni Mike ang hirap na kaniyang pinagdaanan bilang isang bipolar patient. Naging napakabuti at napakamaunawain nito ngunit hindi nito nagustuhan ang plano niyang paghihiganti. Hindi siya maunawaan ni Mike sa parteng iyon at dahil doon ay kinailangan niyang tapusin ang ilang taon nilang relasyon. Pinilit niyang pinatatag ang sarili. Nasasaktan siya. Aminado siyang mahalaga sa kaniya ang binata hindi dahil lang sa tinanggap nito ang kung ano siya kundi dahil sa naging napakabuti nito sa kaniya. Iginalang siya nito sa buong panahon ng kanilang relasyon. He never took advantage. Isang katangian na bihirang lalaki na lang ang nagtataglay lalo na sa isang kanluraning bansa na katulad ng Amerika. But she had to make a choice. She had been waiting for this chance to track down Salvador La Russo. Kapag pinalampas niya ang pagkakataong ito, baka wala nang sumunod. Kaya kung kinakailangang isakripisyo niya ang sariling pag-ibig at kaligayahan ay gagawin niya, maging ang sariling buhay ay hindi na mahalaga sa kaniya ngayon. Nang makababa ng hagdan ay nakita ni Cassandra si Mike na nakaupo sa sofa. Nakatungo ito, halata ang kalungkutan sa anyo. She summoned her inner strength. Naaawa siya rito at nasasaktan siya. Mabilis itong tumayo nang makita siya. He was a looker. With his American features and a posture that spoke of authority, a lot of women were surely desiring him. Miyembro ito ng International Criminal Police Organization or Interpol. Sa taglay nilang kaalaman at kakayahan sa pagsupil sa mga kasamaan, ang kanilang pagsasama ay masasabing kahanga-hanga. Subalit magkaiba ang kanilang prinsipyo at prayoridad. At ang mga ito ang maglalayo sa kanila sa isa’t isa. “Casey,” simula ni Mike sa paos na tinig. “I’m sorry for not understanding you these past few days. I know, this is the reason why you suddenly ended our relationship. But this time, I no longer want to hinder your plan, so please, don’t break me up.” “Mike…” Sukat ay wala siyang maisip na sabihin sa kasintahan. “Don’t be too harsh to me, babe. Don’t hurt me like this. You’re killing me.” Humakbang ito palapit sa kaniya. Pagkuwa’y hinawakan siya sa magkabilang balikat. “Mike, I’m breaking up with you because I’m not sure if I can return to you. This mission can be very dangerous.” “That’s the main reason why I was stopping you. But I changed my mind. If stopping you may mean losing you, then you are free to go, sweetheart. I’m willing to wait. Just promise me that you will return to me,” pagsusumamo ng lalaki. “I don’t know how long it will take, Mike.” Binalot ng lungkot ang puso niya. “I don’t want to give you a false hope.” “It doesn’t matter, babe. I’m just here. Everything will be alright. We will still see each other.” Mike pressed her against his chest, hugged her tight as if he couldn’t let her go. Cassandra bit her lower lip. Tears started to peer on the corner of her eyes. “Mike…” She wrapped her arms around him and closed her eyes, hoping that this intimacy would change her mind. Ngunit sa pagpikit ng kaniyang mga mata ay dalawang nilalang ang nakita niya. Ang kaniyang ina at kapatid na tila kapwa naghihintay sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD