Police Chief Inspector Alexandros Altamonte

1672 Words
Police Chief Inspector Alexandros Altamonte heaved a sigh of relief. Katatanggap lang ng kaniyang opisina sa warrant of arrest na inilabas ng isang judge mula sa RTC. Warrant arrest ito upang tuluyan na niyang madakip at maipakulong ang lider ng kilabot na mafia sa buong bansa, ang Italyanong si Salvador La Russo. Orion Triangle had barely two years of operation in the country. Pinamumunuan ito ni Salvador La Russo na kilala rin bilang si SLR, ang dating miyembro ng kilabot na mafia sa kanluraning bansa, ang La Cosa Nostra. Katulong ang dalawa pang nakababatang lider, itinayo ni Salvador ang headquarters ng Orion Triangle sa isang pribadong isla sa Zamboanga Peninsula, habang ang dalawa pang sangay na nasa Luzon at Visaya ay pinamumunuan naman nina Eximore La Russo, dalawampu’t apat na taong gulang at Athena La Russo, labingwalong taong gulang. Diumano ay mga anak ito ni Salvador. Gamit ang pinagsama-samang kasamaan at kasakiman sa kapangyarihan, pinamunuan ng mga ito ang mga Salvadorian sa pagdudulot ng gulo at takot sa gobyerno at mga mamamayan ng Pilipinas. Responsable ang mga Salvadorian sa napakaraming kaso ng pagpatay, hindi mabilang na pagpupuslit ng mga baril sa loob at labas ng bansa, human smuggling, drug trafficking at contract killing. Name all the crimes that one could imagine and they had it. Ganoon kabilis nakapagpakalat ng kasamaan si Salvador sa bansa kung gaano rin nito kabilis napalaki ang Orion Triangle. Sa kasalukuyan ay mayroon itong mahigit isang daang libong Salvadorians na nakakalat sa buong bansa. Bawat miyembro ay protektado ng kapangyarihan nito. The Philippine government was in deep trouble. Kung kaya ipinag-utos ng presidente ng bansa ang madaliang pagsugpo sa sindikato. Sa tulong ng iba’t-ibang ahensya ng pulisya ay natukoy kung sino ang pinakalider ng Orion Triangle at kung nasaan ang kuta nito. Matiyagang sinubaybayan ng pulisya sa pamumuno niya ang mga galaw ng sindikato hanggang makaipon sila nang sapat na ebidensya na magdidiin sa mga ito. At siya, si Police Chief Inspector Alexandros Altamonte, bilang Chief of Operations ng Criminal Investigation and Detection Group ng Zamboanga Peninsula ang naatasan ng CIDG Director na magsagawa ng pag-aresto. Kung kaya nang inilabas na ng korte ang warrant of arrest ay agad niyang ipinatawag ang mga miyembro ng CIDG sa ilalim niya para sa briefing ng police operation na tinawag nilang Oplan: Tartarus. Ngayon nga ay handang-handa na siya sampu ng kaniyang mga tauhan para sa isang pag-aresto. Ilang araw na lang at malalaglag na sa kamay ng batas ang demonyong nagmula pa sa kanlurang lupain, si Salvador La Russo. Kung makukuha nila ang pinuno, madali nang malalambat ang mga alagad nito na nakakalat sa iba’t-ibang panig ng bansa. At hindi siya dapat mabigo sa misyong ito. Mula nang maging pulis siya pagka-graduate niya sa Philippine National Police Academy noong taong 2009 kung saan siya ang class valedictorian, malalaking sindikato na ang kaniyang napabagsak. Dahilan upang mula sa pagiging inspector ay naging madali ang promosyon niya hanggang tanghalin siyang police chief inspector sa edad na trenta anyos. Kungsabagay ay hindi naman hamak ang sakripisyo niya upang makapaglingkod nang maayos sa bansa at sa mga mamamayan. To serve and protect, sabi nga. Hanggang halos maging ang sariling kaligayahan ay naisasakripisyo na niya. Limang taon na siyang walang kasintahan pagkatapos ng isang masakit na break-up sa nobyang buong akala niya ay ito na ang babaeng ihahatid niya sa altar. Si Selene Samonte. Miyembro si Selene ng Class 2012 sa police academy at underclass niya. Graduating siya noon at first year naman ito. Sa dahilang mahigpit na ipinagbabawal ng akademya ang relasyon sa pagitan ng mga kadete, hinintay niyang magtapos muna siya bago niya ito niligawan. Nang maging kasintahan niya ito ay hiniling niya na mag-resign ito sa akademya. Alam niya kasing mahirap bumuo ng isang pamilya kung pareho silang alagad ng batas. Dahil sa pressure ng trabaho sa isang opisyal na pulis ay natakot siyang hindi matupad ang pangarap niyang magkaroon ng isang masayang pamilya. Sinabi niya kay Selene na mas tamang siya na lang ang pulis upang mas maalagaan nito ang kanilang magiging mga anak. Simple lang naman ang gusto niya. Isang babaeng pantahanan ang kailangan niya at hindi isang tagahabol ng mga kriminal. Ngunit kahit na ano’ng paliwanag niya ay hindi pumayag si Selene dahil na rin sa pangarap nitong maging isang alagad ng batas. Kalaunan ay nakipaghiwalay ito sa kaniya na labis na dumurog sa kaniyang puso. Sobrang lalim ng sugat na nilikha ng pagtalikod ni Selene sa kanilang sumpaan. Ilang taon din ang kinailangan upang tuluyang maghilom ang sugat sa kanyang puso. Noon niya na-realize na may kakayahan pala ang mga babae na manakit din ng damdamin ng mga lalaki. Sadya yatang mahirap humanap ng babaeng mapapasunod niya sa kanyang gusto. Kung kaya ipinasya niyang pagtuunan muna ng panahon ang pagtupad sa kaniyang mga tungkulin sa bayan sa halip na makipagrelasyon muli. Maaari kasing maapektuhan ang kaniyang trabaho kung sakaling masaktan siyang muli. Lalo na nang sinimulan niyang hawakan ang kaso ng Orion Triangle. Hindi na siya nagbakasyon man lang o sumilip sa pamilya niya sa Nueva Ecija. Ni wala man lang siyang panahon para sa good time o manligaw man lang. Ngunit ang kawalan ng nobya ay nangangahulugan din nang malalamig na gabi para sa kaniya. Kung bakit kasi hindi niya magawang kumuha ng mga babaeng bayaran. Para sa kaniya ay aangkinin lamang niya ang isang babae kung may nararamdaman siyang malalim na emosyon para rito, katulad ng naramdaman niya para sa dating nobya. He would never have s*x with any woman only for lust. Iyon ang itinanim niya sa kaniyang utak. Mind over body. Isang kaugalian na natutunan niya noong kadete pa lang siya sa police academy. Upang maka-survive, itinuro sa kanila na kailangang laging mangibabaw ang utak kaysa sa kagustuhan ng puso o ng katawan. Kung kaya mahirap mang paniwalaan, nakaya niyang walang s*x life sa loob ng maraming taon. Mahabang panahon na tila hindi normal ang buhay-binata niya. Itinutok na lamang niya ang atensyon sa pagtupad ng sinumpaang tungkulin. Ngunit katulad ng kahit na sinong normal na lalaki, nangangarap din siya na balang araw ay makakatagpo rin siya ng isang karapat-dapat na babae na mamahalin at ihahatid sa altar. Pero sa ngayon, isasantabi muna niya ang sariling mithiin. He must accomplish Oplan: Tartarus first before anything else. Pagkatapos nito, sigurado siyang hahanapin na niya ang masuwerteng babaeng pakakasalan niya. Orion Triangle’s headquarter in Helena’s Island, Zamboanga Sibugay. Salvador La Russo’s eyes surveyed his vast kingdom. From the wide veranda in the second floor of his mansion perched on the highest area of his private island which he named Helena’s island, he could see the expanse of his wealth and territory. Nasasakop ng Zamboanga Sibugay ang islang ito. Ang Zamboanga Sibugay ay isang primera klaseng lungsod na nasasakupan ng tangway ng Zamboanga. Nagustuhan niya ang rehiyong ito dahil sa mahalumigmig na panahon at madalang na kalamidad. Mahigit dalawang taon na ang nakalilipas nang binili niya ang 200 hectare island na ito mula sa isang mayamang pamilya at pinalabas na pagtatayuan niya ito ng private resort ngunit ang totoo ay headquarters ng bagong tayong sindikato ang ipinagawa niya, ang Orion Triangle. Dito isinasagawa ang mahahalagang pagpupulong ng kaniyang mga lider at mga tauhan ukol sa pagpapalaganap ng krimen at pagkakamal ng salapi gamit ang kasamaan. Paminsan-minsan ay pumupunta rito ang dalawa niyang anak na siyang tumatayong lider sa dalawa pang rehiyon, si Eximore La Russo para sa Luzon at si Athena La Russo para sa Visayas. Sa loob nang mahigit isang taon ay pinag-aralan niya ang mga dayalekto sa bansang ito. At dahil likas na may kakayanang mapag-aralan agad ang iba’t ibang wika, sa loob ng maikling panahon na iyon ay natutunan niya ang Tagalog, Cebuano, Zamboangueno, Hiligaynon, Iranun, Sibanun at Ilocano. A wicked smile curved on his mouth. He could say that his decision to break away from La Costa Nostra two years ago and putting up his own mafia in this island was not a mistake. Hindi siya nagkamali sa pagpili sa bansang ito dahil sa loob lang ng maikling panahon ay natutunan niya kung paano paiikutin ang mga tao at batas dito. Ang mga tao sa bansang ito ay may mga katangian na nagamit niya para sa sariling kapakanan. Watak-watak ang mga mamamayan dito pagdating sa pulitika at relihiyon. Walang trabaho o negosyo ang karamihan. Marami ang mangmang, ang nagugutom, at nangangailangan ng masasandalan. At siya ay nakahandang kumupkop at magbigay ng proteksyon sa sinomang nakahandang maglaan ng serbisyo sa kanya. And that was a game he knew very well how to play. Sa tagal niya sa loob ng La Cosa Nostra ay natutunan niyang mabuti kung paano paglalaruan ang kahinaan ng mga tao. At kung paano gagamitin ito para sa kanyang sariling ambisyon. Tagumpay kayamanan, at kapangyarihan. Ito ang kanyang pangarap. Ito ang kanyang buhay. Kung tutuusin ay puwede na siyang magretiro. Sa edad na limampu’t apat ay isa na siyang matagumpay na mafia leader. At katumbas ng tagumpay niya ay ang limpak-limpak na salapi na iniaakyat ng kaniyang mga iligal na negosyo. Marami na siyang nabiling pag-aari sa iba’t ibang panig ng mundo. At masasabing matatag na rin ang Orion Triangle dahil kahit nakatayo ito sa maliit na bansa ay nakakapag-operate din naman ito sa ilang bahagi ng Asya at Europa. Ngunit hindi pa masyadong hinog sa pamumuno ang dalawa niyang anak kahit sabihin pang hinubog na niya ang isipan nina Eximore at Athena sa mga ilegal na gawain. Nais niyang katulad niya ay maging tuso at madulas din ang mga ito pagdating sa pang-uusig ng batas. At marahil kapag ayos na ang lahat, iiwan na niya ang bansang ito at payapang mamumuhay sa isang lugar sa Latin America na napili niya kapiling si Helena. Si Helena. Ang nag-iisa niyang pag-ibig. Ang babaeng nagparanas sa kaniya kung paano magkaroon ng isang pamilya at kung paano maging isang ama sa kabila ng kaniyang kasamaan at mga hindi katanggap-tanggap na mga gawain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD