In The Devil's Haven

975 Words
“Buon giorno, SLR,” bati ni Dalton Baldovini kay Salvador La Russo, sabay abot ng isang telescope. Bahagyang napangiti si Salvador pagkakita sa kaniyang paboritong tauhan. Si Dalton Baldovini ay ang kaniyang matapat na alalay magmula pa noong pareho pa silang kasapi ng La Cosa Nostra. Ngunit higit sa isang amo at tauhan ang turingan nila sa isa’t isa. Sa dami ng kanilang pinagdaanan na magkasama, naging matalik silang magkaibigan o baka higit pa. Dalton was in his early 40’s. Katulad niya, matangkad din ito at malaki ang katawan. Ang angking kaalaman nito sa pakikipaglaban gamit ang anomang sandata at martial arts ay pinanday ng napakahabang karanasan nito sa loob ng La Cosa Nostra at Orion Triangle. Naaalala pa niya na isa si Dalton sa mga pinakabatang miyembro ng La Cosa Nostra noon. Ang totoo ay kasama niya si Dalton sa loob ng bilangguan noong ipinakulong sila ni Judge Peter Henderson. At kasama rin niya ito nang pumasok sila sa bahay ni Peter Henderson para isakatuparan ang kanilang paghihiganti. “Ano’ng masasabi mo, Dalton?” tanong niya habang inaabot ang telescope mula rito. “Dumating na siya, tulad ng iyong inaasahan,” makahulugan nitong tugon. “Mabuti kung ganoon.” Nangingiting itinapat niya ang telescope sa mga mata, ang kabilang dulo nito ay nakatuon sa dagat. Sa layong ilang milya ay kitang-kita niya ang papalayong motor boat habang may isang tao na lumalangoy patungo sa isla. “Magaling. You welcome her, katulad ng ating pinaghandaan.” “Masusunod, SLR.” Bahagyang yumuko si Dalton pagkuwa’y tumalikod na ito. Ilang minuto nang lumalangoy si Cassandra ay parang hindi pa siya napapagod. Sisiw lang kasi sa kaniya ito bilang isang magaling na swimmer noong nasa college siya. At lalong nahasa ang galing niya sa paglangoy noong nag-training siya sa FBI bilang special agent. Kasama ang swimming lesson sa survival skills na kinailangan niyang matutunan. Kailangan niyang languyin na lang ang ilang milyang distansya patungo sa Helena’s Island upang hindi siya mamalayan ng mga tauhan ni Salvador. Kung lalapit siya sa islang ito sakay ng motor boat ay baka hindi pa siya nakakasampa sa dalampasigan nito ay nabistay na siya ng bala ng mga bantay. Pagsapit sa dalampasigan ay namangha siya sa ganda ng isla. Nalalatagan ito ng mga luntiang halaman at puno. Ganoon pa man ay hindi aakalain ng sinoman na isa itong isla dahil mistulang isang modernong village ang lugar na iyon. May mangilan-ngilang cottages at may sementadong daan paakyat sa tila tuktok nang maliit na bundok. At mula sa kinatatayuan ay kitang-kita niya ang maringal na mansyon ni Salvador na buong yabang na nakatayo sa pinakamataas na bahagi ng isla. Naningkit ang kaniyang mga mata habang pinapasadahan ng tingin ang nakalululang kayamanan ni Salvador. Mga bunga ng kasamaan, bulong niya sa sarili. Nagtiim ang kaniyang mga bagang. Nagsikip ang kaniyang dibdib dahil sa naipong galit sa loob ng maraming taon. Bilang na ang mga araw mo, Salvador La Russo. Naparito ako hindi para bawiin lang ang ina at kapatid ko kundi upang ihatid ka rin sa impyerno. Pakubli-kubling naglakad si Cassandra patungo sa mansyon, umaasang hindi pa rin namamalayan ng mga bantay ang kaniyang pagdating. At sa buong pagtataka niya, tila walang guwardya ang buong isla dahil ilang minuto na siyang naglalakad ay wala pa siyang nakikita ni isang Salvadorian. Noon siya kinabahan. She was now in front of a giant glass door. Sinubukan niyang itulak ang turnstile door. Hindi nakasarado iyon kung kaya dahan-dahan siyang pumasok. Ngayon ay nasa loob na siya nang napakaluwang na bulwagan ng mansyon. She could hear the sound of her thudding chest. Ganito siya kapag kinukutuban nang hindi maganda. Sa isang banda, nagagamit niya sa trabaho ang pagkakaroon nang matalas na pakiramdam. And she was not mistaken. From the back of thick draperies, one man suddenly appeared. Sumisigaw pa na sumugod ito sa kaniya. Naka-all black suit ito. Sa tindig at anyo ay hindi mo aakalaing miyembro ng sindikato dahil sa mukhang kagalang-galang nitong kaanyuan. But Cassandra knew that she entered the devil’s haven. Lahat ng narito ay kaaway kung kaya pinaghandaan niya ang pagpunta rito. She automatically pivoted to kick the man. Sapol ito sa panga. When the man hit the floor, another man came out from the draperies. May hawak pa itong samurai sword at buong yabang na iwinasiwas sa hangin. Mabilis niyang hinugot mula sa kaluban na nakatali sa binti ang isang swiss army knife at ibinato ito sa sumusugod na kalaban. Sapol ito sa lalamunan, ni hindi na ito nakalapit sa kaniya. Isang lalaki naman ang sumulpot mula sa likod ng makapal na kurtina. At isa pa. At isa pa. Gumulong siya sa sahig upang mabilis na makalapit at madampot ang samurai sword na nakakalat sa sahig. Pagkadampot ay agad niyang iwinasiwas ito sa hangin habang nakaupo. Sapol sa tiyan ang isang papalapit na lalaki, ang isa naman ay sa hita tinamaan. Minalas ang pangatlong sumugod dahil walang awang itinarak niya ang espada sa tiyan nito habang nakatalikod siya. Lima agad ang napatumba niya. Hindi na masama para sa isang bagong dating na tulad niya. Pero alam niyang simula pa lang ito. Anumang sandali ay maaaring marami pa ang umatake sa kaniya. Habang naka-squat ay matalas siyang nakiramdam at inabangan kung may susulpot pang kalaban. Nang wala ng sumugod ay dahan-dahan siyang tumayo. Nang biglang mula sa kung saan ay isang humahaginit na maliit na palaso ang tumama sa batok niya. Agad na namanhid ang buo niyang katawan. She tried to turn around to see the enemy. Isang matangkad na lalaki ang nakita niya habang hawak pa ang isang tila laruan na metal cross bow. Naka-all black suit din ito. Matatalim ang mga mata. Halos kalahati ng mukha ay natatakpan nang makapal na bigote at balbas. Then everything turned dark to her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD