Namamanhid pa rin ang buong katawan ni Cassandra nang bumalik ang kaniyang malay. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niya ang isang matangkad na lalaki na nakaupo sa harap niya, ilang dipa ang layo sa kaniya. Tila sadyang hinihintay nito na magising siya.
“Buon pomeriggio, Cassandra Henderson.” Bahagya itong ngumiti sa kanya. Tila nasa early 50’s na ito. Mukha itong kagalang-galang sa mamahaling black suit. Nasa anim na talampakan at limang dali ito, berde ang mga mata, matingkad na brown ang kulay ng buhok at may maayos na bigote.
Sa nanlalabo niyang paningin ay agad niyang nakilala ang lalaking kaharap. Mabilis na sumilakbo ang galit niya. She couldn’t be mistaken. This was the man she was looking for and hated for so many years. Mula pa pagkabata niya ay laging laman ang lalaking ito ng mga broadsheet sa US at Europe dahil sa kasamaan nito.
“Salvador La Russo,” Cassandra murmured while clenching her fists. Anger surged deep inside her. Umaalon ang dibdib niya sa silakbo ng galit. Ngunit nang akmang susugod siya ay noon lang niya nalaman na nakatali pala ang dalawa niyang kamay sa arm rest ng luklukang kinauupuan niya. Pinilit niyang kumawala ngunit mahigpit ang pagkakatali.
“I was not mistaken, Cassandra Henderson,” ngumisi ang lalaki. “You know me as much as I know you.”
“How did you know me, demon?” Sumingasing siya sa galit. Kung nakamamatay lamang ang titig ay siguradong namatay na ang lalaking ito sa harap niya.
“Alam kong buhay ang unang binhi ni Peter Henderson. At katulad ng pagsubaybay mo sa aking mga gawain at kung saan ako pumupunta, sinubaybayan ko rin ang napakatagal mong paghahanda upang makapaghiganti sa akin.” Tumayo si Salvador at dahan-dahang humakbang palapit sa kaniya. “Alam ko na isa kang FBI special agent. At isang napakahusay na special agent. Alam ko rin na ang pagpasok mo sa FBI Academy ay bahagi ng iyong plano na maghiganti.” Inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Naamoy niya ang amoy-tabakong hininga nito. “And I waited for you, Cassandra Henderson. I waited for you for so long.”
“Hindi lang ikaw, bastard. Ako man ay naghintay din nang napakatagal na panahon upang magkaharap tayo at singilin ka sa napakalaking utang mo sa aking pamilya,” Cassandra breathed fire.
Salvador straightened his body. “But how will you do that? Nakagapos ka at walang kalaban-laban sa aking mga tauhan? You maybe good in fighting but I have plenty of good Salvadorians to pin you down.”
“Huwag kang pakakasiguro, animal. I did not go here for
nothing. Pakawalan mo ako at ipakikita ko sa iyo ang galing ko.”
“Tumpak. Kailangan mo talagang ipakita ang galing mo. Ang totoo ay kailangan ko talaga ang kakayahan mo bilang isang babaeng alagad ng batas. That’s the reason why you are still alive. Dahil kung wala akong kailangan sa iyo, kanina ka pa pinagpipiyestahan ng mga pating sa dagat.”
“Ako ang may kailangan sa iyo, satanas. You don’t need anything from me, except my life. Dahil alam kong nanginginig na ang buntot mo dahil sa takot. Matapang ka lang dahil napapalibutan ka ng mga walang kuwenta mong tauhan.”
“Cassandra, Cassandra, Cassandra…” Naglakad-lakad si Salvador paikot sa kanya. “Bakit sa halip na mag-away ay bakit hindi tayo magtulungan? Hindi naman ako kasing-sama ng iniisip mo. I can give what you want. That is, if you will do me a favor.”
“Hindi ako nakikipagkasundo sa demonyo, La Russo,” tiim-bagang na tugon niya.
“Bakit hindi mo subukan kung ang kapalit noon ay ang iyong ina at kapatid?”
Napapitlag si Cassandra pagkarinig sa ina at kapatid. “Nasaan sila, La Russo? Nasaan ang pamilya ko?”
“Buhay sila, Cassandra. In fact, inalagaan ko sila nang maayos.”
“Gusto ko silang makita.” Sumasal ang t***k ng puso ni Cassandra matapos marinig na buhay ang kinasasabikang pamilya.
“Makikita mo sila sa isang kondisyon.”
“Ano’ng kondisyon?”
Parang nakakalokong ngumisi ang Italyano. “Kailangan mong magtrabaho sa akin.”
Lalong nadagdagan ang galit sa dibdib ni Cassandra nang marinig na inaalok siya ng trabaho ni Salvador. Pero alam niyang kailangan niyang pairalin ang utak sa sitwasyon niya ngayon. “Diretsahin mo na ako. Ano ang ipagagawa mo sa akin?”
“Simple lang. With your wit and charm, alam kong kayang-kaya mo ito kapalit ng kalayaan ng iyong ina at kapatid.”
“Sige, pumapayag ako. Kahit papuntahin mo ako sa impyerno ay gagawin ko makita at makapiling ko lang ang pamilya ko,” diretsang wika niya kahit tumututol ang buo niyang pagkatao sa napipintong pakikipagkasundo sa isang kaaway. Ngunit alam niyang kailangan niyang makipaglaro rito.
“Brava ragazza,” ngumisi muli na parang isang demonyo si Salvador. Pagkuwa’y may pinindot itong button sa arm chair ng sariling upuan.
Kusang bumukas ang glass door at iniluwa noon ang isang matangkad na lalaki. Balbas sarado ito, malaki at malapad ang katawan, at mukhang nasa early 40’s na. Katulad ni Salvador, nagtataglay rin ito ng matingkad na kulay brown na buhok. Ngunit ang mga mata nito na matatalim kung tumingin ay kulay abo. Agad niya itong nakilala. Ito ang pumana sa kaniya kanina kung kaya
nawalan siya ng malay.
“Ano’ng maipaglilingkod ko, SLR?” tanong nito na hindi man lang siya tinapunan ng tingin.
“Tawagin mo si Helena, Dalton. Papasukin mo siya rito,” makapangyarihang utos nito.
Bahagyang tumango ang lalaki, pagkuwa’y tumalikod na ito at lumabas sa glass door. Maya-maya ay bumalik ito, kasunod ang isang babae.
Para siyang namalik-mata nang makilala ang babaeng pumasok sa silid. Maganda, maputi at matangkad ito. Bagamat may edad na ito ay maganda pa rin ang tindig at kurba ng katawan.
“M-mommy…” bagama’t nalilito ay kusang lumabas sa bibig niya ang salitang kaytagal nang hindi binibigkas ng kaniyang mga labi. Walang pagsidlan sa tuwa ang puso niya nang muling masilayan ang pinakamahalagang babae sa buhay niya.
Hindi siya maaaring magkamali. Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Maita Morales Henderson. Ang kaniyang pinakamamahal na ina.
Ngunit tila hindi siya narinig ng tinawag. Tuloy-tuloy ito sa paglapit kay Salvador. Nang makalapit sa lalaki ay mabilis na pumulupot ang braso nito sa braso ng lalaki. Mabilis naman itong siniil ng halik ni Salvador sa labi na sa buong gulat niya ay tinugon naman ng babae, hindi alintana ang kaniyang presensya.
Napanganga na lamang si Cassandra sa nasaksihan. Paano
nangyaring nakikipagyakapan at nakikipaghalikan sa demonyong ito ang kanyang disenteng ina?
“Meet Helena La Russo, my beautiful wife.” Pagkuwa’y baling ni Salvador sa kanya.
“Hayup ka, La Russo. Alam mong alam ko na hindi Helena La Russo ang tunay niyang pangalan. Siya ang aking ina. Siya si Maita Morales Henderson.” Muli siyang nagwala mula sa mahigpit na pagkakatali. Naramdaman niya ang hapdi ng napanit na balat.
“Siyanga?” nakakalokong ngisi ni Salvador.
“Who is she, mi amore?” nagtatakang tanong ni Helena. Sa wakas ay napansin rin siya ng babae. Nakayakap pa rin ito kay Salvador.
“Bagong recruit, mi amore. Kaninang umaga lang siya dumating,” sagot ni Salvador.
“Hmmm, mukhang hindi na siya baguhan sa trabahong ito. Halata sa tikas ng kaniyang anyo at tindig.”
“You’re right, mi amore. Kinuha ko siya dahil alam kong malaki ang maitutulong niya sa paglutas ng kasalukuyan kong problema.”
“Problema kay Major Altamonte ba ang tinutukoy mo?”
“Si, mi amore. Now, will you leave us for a while? May pag-uusapan lang kaming mahalaga.”
“Va bene.” Kumalas sa pagkakayakap si Helena at umakmang paalis na. Pero bago tuluyang lumabas ng silid ay muli itong sumulyap sa kaniya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa bago matipid na ngumiti.
Naramdaman ni Cassandra ang pagnanais na yakapin ang ina. Ngunit alam niyang walang mabuting idudulot iyon. Something was wrong with her at isang tao lang ang makakasagot noon.
“Ano’ng ginawa mo sa ina ko, La Russo?’” baling niya kay Salvador nang makaalis na si Helena. Humihingal siya sa galit.
“Wala akong ginawa sa kaniya. Nagkataon lang na hindi niya nakayanan ang nasaksihang pagpatay ko kay Peter Henderson sa harap ninyo mismo.”
Amnesia. Nagkaroon ba ng amnesia si Maita? At sinamantala naman ng demonyong ito ang pagkakaroon ng sakit ng kaniyang ina?
“Napakawalanghiya mo, La Russo. Hindi lang buhay ng aming padre de pamilya ang inagaw mo, pati ang pagmamahal ng aming ina ay ninakaw mo rin.”
“Aren’t you happy that she is still alive? I could kill her if I wanted to. Pero pinakasalan ko siya, inalagaan at ginawang reyna. You know that I am a murderer, a deep-dyed evil, pero nagawa kong tanggapin at mahalin ang asawa ng mortal kong kaaway. Kung tutuusin, isa iyong utang na loob na dapat mong tanawin sa akin. Pero nakita mo naman na maligaya siya sa piling ko. Baka nga hindi na niya gustuhin na bumalik sa dati niyang pagkatao at sa
halip ay mas piliin pa na maging kabiyak ko habambuhay.”
Kabiyak? Ginawang asawa ng hayop na ito ang kaniyang butihing ina. Sumulak ang kaniyang dugo dahil sa galit at pagkasuklam. Kung makakawala lang siya sa pagkakatali ay sisiguraduhin niyang babaliin niya ang leeg ng demonyong kaharap.
“Asawa mo siya gamit ang isang panlilinlang. Pero siya pa rin ang aming ina. Ngayon, nasaan ang kapatid kong si Tristan? Buhay pa ba siya? Gusto kong siyang makita.”
“Oh! Hinay-hinay lang, Cassandra.” Ngumisi ang Italyano. “Alalahanin mong nasa teritoryo kita. Dito ay ako ang nag-uutos, hindi ang inuutusan. Pero huwag kang mag-alala, makikita mo rin siya. Iyon ay kapag pumayag ka nang magtrabaho sa akin.”
“Ano’ng trabaho?” tiim-bagang niyang tanong. Halos masuka siya sa pagkasuklam sa lalaking kaharap.
“Nakahanda ka bang pumatay kapalit ng iyong ina at kapatid? Don’t worry, one time lang ito, at isang tao lang ang papatayin mo.”
Saglit na umandar ang utak ni Cassandra. Alam niyang hindi dapat puro tapang ang pinaiiral niya sa sitwasyon niya ngayon. Kailangan niyang patuloy na makipaglaro rito, or else, lahat ng pinlano niya ay mababalewala.
Alam niyang tuso si Salvador, pero mas tuso siya. Kung papakawalan siya nito mula sa pagkakabihag at makikipagkasundo rito, mas malaki ang tsansa na mabuhay silang tatlo. Magkakaroon
siya ng sapat na panahon para muling bumuo ng plano laban dito.
And if he would require her to kill a fellow demon, she would be more than glad to do that. Kung isang karibal sa negosyo ang gusto nitong ipapatay sa kanya, gagawin niya ito nang walang kahirap-hirap, saka niya ito isusunod.
“Sige, pumapayag na ako, La Russo. Gagawin ko ang gusto mo, papatay ako kung kinakailangan, kapalit ng kalayaan naming tatlo.”