Nasa loob ngayon ng malaking library ng mansyon si Cassandra kasama si Salvador. Bale tatlo sila kasama ang parang asong laging nakabuntot sa amo na si Dalton.
Matapos buksan ni Dalton ang computer na nasa harap niya ay lumabas sa monitor ang mga larawan ng isang lalaki. May kuha ito na mukha lang at meron ding life size. Agad niyang napansin ang kakisigan nitong taglay sa mga larawan. Hindi siya masyadong partikular sa itsura ng mga guwapong lalaki ngunit ang isang ito ay may kakaibang dating sa kaniya. He was devilishly handsome. He was tall, muscular and sporting the much sought-after ‘healthy tan look’, ang tipikal na kulay ng isang Pilipino. Her eyes quickly browsed the profile on the screen.
Name: Police Chief Inspector Alexandros D. Altamonte
Age: 30 years old
Province: Nueva Ecija
Designation: Chief of Operations, Criminal Investigation and Detection Group, Zamboanga Peninsula
Educational Attainment: Bachelor of Science in Public
Safety, Philippine National Police Academy, Class valedictorian, Class 2009
Awards Received: One of the Most Outstanding Young Police Officers, PNP Commendation Medal, PNP Mindanao Campaign Medal, PNP Efficiency Medal
Other information: 8 years in police service
Hindi lang ang pisikal na katangian ang lihim niyang hinahangaan ngayon sa pulis kundi maging ang nakagugulat na profile nito bilang isang alagad ng batas. Sa achievement pa lang nito sa loob ng walong taon sa serbisyo, masasabing may dahilan nga upang mabahag ang buntot ng demonyong si Salvador La Russo.
“Ano’ng gusto mong gawin ko sa kaniya?” patay-malisya niyang tanong. Pilit niyang itinago ang paghangang nararamdaman patungkol kay Chief Inspector Alexandros Altamonte.
“I want you to kill him. Tinik sa lalamunan ko ang pulis na iyan. Masyado siyang mapapel. Mula nang madestino siya dito sa Zamboanga, ilang buwan pa lang ang nakakalipas, wala na siyang ginawa kundi sundan ang mga gawain namin. Hindi tuloy makakilos nang maayos ang Orion Triangle dito sa Zamboanga dahil sa kaniya. At nalaman ko lately na nagbabalak siyang arestuhin ako dito mismo sa aking teritoryo. And I cannot afford that to happen. Kahit Amerika ay hindi ako naipakulong nang matagal, ang maliit na bansang ito pa kaya?”
“Bakit ako ang napili mong trumabaho sa kaniya? Marami
kang tauhan, hindi ba?” sarkastikong tanong ni Cassandra.
“Masyadong matinik at mautak ang pulis na iyan. Baka hindi pa nakakalapit ang tauhan ko sa kaniya ay tinadtad na niya ng bala. Hindi naman niya siguro paghihinalaan ang isang babae lalo na at alam ng lahat na walang babaeng miyembro ang Orion Triangle maliban sa anak ko na si Athena.”
Ngumisi si Cassandra. “Iyan ba talaga ang dahilan? O di kaya nababahag din ang buntot mo sa kaniya? Sa dami ng mga tauhan mo at sa pagiging tuso mo sa pagpatay sa iyong mga kaaway, bakit isang pulis lang ay hindi ninyo kayang itumba?”
“Tulad ng sinabi ko kanina, masyadong matinik at madulas ang hayop na iyan. Hindi siya isang pipitsuging pulis na tulad ng iyong inaakala. Ang balita ko ay dati siyang miyembro ng Special Action Force, ang elite force ng Philippine National Police. Samakatuwid ay anim na katao ang katumbas niya sa husay sa pakikipaglaban, may sandata man o wala. Kasama rin siya sa mga mahuhusay na pulis na lumaban sa mga rebeldeng Muslim noong kasagsagan ng Zamboanga siege, taong 2013. Ang totoo ay ilang beses ko na ring napatunayan na mahirap talaga siyang itumba nang ilang ulit nang nakaharap ng mga tauhan ko ang grupo ng CIDG sa pamumuno niya at sa malas ay palagi na lang akong nalalagasan ng mga tauhan, idagdag pa ang pagkadiskaril ng mga operasyon namin. I cannot afford to lose many of my men and huge amount of money because of him. At sa hindi ko malamang dahilan, lagi na lang niyang natutunugan ang mga galaw ng Orion Triangle. May sa demonyo yata ang Altamonte na iyan.”
Muling napangisi si Cassandra at tila nang-aasar na nagsalita. “Demonyo sa demonyo.”
Nagpatuloy sa pagsasalita si Salvador. Tila sinadyang hindi pinansin ang sinabi niya. “Masyadong pinasasakit ng gagong iyan ang ulo ko. Kung kaya isang bitag ang naisip ko para sa kaniya. Alam kong iisa ang kahinaan ng lahat ng lalaki at hindi siya naiiba sa mga iyon. Naniniwala akong walang matibay na lalaki sa maganda at mapanuksong anak ni Eba.” Dumukwang sa kaniya si Salvador. Muli siyang nairita sa amoy-tabakong hininga nito. “At ikaw iyon, Cassandra Henderson. Alam ko kung gaano ka kagaling. Nasubaybayan ko ang karera mo sa FBI. Hindi matatawaran ang diskarte mo sa paghuli sa mga kriminal. Sa madaling salita, ikaw lamang ang makakatapat sa isang pulis na katulad ni Altamonte. Isang maganda ngunit mapanganib na babae.”
Namumuhing sinalubong niya ng tingin ang Italyano. “Isa siyang alagad ng batas at ako ay ganoon din. Mga kriminal lang na katulad mo ang pinapatay ko, La Russo. Sa palagay mo ba ay maaatim kong pumatay ng isang kabaro lalo na at wala namang personal na atraso sa akin?”
“I know you will do it, Cassandra. Alang-alang sa buhay ng iyong ina at kapatid. Matino akong kausap. Tumutupad ako sa usapan. Kapag sinabi kong ang buhay ng pulis na iyan kapalit ni Helena at Tristan, tutuparin ko iyon.”
“Stop calling my mother in a different name, La Russo. Maita Henderson ang tunay niyang pangalan.”
Ngumisi si Salvador. “Tatawagin ko siya sa ano mang pangalan na gusto ko. Habang naririto kayo sa aking teritoryo ay ako ang inyong panginoon. Tatawagin ko kayo sa pangalang gusto ko. Tatratuhin ko kayo sa paraang alam ko. But once you killed that police, wala na akong pakialam sa inyong mag-iina.”
Naningkit ang mga mata ni Cassandra. Pilit binabasa ang katotohanan sa mga sinabi ng lalaki. She was not stupid. Alam niyang pinaglalaruan lang siya nito. Gagamitin sa kasamaan at pagkatapos ay papatayin. Ngunit sa ngayon ay hawak ng lalaking ito ang alas at kailangan niyang makipaglaro rito. Kung mapapaniwala niya na susundin niya ang iniuutos nito, pansamantala siyang magiging ligtas sa loob ng teritoryo nito.
“Where can I find him?” tiim-bagang niyang tanong.
“Bene. Dalton will bring you to him.”
“Hindi ko kailangan ang aso mo. Kaya kong magtrabaho mag-isa.”
“Wala pa rin akong tiwala sa iyo, Cassandra. Paano ako makakasigurong hindi mo ako oonsehin? Si Dalton ang magiging mata ko sa iyo habang isinasagawa mo ang misyon. At kapag nagkamali ka, he is licensed to kill you. At baka maging ang ina at kapatid mo ay madamay sa galit ko.”
Marahas siyang napabuntong-hininga. Hindi dapat malagay sa panganib ang buhay ng kaniyang ina at kapatid. “Okay. Kailan ako magsisimula?”
“Sa lalong madaling panahon. Kailangang mapatay mo siya bago siya makapunta rito upang arestuhin ako.”
“Sige, payag na ako.”
“Bueno, simulan na ang initiation,” pagkasabi noon ay pumalakpak pa si Salvador.
Sabay na pumasok ang dalawang Salvadorian mula sa pinto. Mabilis na binalite siya ng isa sabay turok naman ng isa ng syringe sa braso niya. Agad na sumama sa dugo niya ang itinurok na gamot. Muli siyang nakaramdam ng panghihina at panginginig ng mga tuhod dahilan upang mapaluhod siya. Saka pa lang binitiwan ng dalawang Salvadorian ang mga braso niya. Lumapit si Dalton at pumuwesto sa kaniyang likod. Marahas nitong sinira ang kaniyang damit sa likod dahilan upang malantad ang kaniyang balat. She was trying to turn around to see him when a burning object was suddenly pressed against her skin near her nape. Sumagitsit ang nasunog niyang balat kasabay ng pangangamoy nito. She even saw the smoke on the periphery of her vision. Napasigaw siya sa sakit. Gusto niyang pumihit upang bigwasan si Dalton ngunit hindi niya magawa dahil sa matinding panghihina. Parang lantang gulay na bumagsak siya padapa sa sahig. Namimilipit at dumadaing sa sakit.
Sa nanlalabo niyang diwa ay narinig pa niya ang huling sinabi ni Salvador.
“Ngayon ay isa ka nang Salvadorian. Dadalhin mo ang tatak na iyan ng demonyo habang buhay. At bilang isang Salvadorian, gagawin mo ang anumang ipag-uutos sa iyo ng iyong panginoon. At mula sa araw na ito, you will be called in your code name, Medusa.”
Pagkasabi noon ay lumabas na ng silid ang mga Salvadorian habang halos mawalan siya ng malay sa sakit na iniinda.
Three days later.
Mula sa kinauupuan ni Cassandra sa loob ng isang mamahaling restaurant ay natatanaw niya ang isang matangkad na lalaki na nakaupo habang mag-isang umiinom ng beer. Tila may hinihintay ito at palinga-linga pa habang paminsan-minsan ay tumitingin sa relong pambisig. Kahit malayo ay kapansin-pansin ang kaguwapuhan nito gayon din ang kontrolado nitong mga kilos. Naka-jacket ito ng black ngunit nakikita pa rin sa loob ang kulay light blue nitong patrol shirt.
Lihim niyang pinasadahan ng mga mata ang lalaki. He was really handsome, tall and lean. Kung guwapo ito sa malayo, siguradong mas guwapo ito sa malapitan. Hindi nakaligtas sa kaniyang mga mata ang senswal na paglapat nang magaganda nitong mga labi sa bote ng beer kapag umiinom. Buong kapilyahang naisip niya na sana ay siya na lang ang bote ng alak upang malasahan niya ang mga labi nito. Masyadong malakas ang hipnotismong epekto nito sa kaniya upang maramdaman niya ang pangangailangang makalapit dito.
“Siya si Chief Inspector Alexandros Altamonte, at siya ang target mo,” mahinang sabi ni Dalton na nakabalik na pala mula sa comfort room. Nalanghap niya ang amoy-tabakong hininga nito. Agad siyang nairita.
“I know. Hindi mo na kailangang sabihin,” singhal niya.
“Huwag kang sasablay, Medusa,” pagbabanta ng lalaki. “Maikling panahon lang ang ibinigay sa iyo ni SLR. At sa lahat ng ayaw ko ay iyong inuubos ang oras ko.”
“At sa lahat ng ayaw ko ay iyong tila may aso na bumubuntot-buntot sa akin,” sabi ni Cassandra na hindi man lang tinapunan ng tingin ang kausap. Ni sulyapan ito ay hindi niya magawa. Namumuhi siya rito sa dami ng atraso nito sa kanya. “And will you stop calling me Medusa?” gigil na dugtong niya.
Nakakalokong ngumisi ang Italyano. “Iyan ang pangalang ibinigay sa iyo ni SLR kaya iyan din ang itatawag ko sa iyo.”
“Okay. Medusa kung Medusa. Alalahanin mo, may mga ahas si Medusa. Ingat ka, baka matuklaw ka ng isa sa kanila.” Ngumisi rin siya.
“Hindi ako natatakot sa iyo o kung kanino man. Kahit cobra ang nasa ulo mo, hindi mo ako masisindak.” Dumilim ang anyo ng lalaki. Halatang napipikon na sa kanya.
Ipinagkibit-balikat niya ang banta ng lalaki. “You can leave me here. Alam ko na ang gagawin ko,” wika niya sabay lagok sa pineapple juice niya.
Ngumisi na naman na parang aso si Dalton. “Sige, lapitan mo na siya.” Pagkuwa’y tumayo na ito, may nakasusuklam na kinang ang mga mata.
“Oo na. At puwede ka nang umalis,” sabi niya sabay tayo rin.
Dalton made quick steps toward her. “Dito lang ako. I have to be sure that you will not only flirt with that man.”
Muling sumulak ang dugo niya. Gustong-gusto na niyang suntukin sa nguso ang Italyanong ngayon ay nakadikit na sa kaniya.
“You and your rude mouth,” gigil na wika niya. “Isang araw, babasagin ko ang mukha mo ng aking kamao. At hindi mo ako magugustuhang kalaban.”
Ngumisi lang si Dalton na tila binalewala lang ang kaniyang pagbabanta. “Alam ko. Kaya nga ikaw ang pinili ni SLR na itapat sa pulis na iyan.”
Ipinasya ni Cassandra na tumayo na at humakbang palapit sa walang kamalay-malay na pulis. Nakabaling pa rin ang mukha nito sa labas ng restaurant na tila may hinihintay talaga.
Ilang dipa ang layo niya sa lalaki nang hindi sinasadyang napatingin ito sa direksyon niya. Kitang-kita pa niya nang bahagyang bumuka ang bibig nito pagkakita sa kaniya. Tinanggal pa nito ang suot na shades upang mas lalo siyang mabistahan. Lalo naman niyang pinaseksi ang paglakad. Her auburn hair silkily flowed over her skin toned shoulders as the light breeze blowed to her small head. The gentle wind pushed her yellow sundress causing her bumps and curves to delineate. She was tall and beautiful. Sa edad na twenty-seven ay sariwang-sariwa pa siyang tingnan dahil matiyaga niyang inalagaan ang sarili. At alam niyang walang anak ni Adan na tatanggi sa kaniyang mala-diyosang kagandahan. Habang papalapit ay pinagbuti niya ang pagngiti habang titig na titig siya rito.
Bahagi ito ng plano. Aakitin niya ang pulis at hangga’t maaari ay hahantong sila sa kama. At doon ay papatayin niya ito bago pa man may mangyari sa kanila. Hindi siya sanay mang-akit ng lalaki. Seducing a man was never her cup of tea. Pero alang-alang sa kaniyang misyon ay wala siyang hindi kayang gawin.
Ngunit plano lang iyon ni Salvador. Of course, may sarili siyang plano. At hindi niya kayang ikompromiso ang buhay ng iba para sa personal na misyon. Kung talagang magaling ang pulis na ito, baka magkatulungan pa sila sa bandang huli.
Ngunit bago siya nakalapit rito ay bahagya siyang nakaramdam ng pagkahilo. Nanginig ang kaniyang tuhod. Mabuti na lang at nakahawak agad siya likod ng isang upuan.
Bago tuluyang magdilim ang lahat sa kaniya ay nakita pa niyang dumaluhong si Major Altamonte sa kaniya kung kaya saktong sa mga braso nito siya bumagsak.
“Miss…miss…” sunod-sunod na tawag nito sa kaniya.
Sa nanlalabong diwa ay nalanghap pa niya ang mabangong hininga ng lalaki na may halong amoy-beer. Hindi sinasadyang napatuon ang mga mata niya sa magagandang labi nito. Before she closed her eyes, she secretly wished that the police be tempted to kiss her. May kung anong init ang agad na kumalat sa buo niyang katawan sa isiping iyon.