Touched down. Cassandra was back at Helena’s island. Siya mismo ang nagpalipad ng helicopter gamit ang kaalamang natutunan noong nasa FBI Academy pa siya. Mula sa napakahabang proseso ng pag-check sa gauges, paglilipat ng mga switch, pagpindot sa napakaraming buttons, pagtutok sa electronic compass, maaayos na paghawak sa throttle, napalipad niya ang aircraft nang walang kahirap-hirap. Pinatay niya ang makina ng chopper at hinintay ang pagtigil ng rotor blades. Nang tumigil na ito sa pag-ikot ay tinanggal na niya sa ulo ang headset, pagkatapos ay isinunod niya ang pagtanggal ng seatbelt at bumaba na mula sa air craft. Nakita niya ang dalawang Salvadorian na tumatakbo palapit sa kaniya. May dalang mahahabang baril ang mga ito. Inihanda niya ang sarili sa susunod na pakikipaglaban. “I n

