“Vorgo!” Dumagundong ang boses ni Salvador sa loob ng function hall. Mula sa hanay ng mga Salvadorian ay lumitaw ang isang kalbong Caucasian. Matangkad at maskulado ito. “Zdravstvuj,” nakangising wika nito sa kanya habang unti-unting hinuhubad ang suot na black suit. Base sa salitang lumabas sa bibig nito, isa itong Russian. Bahagyang kinabahan si Cassandra. Seven footer ang kalaban niya. Mukhang mahihirapan siyang patamain ang kanyang mga flying kick sa panga nito. Mabilis niyang pinaandar ang utak sa pag-iisip ng tamang taktika na gagamitin sa pakikipaglaban sa higanteng kaharap. “Bigyan mo ng magandang panoorin ang mga bisita ko, Vorgo. Pronto!” Pumalakpak pa si Salvador pagkatapos mag-utos. Then he sat again beside Maita Morales. Eximore and Athena were half-smiling, both were ant

