Madilim ang anyo ng CIDG Director nang pumasok si Alexandros at Inspector Troy Montefalco sa opisina nito. Matapos i-acknowledge ang pagsaludo nila ni Montefalco ay pormal na inanyayahan sila nito na maupo sa dalawang upuan na nasa harap ng office table nito. May nauna na sa kanila sa opisina ng direktor, ang dati niyang underclass na ngayon ay kaniyang deputy na si Senior Inspector Ulysses Demonteverde na miyembro ng PNPA Class 2010. Dati silang miyembro ng SAF o Special Action Force kasama si Montefalco kung kaya malalim na ang pinagsamahan nilang tatlo. “You’re very late,” medyo inis na sabi ni Chief Superintendent Domingo. He was a man of late 50’s, bakas sa anyo nito ang dignidad ng isang mahusay na alagad ng batas. “My apology, sir. Pasensya na po,” nahihiyang wika niya. “I

