“Como stai?” nakakalokong tanong ni Salvador. Mabagal itong naglalakad palapit kay Cassandra. Nasa likuran naman ng Italyano si Eximore. Tiningnan niya nang matalim ang lider ng mafia. Ngayon ay nakatayo na ito sa harap niya. Bakas pa rin sa mukha nito ang galit. Dala marahil ng pagkamatay ni Dalton. Kampanteng nakatayo lang sa likod nito si Eximore. “Non sto bene,” inis na tugon niya. “Ano’ng klaseng tanong ‘yan, La Russo?” Ipinagkibit-balikat lamang ni Salvador ang matapang niyang sagot. “Matapang ka pa rin, Medusa. Kahit alam mong wala ka nang magagawa. Dahil diyan ay lalo mo akong pinahahanga,” sabi nito sa nang-uuyam na tinig. “You can kill me now, La Russo. What keeps you from doing that?” sumingasing siya sa galit. Malakas na tumawa si Salvador. “Not now, Medusa. Yo

