Alexandros and Cassandra

2213 Words

“Ano ba?” Darating pa kaya ‘yon?” Muli na namang kinausap ni Cassandra ang sarili. Paano naman ay halos magdadalawang oras na siyang naghihintay sa labas ng apartment ni Alexandros. Kanina pa siya nangangawit sa halinhinang pagtayo at pag-upo sa plant box na nasa gilid ng pader na dingding ng apartment. Papasigid na rin ang lamig kung kaya unti-unti na siyang nanginginig sa ginaw. Isa pa’y kanina pa niya gustong gumamit ng comfort room. Lampas na ng alas-nuwebe ng gabi at hindi siya sigurado kung uuwi si Alexandros sa gabing ito. Hindi naman siya puwedeng umalis dahil gabi na at wala siyang sasakyan. Inihatid lang siya rito ng isang Salvadorian at pagkatapos ay umalis na ito at bumalik sa Styx building kung saan doon siya nito hihintayin. Nagkasundo sila ni Salvador na hindi na niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD