Gabi na nang makarating si Rachel bitbit-bitbit si Alek na lasing sa hotel na tinutuluyan nila. "Anong password mo?" tanong ni Rachel kay Alek ng nakatayo na sila sa harap ng kwarto nito. At dahil sa tanong nito ay napadilat ng kaunti si Alek at naaninag niya na tapat na pala sila nang kwarto niya. "14324," sagot niya nang marahan. Pinindot nga ni Rachel ang corresponding numbers at bumukas ang pinto, at pumasok sila sa loob hanggang sa makarating sila sa kwarto kung saan ay inilapag niya ito sa kama nang maayos. She also remove his shoes nang naupo bigla si Alek dahil naiinitan siya na ikinabigla naman niya(Rachel) kaya napatigil siya sa paggalaw at natuon ang atensyon niya rito. Wala naman alinlangan na naghubad si Alek at hinagis na lang ang suot na shirt kung saan, at saka sinalampa

