"Teka, kamusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sa katawan mo? Tell me at tatawag ako nang doctor or nurse," nag-aalalang wika ni Rachel ngayon na gising na ang matalik niyang kaibigan. "Si Alek...umalis...na...ba...siya?" hapong tanong ni Princess na may nararamdaman pa rin na panghihina sa katawan. "Oo, pinaalis ko na at...masyado na siyang maraming nalalaman," sagot ni Rachel na walang tinatago rito. Napangiti si Princess ng marinig niya ang kaibigan na ipinagtaka naman ni Rachel. "Ayos ka lang ba talaga, Gale?" nag-aalalang tanong ulit ni Rachel para lang makasigurado na nasa maayos na kalagayan ito. "Yes, I am fine. I am...just...amused kasi Alek was right," pagtatapat ni Princess na walang halong biro sa mukha niya at tanging matamis na mga ngiti. "He was right? Anong ibig

