bc

MY TDH BOSS (Tall, Dark & Handsome) -SPG-

book_age18+
109
FOLLOW
1K
READ
family
age gap
opposites attract
powerful
boss
heir/heiress
sweet
bxg
lighthearted
office/work place
like
intro-logo
Blurb

(ANAK NI WILZAN NG MY BOSSY BOSS)

Fresh graduate si Malliyah Velasco at ang first job niya ay sa Dela Vega Airlines. Natanggap siya bilang secretary ng lalaking ubod ng guwapo na pilot businessman na si Wayne Thomas Dela Vega. Ang lalaking matagal na niyang hinahangaan. Ang kanyang TDH, tall dark and handsome.

Ngunit paano kung masira ang matagal na niyang imagination tungkol sa lalaki dahil ubod ng sungit ito at lagi na lang galit. Ibang-iba sa imahe na binuo niya sa isipan niya noong college pa lang siya.Maliban kasi sa pagiging magaling na pilot businessman ay naging model rin ang lalaki kaya nagkalat ang mukha nito sa mga billboard kaya pantasya ito ng lahat. Mamahalin pa rin kaya niya ito o maghahanap na lang siya ng iba?

chap-preview
Free preview
C-1
MALLIYAH “Ang aga mo namang gumising, anak?” tanong sa akin ng mama ko dahil alas kuwatro pa lang ng umaga ay gising na ako. “Ngayon po ang unang araw ko sa trabaho kaya hindi po ako puwedeng ma-late, ma.” “Pero masyado namang maaga. Diba, alas otso pa ang pasok mo?” “Mas okay po na maaga para makapag-unat pa ako ng katawan ko. Mas mabuti rin po na mauna ako sa boss ko kaysa siya ang mauna sa aming dalawa,” natatawa pa na sabi ko sa nanay ko dahil nanibago siya sa akin. Hindi naman kasi ako ganito kahit pa noon na nag-aaral pa ako. Ngayon lang talaga na magtatrabaho na ako. Sino ba kasi ang hindi ma-eexcite kung finally makikita ko na ang long time crush ko. Kaya nga ako nag-aral ng mabuti at nilakasan ko ang loob ko na mag-apply sa company niya dahil gusto ko siya makita. Kahit na hindi na niya ako magustuhan ay sapat na sa akin na matupad ang isa sa mga bucket list ko. Tinapos ko na ang pag-inom ng gatas at nagpaalam na ako sa kanya na babalik na ako sa room ko. Sumabay sa akin ang mama ko dahil siya daw ang mag-aayos ng damit na susuotin ko. “Ang lamig!” sambit ko dahil ang tapang ko na maligo nang ganitong oras at sobrang lamig ng tubig. “Puwede naman kasi na mamaya ka pa maligo pero masyado kang excited!” narinig ko na sabi ni mama mula sa labas ng banyo ko. Hindi ko siya pinansin dahil mas lamang ang excitement sa nararamdaman ko ngayon. Sobrang excited kasi talaga ako at hindi ko alam kung saan ko ba ilalagay ang lahat ng excitement ko. Magiging okay lang ako kapag nakita ko na siya. Sana lang talaga ay wala akong gawin na nakakahiya sa sobrang excitement na nararamdaman ko ngayon. Hindi ang malamig na tubig ang makakapigil sa akin. Walang makakapigil sa akin na ma-excite ngayon. Nang matapos na akong maligo ay nag-ayos na ako ng sarili ko dahil kailangan na maging presentable ako. Light makeup lang naman ang alam ko kaya ito ang ginawa ko. Nakangiti pa ako na parang ewan sa salamin dahil natutuwa rin ako sa itsura ko. Hindi naman kasi ako ganito. Kahit noong nag-aaral ako ay liptint lang talaga ang nilalagay ko sa lips ko. Hindi ako mahilig maglagay ng kung ano-ano sa mukha ko. Makinis ang mukha ko at hindi ako nagkakaroon ng pimples. Kaya natatakot rin ako na sumubok ng mga skincare products na hindi ko naman alam kung hihiyang ba ako. After ko mag-ayos ay lumabas na ako at saktong 6:30 na rin kaya kumain na muna ako. Si mama naman ay pinagbalot ako ng lunch ko para hindi na daw ako bumili pa. Ang papa ko naman ay nasa barko dahil isa siyang seaman kaya kahit papaano ay hindi naman mahirap ang buhay namin. May isa akong kapatid na nagtatrabaho na rin at ako ang bunso. Masarap magluto ang mama ko dahil buong buhay niya ay naging housewife siya. Kaya mahal na mahal namin siya ng ate ko dahil sobrang maalaga siya sa amin. Iba magmahal ang mama namin dahil sobrang supportive niya sa mga gusto ko. “Alis na po ako, ma.” “Gusto mo ba na ihatid na kita?” tanong niya sa akin at napangiti naman ako sa narinig ko mula sa kanya. “Ma, trabaho na po ang pupuntahan ko. Hindi na po sa school,” sabi ko sa kanya. “Trabaho man o school ay pareho lang ‘yon sa akin.” “Marie, malaki na ang anak mo. Kaya na niya ang sarili niya,” sabi naman ng lola ko sa mama ko. “Pero, ma–” “Kaya na ‘yan ng anak mo,” sabi ni lola kay mama. “Mama, kaya ko na po ito. Don’t worry dahil big girl na po ako,” malambing na sabi ko sa kanya. “Okay, ingat ka at mag-enjoy sa una mong trabaho,” sabi niya sa akin kaya naman hinalikan ko siya sa pisngi. “I will, mama.” Hinatid niya ako sa labas ng bahay namin at naglakad naman ako palabas sa village namin. Gusto ko kasi magcommute. Gusto kong subukan ang mga hindi ko ginagawa noon. Kung puwede nga lang na bumukod ay ginawa ko na pero alam ko naman na malulungkot ang mama ko kapag ginawa ko ‘yon. Lalo na ngayon na malalaki na kami. Pero gusto ko rin kasi talaga na maging independent woman kaya ako magtatrabaho at mag-iipon para makabilis ako ng condo ko. Isa ‘yon sa mga bucket list ko na makabili at ako na ang magbabayad ng mga bills ko. Sa ngayon ay magtatrabaho na muna ako. May dadaan na jeep kaya pinara ko ito para makasakay ako. Malapit na rin kasing magseven o’clock at ayaw ko naman na ma-late ako dahil nasa thirty minutes rin ang biyahe mula dito papunta sa Dela Vega airlines. Yes, sa airlines ako nagtatrabaho bilang bagong secretary ng pilot businessman na si Wayne Thomas Dela Vega ang aking ultimate crush since college ako. At talaga naman na dream come true ito para sa akin. Mabuti na lang at hindi sobrang traffic ngayon kaya 7:30 nakarating na ako sa tapat ng Dela Vega building. Pinakita ko ang ID ko kaya pinapasok ako ng guard dito. Pumunta muna ako sa information area para kunin ang company ID ko. Para makapasok ako sa loob dahil kailangan ko pa itong i-tap para makapasok ako sa mismong loob. Ang laki at ang glamorous ng company na ito. Halatang pinaglalaan talaga ng pera ang lahat. “Thank you,” nakangiti na sabi ko nang makuha ko na ang ID ko. Ngumiti lang sa akin ang babae. Pumasok na ako sa loob at ang sarap sa pakiramdam na finally dito na talaga ako. Nakita ko na pumasok ang ibang employee sa isang elevator pero hindi ko na sila naabutan pa. Kaya naman mabilis kong pinigil ang papasara na elevator at pumasok na ako. “Good morning po, sorry po. Makikisabay lang po ako,” sabi ko sa kanya pero hindi man lang siya nagsalita. “Ganito ba talaga ang mga tao dito? Walang imik–” “What did you say?” nanlaki ang mga mata ko dahil naisatinig ko pala ang nasa isipan ko lang sana. “Narinig mo po ang sinabi ko?” tanong ko sa kanya at nilingon ko siya pero bigla na lang…..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.9M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
726.9K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.6M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
962.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
348.9K
bc

Not just, the Beta

read
343.6K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook