YUGTO 45

1422 Words
Sa pagpapaulan nila ng mga bala ay iilang mga aswang din Ang namatay kaya mas lalong nanggagalaiti sa Galit Ang lahat ng aswang! At namangha Sina Alexander,Gandara at Ang lahat ng mga kasamahan sa gulat nang makitang gumapang Ang mga ASWANG! Upang mahihirapan nila itong matamaan sa mga bala nila! "Ay Ano Yan! Gumapang Silang lahat!" Gulat na sambit ni Anastasia. "Banat ulit sa pagtira..!!" Sigaw ni Alexander. Kaya muling sabay na pinaulanan nila ng mga bala Ang mga ASWANG,subalit di Ang mga ito natatamaan Dahil sa ginawang paggapang ng mga ito! At Ang lahat ng mga aswang ay malapit na sa kanilang kinaroroonan! at tiyak na wala silang laban dahil sa Dami ng mga ito! Kahit sabihing gumapang lamang Ang mga ASWANG ay mabilis parin Ang mga kilos ng mga ito sa pag gapang kaya nagpasya sina gandara na tatakbo na lamang Silang lahat! "Tumakbo tayong lahat! May mga masasawi man sa mga aswang kung makikipaglaban Tayo,pero Hindi natin Sila mauubos agad,at tiyak na tatalunin at mabibiktima nila tayong lahat!!" Wika ni gandara. "Oh Sige..!! Takbo na!!" Tugon Naman ni Mang Pedong. "Ding,Ging!! Sumunod kayo sa Likud ko!" Ani gandara. "Opo ate!" Sagot ng kambal. Mabilis Silang tumakbong lahat. nang Makita ng mga aswang na tumakbo Sila ay nagsipagtayuan Ang mga ito at hinahabol sina Gandara. "Kapag umaksyong tumira Sila sa pagbaril sa atin ay alerto kaagad tayong lahat sa pagdapa!!"Anang Isang aswang. "Oo,Yan Ang gagawin natin!! Huwag nating hayaang makatakas Sila sa PARAISO natin! Masyado nang Marami silang pinat*y sa mga kasamahan natin! Kaya Kailangang walang matitirang Buhay sa kanilang lahat! Pati na Ang kambal!hehehehe!!" Anang Aswang na babae. May mga aswang na nauna sa pagtakbo at nasa hulihan Ang Maraming aswang na nakasunod.humihingal na silang lahat Lalo na Mang Fernando.isa-isa pang tumira ulit sina Alexander,mang Lauro,Mang Fernando,kaloy at Mang Pedong sa mga aswang kapag makakalingon Sila sa mga ito,binabaril nila ito habang nakatakbo palayo sa mga ito ngunit wais din Ang mga ASWANG dahil bigla ding dadapa Ang mga ito upang di matamaan! Nahahapo na rin sa pagod Sina ding at Ging ngunit tinitiis lang ng mga ito. "Bilisan niyo..!! Malapit na sila!!"Sigaw ni kaloy. "Malayo pa ba Tayo ate gandara!??" Humihingal na tanong ni Ding at Ging. "Medyo malayo pa Ang Bahay Nina Mang Ronny!! Kaya tiis lang at pagsisikap upang makalayo Tayo sa mga aswang na Yan!!" Sagot ni Gandara. "Mapapagod din po Sila ate dahil Hindi pa gumabi ,may Araw pa! Ang peligro ay sa Gabi dahil mabilis Silang kumilos at nakalutang lang sa hangin at di Sila napapagod sa Gabi!!"" Tugon ni Ging. Dahil Hindi sanay si Mang Fernando ay bigla itong tumigil sa pagtakbo dahil na din sa sobrang pagod nito.kaya naabutan ito ng tatlong aswang na nauna sa pagtakbo sa ibang mga aswang! At agad na Sinunggaban ito ng tatlong aswang dahilan ng patihayang pagtumba ni Mang Fernando sa lupa! "Gandara..!! Ang tatay niyo!" Sigaw ni Alexander. Malapit lang si Mang Lauro Kay Mang Fernando,kaya nang Makita niya nang siya'y na palingun na pagtulongan na sanang sakaling ng tatlong aswang si Fernando ay mabilis niyang binaril Ang dalawang aswang at Ang Isang aswang naman ay na tadyakan ni Mang Fernando at agad ding binaril kaya sabay na bumagsak Ang tatlong aswang sa lupa nang matamaan Ang mga ito sa baril Nina Mang Lauro at Mang Fernando.madali namang tinulongan ni Mang Lauro Ang daddy ni gandara upang makatayo ka agad dahil malapit na Ang maraming mga aswang na nakasunod! "Salamat..Sa'yo..Lauro.." Pagpapasalamat pa ni Mang Fernando sa daddy ni Alexander. Kahit sa laki ng kasalanan nila ni Sandra dito ay walang pag-alinlangang tinulongan parin Siya nito ngayon! Tulongan sana ni gandara Ang ama ngunit naunahan na siya sa daddy ni alexander.kaya tuloy- tuloy na Ang pagtakbo nilang lahat! "Ate gandara! Siya ba Yung ama natin!?" Tanong nina Ging at Ding na halos Mauna na sa kanya sa mabilis na pagtakbo ng mga ito. "Oo!! Siya.siya Ang taong inabandona at pinabayaan tayo,mga dalawang taon palang kayo noon Ding,Ging! Siya Ang dahilan kung bakit nakarating kayo sa kamay ng mga aswang ! Siya Ang dahilan kung bakit maagang nawala Ang ating Ina!" Humihingal na Sagot ni Gandara habang patuloy sila sa pagtatakbo. Sumenyas si Alexander sa lahat na muli nilang sabayan pagtira Ang mga aswang dahil kapwa nakatayo na Ang mga ito habang patuloy parin silang hinahabol! Bigla nga nila itong binanatan ulit sa pagbabaril, nakita nilang agad na dumapa Ang mga aswang pero may mga naabutan talaga sa mga bala ng kanilang mga armas at bumagsak sa lupa! Natigil Ang paghahabol ng mga aswang dahil kapwa napapagod na Ang mga ito at may mga natatamaan pa sa kanilang kasamahan at may mga iilang namamat*y. "Tumigil kayong lahat!! Babawi Tayo mamayang Gabi!! Humanda Sila ngayong lahat! Tayo Naman Ang sasalakay sa mga dayong iyan!! At uubusin natin Silang lahat .!!hahaha." Sigaw ng Isang matandang aswang na hapong- hapo sa kanilang kakahabol. "Baka makatakas at makakalayo pa Sila sa Lugar natin!" Sagot ng Isang aswang. "Huwag kayong mag- alala,Hindi na Sila Basta Basta makakalayo dahil kanina pa sina wenona,lolita,Landa,at Lolo Waldo nakaalis! Sila MISMO ang sumugod sa Bahay ngayon kung saan naroon Ang mga kasamahan nina Gandara! Pagkatapos nilang mabiktima Ang mga kasamahan nina Gandara ay bubutasin nila Ang gulong ng multicab na sasakyan ni Lauro upang Wala silang masakyan paalis! At Sa layo ng lalakbayin nila pa syudad ay Hindi Silang lahat agad makakalayo at di sila makakarating na Buhay sa kanilang patutunguhan!! Malapit na Ang alas singko ng hapon! Ilang sandali nalang at gagabi na!hahaha!" Sigaw at halakhak ng Isang aswang. "Mabuti Naman kung ganoon!! Marami na sa atin Ang namat*y Mula pa sa hide out natin!! Kaya dapat lang na di Sila lahat makakaalis na Buhay sa Magandang PARAISO natin,hahaha!! " Sabad ng Isang aswang at humahalakhak na rin. Laking pasalamat Naman Nina Gandara na tinantanan Sila sa paghabol ng mga ASWANG pero kinutuban Sila at di mawari kung bakit.saglit Muna Silang nagpahinga lahat dahil sa sobrang pagod nila. "Mga anak..Ako ang tatay niyo.." lumuluhang pagpapakilala ni Mang Fernando sa kambal niyang anak. Noong umalis Siya ay Wala pang dalawang taon Ang kambal.nagkatinginan sina Gandara at Ang kambal.nakikinig lang Ang lahat sa kanilang pag- uusap. "A- alam na po namin.." tanging Sagot ng kambal na tumitig lang sa kanilang ama. "Kung maibabalik ko lang Ang lahat,Hinding Hindi ko kayo iiwan ulit.." patuloy na wika ni Mang Fernando. "Huwag kayong lumapit sa kanya Ding,Ging..oo ama natin Siya pero Hindi Naman Siya nagpapaka ama sa atin.." Matigas Ang pusong wika ni gandara. "Patawarin niyo Ako mga anak.at patawarin mo rin ako Alexander,kinuhaan kita ng Ina noong panahong maliit kapa at nangangailangan pa ng Inang mag- aalaga Sayo..at Lalo na Sayo Lauro..hiyang hiya Ako ngayon,grabe Ang Tadhana ,Hindi ko akalaing magkikita kita tayong lahat ngayon sa Isang peligrong Lugar ng mga aswang.." Ani Mang Fernando. "Magsisi man kayo ni Mommy Sandra pero huli na po,.sana kunti lang ang mga tao sa mundong katulad niyong pamilyado na tatalikuran lang Ang obligasyon sa pamilya dahil lamang sa mga Kabit..kawawa po Kasi ang mga naapektuhang mga anak.." Sagot Naman ni alexander.at si Mang Lauro Naman ay mas piniling Manahimik nalang ito.at Hindi nagko-comment. Samantalang sa Bahay Naman nina Mang Ronny ay sinalakay din Nina Wenona doon Ang mga naiiwan.Hindi alam Nina Gandara na sa pagsalakay nila sa mga aswang upang kunin sina Ding at Ging ay nagkakaisa din Sina Landa,Lolo Waldo at aling lolita sa pag- alis.nasalubong nila si wenona na pauwi na sana kaya dinala nalang nila ito para susugod sa Bahay ng Tito ni Anastasia.alam nila Ang short cut na daan upang madali Silang makarating sa Bahay ni Mang Ronny.ang sadya nila ay Patay*n Ang mga naiiwan doon at sisirain Ang sasakyan ni Mang Lauro upang di Sila makaalis ng Basta- Basta. Sina Sandra,Beah,aling bebang,Tala,Mang Ronny at si pepoy lamang Ang naiiwan roon.kaya natataranta Ang mga naiiwan nang biglang dumating sina Lolita. "Mga Aswang Sila.." Wika ni aling bebang kina sandra ,Beah at Mang Ronny. "Ano!? Bakit nandito Sila!?" Galit na tanong ni Mang Ronny dahil kagabi pa nga lang nabiktima Ang kanyang Asawa at heto ay bumalik na Ang mga aswang kahit may Araw pa at Hindi pa gumabi. "A-Anong kailangan nila s-sa atin..?" Nauutal na wika ni aling Sandra. Nagsiiksikan Naman sina Beah,pepoy at si Tala dahil sa sobrang takot na Naman. "A- anong gagawin natin?? Wala tayong kalaban laban sa kanila,Wala pa sina Alexander at gandara .." namumutlang wika ni aling bebang. Nasira pa Naman Ang pinto at di pa ito muling naiayos.." Ani Mang Ronny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD