Tumakbo si aling bebang sa kusina at kinuha ang mga kotselyo roon.at kinuha din ni Mang Ronny Ang isang itak.kahit kapwa Sila nanginginig ay Hindi Sila nagpapadala sa takot,Sila lang Ang pag- asa sa mga batang Kasama nilang nagsiksikan dahil sa takot upang Hindi Ang mga ito mabiktima sa mga aswang.ibinigay Naman ni aling bebang Kay aling Sandra Ang Isang kotselyo at sina Beah,Tala at pepoy ay inabutan din ni aling bebang ng kotselyo,kapag sakaling nasa kagipitan na ay may isaksak Ang mga ito sa mga aswang na dumating ngayon.nagtago Silang lahat at tahimik Ang buong paligid ng Bahay. nang biglang pumasok sina Lolo Waldo,wenona,lolita at si Landa sa loob ng Bahay ni Mang Ronny.nakabukas lang Kasi Ang pintuan.palinga- linga sa buong kabahayan sina aling lolita nang walang tao roon sa loob.galing Sila kagabi sa Bahay na ito at Sila Ang sumira sa pintuan ng Bahay na ito at Ang kanilang mga kasamahang aswang kagabi Ang pumasok sa loob at Sila ay nasa labas lang nagmamando sa mga kasamahang aswang. Wala pa silang kakayahang maging malakas bilang mga aswang pwera nalang sa Isang aswang na may personal na kapangyarihan upang magpalit ng ibang anyo.iilan lang sa kanila Ang mayroong ganoon.kaya nagdala nalang Sila ng mga matatalim ding kotselyo upang ikatay sa mga naiiwan ngayon dito.
Si Lolo Waldo Naman ay lagari Ang dala nito upang lalagariin nila Ang leeg ng mga naiiwan sa Bahay ni Mang Ronny at kanilang ilagay sa malaking container na dala Ang mga dugo ng mga ito.at kapag gumabi na at susumpongin na Sila sa kanilang pagka aswang at pagka uhaw sa dugo ay Saka nila iinumin ang mga dugo at lalantakan Ang mga lamang loob ng mga papat*yin nila ngayon.
"Tao po..!saan na kayong mga naiiwan dito..??hahaha.." Ani aling lolita na patuloy na nagpalingalinga sa buong kabahayan.
Ang di alam nina aling lolita ay nasa ilalim ng kusina Ang lahat kung saan Ang mga panggatong nilalagay.hindi Kasi halata roon dahil may nakatabong makapal na Kurtinang kulay dark blue.malapad roon sa ilalim ng kusina kaya kasya Silang lahat na nagsisiksikan doon.balak Nina aling bebang at Mang Ronny na kung sakaling hawiin Isa sa mga ASWANG Ang kurtina sa ilalim ng kusinang pinaglalagyan nila ay sabay sabay nila itong saksakin at tatagain sa mga hawak nilang kotselyo at itak ngayon.
"Halughugin natin Ang buong Bahay..haha!" Ang wika pa ni Lolo Waldo.
"Kailangang magmadali Tayo baka maabutan Tayo Nina Gandara.."Sabi pa ni wenona.
"Sa kuwarto,puntahan natin.." sabad Naman ni Landa.
Pinuntahan Naman nila Ang buong kuwarto ngunit tanging bangkay ni aling Marga Ang naroon.
"Pwede pang maluto at gawing Karne Ang bangkay na ito.." wika pa ni aling lolita.
"Pero mahirapan pa Tayo kung dadalhin natin Ang bangkay na Yan Diba nagmamadali Tayo??" Sabi ni Landa.
"Oo nga.lumabas na Tayo dito,Wala Sila dito sa kuwarto Silipin natin sa kusina.." Ani Landa.
At nagmamadali silang lumabas.
"Magpakita na kayo! Alam naming nasa paligid lang kayo..hahahaha.!!" Halakhak na wika ni aling lolita na dinig na dinig Nina aling bebang sa ilalim ng kusina.
Pinagpawisan na Sila kapwa sa ilalim ng kusina pati na Ang mga Bata.
"N- nay.." nanginig na mahinang sambit ni pepoy.
"Ssshhh..huwag maingay..jusko baka marinig nila Tayo.." bulong ni aling bebang sa anak.
"Hoy!! Mga minamahal ,magpapakita na Kayo kung saan kayo ngayon nagtatago..!! Naiinip na kami!!" Galit na sigaw ni Lolo Waldo habang bitbit ang lagari.
"Matalas itong lagari ko at madali lang nitong mapuputol Ang leeg niyo kung lalagariin ko na.." nakangising dagdag pa ni Lolo Waldo.
"Nay! Tita Landa! Diyan sa ilalim ng kusina baka nandiyan Sila!" Ani wenona.napapansin nito ang ilalim ng kusina.
"Tama!" Namilog ang mga matang sambit ni aling lolita at ni Landa.
Mas Lalong pinanginginigan sina aling Sandra,Mang Ronny,aling bebang at ang kanilang mga anak sa takot dahil sa narinig.
"Ihanda niyo ang mga sarili,,sabay natin Silang saksakin paghawi nila sa kurtina sa ating kinalalagyan.." mahinang wika ni Mang Ronny.
Namumutla at pinagpapawisan Ang mga noong tumango lang sina aling Sandra ,aling bebang,Beah at tala.maliban Kay pepoy na humihikbi na Naman.
Tumigil na Ang mga yapak ng mga aswang sa harap ng kurtina ng ilalim ng kusina at pigil hininga na silang lahat at nakahanda.
Hinawi ng malakas ni aling lolita,Landa at Lolo Waldo Ang nasabing kurtina sa ilalim ng kusina..at alertong sinaksak kaagad Nina aling Sandra,aling bebang,Tala at Beah Ang mga ito sa hawak nilang mga kotselyo at si Mang Ronny ay tinaga si Lolo Waldo.
"Aaaaaggghhh!!!" Nabiglang Sambit Nina aling lolita at Landa sa sakit nang matamaan Sila sa kotselyo Nina aling bebang,Hindi Sila nakapaghanda na ganoon Ang balak na pag- atake nina aling bebang..At si Lolo Waldo ay nadaplisan din ito sa kanang dibdib sa pagtaga ni Mang Ronny.
Mabilis namang lumabas Silang lahat sa ilalim ng kusinang kinatataguan nang mapa atras sina Lolo Waldo,aling lolita ay Landa. Sabay namang Sumugod Ang mga aswang sa pagsaksak sana sa kanila Kasama na si wenona ngunit mabilis ang mga kilos Nina aling bebang na nagsipagtakbuhan pa labas ng Bahay!
"Bilisan natin!! Lumabas Tayo rito sa Bahay!! Sa kotse Tayo papasok!! At I locked natin agad!!" Ani Sandra.
Hinila Naman ni aling bebang si pepoy at sina Tala at Beah ay makisabay na sa pagtakbo kina aling bebang,Mang Ronny at aling Sandra palabas ng Bahay!
"Hindi kayo makakatakas!! Hindi..!!" Galit na sigaw nina aling lolita na nakasunod sa kanila.
Pagdating nila sa kotse ni Mang Fernando ay madaling nabuksan iyon ni aling Sandra habang nakasunod na sina aling lolita! Pumasok kaagad silang lahat ngunit naabutan Ang Isang paa ni Mang Ronny ni Lolo Waldo! Nahuli kasi pagpasok si Mang Ronny,sinisiguro niya Ang mga babaeng kasamahan na makakapanhik sa loob ng kotse! Pinagtulongang hilahin Nina aling Lolita,Landa,wenona at Lolo Waldo Ang Isang paa ni Mang Ronny!
"Hahahaha!!" Halakhak Nina aling lolita habang hila nila Ang paa ni Mang Ronny.
Pinagtutulongan namang hawakan Nina aling bebang,aling Sandra,Beah,Tala at pepoy si Mang Ronny! At sabay pagpipigil din nila sa pintuan ng kotse upang di mabuksan ng mga aswang Hindi pa Kasi nila ma locked dahil nakaharang pa Ang Isang paa ni Mang Ronny na pinagtutulongang hilahin ng mga aswang.
Todo pwersa din si Mang Ronny upang makawala Ang paa niyang hinawakan at hinila ng mga aswang na sina aling lolita.nakawala nga Ang Isang paa ni Mang Ronny kaya pinagtulongang ni locked nila Ang pintuan ng kotse!
Nagtagumpay Naman Silang ma locked ito kahit pinagtutulongan ding itulak ito Nina aling lolita upang mabuksan upang di Nila tuloyang ma Locked ang pintuan ng kotse! Kapwa sila hinihingal nang ma I locked na nila Ang pinto nito.natuwa na sana Sila ngunit kapwa nanlaki Ang mga mata nina aling bebang nang wasakin Ni Lolo Waldo ang bintana ng kotse! At sina aling lolita naman ay binutas Ang mga gulong gamit Ang mga dalang kotselyo! Pati na Ang multicab ni Mang Lauro ay binutas na rin nila Ang gulong nito kanina pa sa Hindi pa Sila nakapasok sa Bahay!
"Jusko!! Winasak nila Ang bintana ng kotse!" Nagpanic na sambit ni Aling Sandra.
"Nay!!! Ayoko na po.." iyak ni pepoy.
Patuloy na winasak Nina Lolo Waldo,aling lolita,Landa at wenona Ang bintana ng kotse kaya lumaki na Ang butas nito! Papasukin na sana ni Lolo Waldo Ang loob ng kotse kung saan naroon sina aling bebang ngunit dumating sina Gandara at sunod sunod na putok ng mga baril at pinaulanan Sina wenona ng mga bala! Natamaan si Lolo Waldo at bumagsak sa lupa! Sina Wenona Naman,Landa,at aling lolita ay nakatakbo sa malapit na kakahuyan! May mga Tama din sa mga bala Ang mga ito! Sa braso Kay Landa,sa paa Naman Kay aling lolita at Kay wenona Naman ay sa balikat!
"Salamat at dumating kayo Gandara!!" Umiiyak na Sabi ni aling bebang.
"Sinira nila Ang mga sasakyan natin!! Kaya Wala tayong masasakyan paalis!" Nanlaki Ang mga matang wika ni Mang Lauro.
"Wala tayong magagawa kundi maglakad nalang paalis sa Lugar na ito! At aalis na agad Tayong lahat ngayon dito! Dahil malapit na Ang Gabi,lulusubin Tayo ngayon sa maraming aswang dito,kaya huwag na Tayong magsayang ng Oras,iiwan nalang natin Ang mga damit natin at tanging Pera na lamang natin Ang dadalhin paalis dito sa baryo manara!!" Wika ni gandara sa lahat.
"Oh Sige!" Sang ayon Naman ng lahat.
Samantalang sina aling lolita.
"Dito lang Tayo sa kakahuyan!! Malapit na Ang Gabi! Hindi Tayo aalis kung Hindi natin Sila mapapat*y lahat!! Wala na Ang Lolo Waldo mo wenona kaya pagbabayaran nilang lahat ito!!" Galit na Wika ni aling lolita.