"Oo nga Gandara,niloko na kami dito! " Agree nina Anastasia at aling Marga na asawa ni Mang Ronny.
"Ate gandara..!! Kuya Alexander!! Kuya kaloy!! Tulongan niyo po kami!! Papasukin niyo po kami habang Wala pa Ang mga ASWANG na naghahabol sa amin!! Maniwala po kayo sa amin! Si Ding at Ging ito!!" Muling sigaw at parang nababahala Ang mga boses ng mga ito dahil sa takot.
"Jusko!!!" Sambit ni gandara na parang nag-aalinlangan,Hindi Kasi umiinit Ang leeg niya kung saan naroon Ang kuwentas.
"Gandara,Ang kuwentas mo,umiinit ba Ang iyong kuwentas!?" Tanong na talaga ni Alexander.
"Hindi umiinit! Ibig Sabihin sina ding talaga Yan! Ang kambal!" Sagot ni Gandara.
"Ano pang hinihintay mo,buksan mo ang mga kapatid mo gandara!" Wika ni Mang Pedong at kaloy.
"S- Sige!!" Tugon ni Gandara at tutungo na sana sa pintuan nang Magalit si Mang Ronny.
"Mapapahamak tayong lahat pag gagawin mo Yan!! Mga Aswang iyan gandara! Kaya huwag mong buksan!" Ani Mang Ronny.
"Pero Pareng Ronny,Hindi umiinit Ang kuwentas niya kaya Hindi mga aswang Ang nasa labas!" Sabad ni Mang Lauro.
"Bubuksan ko na kayo Ding! Ging!" Ani gandara sa mga kapatid.
At nagtatakbong tinungo ni gandara Ang pintuan ngunit natigilan Siya nang biglang makapa Ang kanyang leeg na Wala Naman pala ang kuwentas niya roon!
"Ate!! Maawa ka!! Dalian mo!! Buksan mo kami!!" Patuloy na katok Nina Ging at Ding sa pintuan.napansin ng lahat na natigilan si Gandara.
"Bakit Gandara!?" Tanong ni Alexander.
"Wala sa aKing leeg Ang aKing kuwentas!! Nakalimutan ko,nasa bag Pala ito! Hindi ko muling naisuot,inayos ko Kasi iyon kanina! Naputol Kasi yun doon sa hide out at itinali ko nalang sa bisig ko pauwi natin!! Nasa bag ko Pala ang kuwentas!" Nanlaki Ang mga matang tugon ni gandara.
"Ano!?" Sabay tugon na sambit ng lahat.
Buti nalang at di agad niya nabuksan.pero paano kapag sina Ding talaga Ang nasa labas??
"Papasukin Tayo ng mga aswang kapag bubuksan mo Yan gandara! Talagang Hindi iyan ang mga kapatid mo!!" Muling Saad ni aling Marga.
Mabilis namang kinuha ng dalagitang si Tala Ang kuwentas ni gandara sa bag nito at tumakbong Ibinigay Kay gandara.kumabog ng malakas Ang dibdib ni Gandara nang nahawakan Ang umiinit na kuwentas!! At namumutlang umatras.
"Ano Gandara!?" Sabay untag ng lahat.
"T- totoong Hindi sina ding Ang nasa labas!! Mga Aswang Ang kumatok!! Tama po kayo Mang Ronny, Anastasia at aling Marga!! Mga Aswang Ang nasa labas!!" Ani gandara.
"Ano!!?" Gulat na tugon ng lahat.
"Hehehehehe!!!" Hagikhik ng mga aswang sa labas at sabay na pinagtutulongang bundulin At itulak ang pintuan ng Bahay Nina Mang Ronny.
"Jusko! Inatake Tayo at unang sinalakay ng mga-aswang!!" Kinabahang bulalas ni Mang Lauro.
At muling nanginginig sa takot nanaman sina Beah,Tala,at pepoy.pati na sina aling bebang at aling marga.hindi lang Ang pintuan Ang pinagtutulongang bundulin at itinutulak ng mga aswang,pati na rin ang mga bintana ng Bahay.
"Anong gagawin natin gandara!!?" Tanong nina kaloy at alexander.
"Panginoon ko tulongan mo kami!! Tingnan niyong lahat malapit nang masira Ang pintuan! Ang Dami nilang bumundol at tumulak sa pinto sa labas!!" Nasisindak na sigaw ni aling Marga.
"Wala tayong choice,kundi ang muling makikipagsapalaran sa pakikipaglaban sa kanila!!" Ani gandara.
Mabilis na pinaghahanda nila Ang kanilang mga sandata.pati Ang mga babae ay may hawak hawak na mga kotselyo na panghiwa.upang depensahan lamang Ang kanilang mga sarili sa mga sandaling iyon.niyakap ni aling bebang Ang mga anak na sina Tala at pepoy pati na rin si Beah.
Sunod sunod na kalabog ng pintuan Ang kanilang naririnig na tila ba pinagtutulongang tadyakan ito ng mga aswang.at dahil sa sobrang takot ni aling Marga ay tumakbo ito papasok sa loob ng kuwarto! Ngunit pagpasok ni aling Marga sa loob ng kanilang kuwarto ay Saka Naman biglang bumukas Ang bintana roon! na kanina pa palang pinagtutulongang itulak ng mga aswang .
"Ahhh....!!!" Sigaw ni aling Marga nang tumambad sa kanya Ang mga naglalaway na aswang sa bintana!
Lalabas sanang muli si aling Marga ngunit mabilis ang apat na aswang na tumalon mula sa bintana at niluksuhan si aling Marga ng mga ito.
"Tulong!!! Ronny!!! Gandara .!! Pareng Lauro!!" Sunod sunod na pagsigaw ni aling Marga.
Ngunit sinunggaban na ito ng mga aswang at pinagtutulongang kagatin Ang leeg,Puson,at dibdib ni aling marga sabay na nilantakan ng mga ito Ang mga lamang loob nito!!
Sumugod sa loob ng kuwarto sina Gandara, Alexander,Mang Lauro at Mang Ronny habang naiwan sa Salas sina kaloy Mang Pedong,Mang lauro at Ang mga babae.
Nagulat sina Gandara sa nakitang Patay na si aling Marga at nilalantakan ng apat na aswang na nakapasok sa loob ng kuwarto Mula sa nabuksan na bintana!
"Marga....!!!" Umiiyak na sigaw ni Mang Ronny.
Sabay na binaril Nina Alexander at Mang Lauro Ang apat na aswang habang takaw na takaw Ang mga itong pinagtutulongang kainin si aling marga.napatakip lamang si gandara sa kanyang bibig habang nanlaki Ang mga mata sa kanilang nakita at sa pagbagsak ng apat na aswang na tinamaan sa pagbaril Nina Alexander!
Ngunit muli Naman Silang lumabas nang marinig na nagsisigawan sa labas ng Salas Ang mga kasamahan.
Paglabas nila ay nabuksan na Pala ng mga-aswang Ang pintuan at pumasok sa loob Ang Maraming aswang! Gamit Ang kanilang mga Sandatang hinanda ay isa Isang nakikipaglaban Ang lahat sa mga aswang maliban kina aling bebang na sumiksik sa tabi at niyakap Sina Tala,Pepoy at si Beah na kapwa nangangatog at nanlalamig sa sobrang takot ng mga ito. Ang ginawa Naman Nina Alexander at mang Lauro ay sunod na sunod pinagbabaril Ang bawat mga aswang na pumasok sa pintuan!! Kaya Maraming aswang Ang natumba at bumagsak sa sahig malapit sa pintuan!! Ang tatlong aswang Naman na kasali sa mga aswang na nakikipaglaban kina Gandara ay nasulyapan ng mga ito sina aling bebang sa tabi kaya mabilis na lumapit Ang tatlong aswang at pinaghahablot ng sabay ng mga ito sina pepoy,Tala at si Beah!!
"Ahhhh....!" Tili Nina Beah,tala,pepoy at aling bebang.
Madali Namang lumapit sina kaloy at Mang Pedong at pinagsasaksak at pinagtataga Ang tatlong aswang na sumunggab kina aling bebang at sa mga Bata habang sina Gandara ,Mang Ronny at Anastasia Naman ay patuloy din sa pakikipaglaban sa mga aswang gamit Ang kanilang mga armas na dala,parehong mga itak Ang bitbit ng mga ito at ilang aswang na rin Ang kanilang napatumba!
Umalulong Ang Isang aswang na may malaking sugat sa Binti at sabay senyas na aatras Silang mga natirang Buhay! Wala silang kalaban- laban sa mga Sandatang hinanda Nina Gandara Lalo na sa mga baril Nina Alexander at mang Lauro! At parang bihasa na din sa pakikipaglaban sina gandara, Anastasia,kaloy,Mang Pedong sa pakikipaglaban gamit Ang espada at itak kaya parang sa Isang kisap mata lamang ay nawala Ang mga aswang! At Kay bilis ng mga itong nakalabas ng pintuan kahit Ang iba sa kanila' y may mga malulubhang sugat dahil sa Tinamaan ng mga baril at tinamaan ng mga Itak at Espada!!
Onseng aswang Ang naiiwan sa loob ng Bahay at Wala ng Buhay Ang mga ito! Humagulhol ng iyak sina Mang Ronny at Anastasia nang kapwa nila yakapin si aling Marga na Wala ng Buhay at Wala ng mga lamang loob! Habang sina Alexander,kaloy,Mang Pedong,Mang lauro at Gandara ay nagtutulongang hilahin Ang mga Patay na aswang sa labas ng Bahay!
"Magbabayad Ang mga ASWANG...!!!" Sigaw ni Anastasia at Mang Ronny.