YUGTO 41

1414 Words
Parang nasanay na sina Alexander,gandara at kaloy sa pakikipaglaban sa mga aswang kaya nang Makita ni wenona na limang aswang na Ang sugatan sa kanila kabilang Ang kanyang inang si aling lolita at tatlo nalang silang Hindi nasusugatan kaya umatras na silang mga aswang total nadala na ng kasamahan Ang kambal na si Ding at Ging.tawagin nila ang kanilang Marami pang kasamahan upang balikan sina Gandara. "Hindi pa kami tapos Sayo gandara!! Hindi kami titigil hangga't Hindi kayo mamamat*y ni Alexander...!! At pati na Ang lahat na mga kasamahan niyo!" Galit na sigaw ni wenona habang nag- anyong aswang ito! Biglang nawala Ang mga ASWANG na kasamahan ni wenona at pati na si aling lolita kung saan ito nakAhandusay at nagpipigil sa sugat nito dulot sa pagsaksak ni Alexander rito.at noon nila napansin ni gandara na pa didilim na Pala ang paligid! At umiiyak Siya ng Todo nang maalala Ang pagkuha ng kanyang Kapatid na kambal. "Ibalik niyo Ang mga Kapatid ko!!" Umiiyak na sigaw ni Gandara. "Gandara,kailangang umuwi na Tayo ..mas peligro Tayo habang gumagabi baka babalikan Tayo dito sa maraming kasamahan nina wenona.." Ani Alexander rito. "Huwag kang mag- alala sa kambal ,siguro Hindi Naman nila Basta Basta makakatay Ang mga ito dahil Sila Ang nagpapalaki sa mga kapatid mo..magdasal lang Tayo Gandara.." wika ni kaloy. Malungkot na umuwi sina Gandara.lumapit at naniniwala na sana sa kanya at kinilala na Siya sa kambal niyang kapatid pero kinuha din agad ito ng mga aswang na nagpapalaki sa mga ito. Samantalang Ang mga aswang na pamilya ni aling lolita ay nagkaisa sa Bahay ng kanilang matandang amang si Lolo Waldo.Kinulong nila sina Ding at Ging at nag- iingay na kumakatok sa pinto Ang kambal at nagmamakaawang palabasin Ang mga ito at palalayain nalang. "Hayop talaga Ang Gandara na Yan! Kung Hindi Siya dumating dito ay Hindi sana pumalpak Ang party natin sa kabilogan ng buwan ! At ngayon ay sina Ging at Ding na Naman Ang kanyang Kukunin sa atin!? Ilang taon nating pinalaki Ang kambal na Yan para lang ito Ang babangon sa lahi natin sa huli! Pero heto,binubulabog Tayo ng gandara na Yan at ng kanyang kasamahan!!" Galit na wika ni aling lolita habang ginamot Ang kanyang sugat dahil sa pagsaksak sa kanya ni Alexander. "Malaki na talaga ang atraso sa atin ng mga dayong iyan ,Marami na silang pinat*y na mga kasamahang aswang natin..kaya Hindi Sila dapat makaalis sa Lugar na ito,kailangang uubusin natin Sila!!" Sabad Naman ni Landa,Ang kapatid ni Aling lolita. "Tama kayo nay at tita Landa.." sabad Naman ni wenona. "Anong Plano niyo sa kambal?? Ako ay natatakam na sa kanila..Sila Ang gagamot sa ating pagkakatakam noong nasa hide out Tayo na Ang Akala natin ay makakatikim na Tayo ng dugo at mga lamang loob at makakapagluto na Tayo ng Karne ng tao sa ating mga bihag doon pero Hindi natuloy dahil sa magandang babaeng manghuhula!! Kaya ngayon si ding at Ging Ang gagamot sa ating pagkakatakam,hehehehe!!" Ani lolo waldo at biglang nag- iba ang anyo nito. Mga 7:00 pm na ng Gabi at iyon ay pweding pwedi na sa pangangaswang nilang lahat na mga aswang. "Hehehehe!! Oo Tay,sina ding at Ging Ang ating kakainin at lalantakan ngayon Ang kanilang mga lamang loob!!" Sang- ayon Naman ni Landa at lolita na muling nag- iba ang anyo bilang pagka aswang. "Hindi pwedi...!! Hindi Ako papayag nay,Lolo at tita Landa!!" Galit na sigaw ni wenona at natigilan Ang mga ito. "At bakit ha!? Mga kapatid Sila ni gandara!!" Galit na tugon ni aling lolita sa anak. "Ikaw Ang kinilalang Ina Nina Ging at Ding,Hindi kaba nakokonsensya? At kayo Lolo Waldo tita Landa?? Kinilala niya po kayong mga pamilya!! Dalawang taon palang Sila nang dumating dito sa atin!! At tapos ganyan ang mga iniisip niyo ngayon?? Sa Isang madaling desisyon ay bibiktimahin niyo agad sina Ging at Ding!? Ako ang nag- aalaga sa kanila nay,itinuring ko po silang tunay Kong kapatid,kaya masasaktan Ako kapag bibiktimahin niyo Sila!! At kapag mangyari Yan, lalayas na Ako rito! At Hindi niyo na Ako makikita,tandaan niyo yang lahat!!" Mariing wika ni wenona sa kanyang pamilya. "Ano!?" Manghang sambit ni Aling lolita. "Yes nay,! Kaya huwag niyong gagalawin sina Ding at Ging!! Mas mabuti pang aalis Tayo ngayon at pupuntahan at hahanapin kung nasaan sina Gandara ngayon!! Siya Ang ating kakainin at Ang kanyang mga kasamahan!!" Nangagalaiting wika ni wenona. Umalulong si Lolo Waldo at kaya nagsilapitan Ang ibang mga aswang.nag- iingay na Naman Ang Maraming aswang na sumama kina wenona,Landa at Lolo Waldo sa pangangaswang.si aling lolita ay nasa Bahay lang dahil sa medyo malalim na sugat nitong tinamo. Hindi parin mapakali si Gandara dahil sa kaiisip sa kanyang mga kapatid.palakad lakad Siya sa Salas ng Bahay Ng Tito ni Anastasia.wala na siyang kakayahang manghula,at Hindi niya alam kung Anong sitwasyon ngayon ng kanyang kambal na Kapatid.nagkape sina Mang Lauro, Alexander,kaloy,Mang Pedong at Ang Tito ni Anastasia dahil sa lamig ng gabing iyon.naka locked na Ang kanilang pintuan at sinigurado na nilang pati mga bintana ay lock na rin.si aling bebang Naman at Anastasia ay Hindi pa tapos nagluto para sa kanilang dinner.hinayaan nalang Muna nila si gandara sa bumabagabag rito.si Beah Naman at Tala ay nagkakasundo at nagkukuwentuhan Ang mga ito at nakikinig din sa mga ito si pepoy.naaawa si Alexander na pinagmasdan si gandara.damang dama niya ang pag- aalala nito.at damang dama niya ang malaking hangad nitong makuha Ang kambal na Kapatid dahil ito nalang Ang pamilya ng magandang dalagang manghuhula.kakaiba si gandara at Hindi na iibig pa ng jba si Alexander kundi ito lang ang kanyang mamahalin at kung sakaling Hindi Siya papasa Kay gandara ay nakahanda siyang tanggapin iyon at babaonin na lamang Ang pag-ibig niya rito Hanggang kamatayan.. "Gandara,huwag kang mag- alala Hindi ka namin pababayaan,tutulong kami kung paano makuha Ang iyong mga kapatid bago Tayo aalis sa Lugar na ito..bukas na ng Umaga Ang pagsimula ng pagdedeliver ng mga materyales ng aKing hardware papuntang silay City.pagkatapos ng lahat ay aalis na Tayong lahat dito." Ani Mang Lauro. "Bukas ay sasalakayin natin Ang pamayanan ng mga aswang at babawiin sina Ging at Ding.." wika ni Alexander. "Sana ay Hindi pa Sila biniktima ng mga aswang kung may kakayahan pa sana akong manghula ay hinulaan ko na kung Anong sitwasyon nila ngayon.gusto ko na talaga Silang makuha upang aalis na Tayo sa Lugar na ito." tugon ni gandara. "Kami ay bukas na uuwi pa Cebu.." Saad Naman ng tito ni Anastasia. "Iiwan mo na kami Anastasia?? " Tanong Naman ni Gandara Kay Anastasia. "Nakapagedesisyon na si Tito Ronny ehh.." Sagot Naman ni Anastasia. "Sana gumanda kana sa muling pagkita natin Anastasia.." napangising Turan ni kaloy. "Oh,umandar kana Naman kaloy,.Hindi ko alam kung bakit ganyan kang magsalita ,Hindi ka Naman guwapo ,para kang nagmamay- Ari sa Puno ng balite.." irap ni Anastasia. Natawa Ang lahat maliban Kay gandara ngunit agad namang natahimik nang mapansin nilang malungkot at malalim parin Ang iniisip ni gandara. "Kuya Xander,pwede ko bang hiramin ulit Ang cellphone mo? Open ko lang sana Ang sss account ko baka may message na si mommy.." Ani beah na biglang lumapit. "Oh,Sige..heto.." Tugon ni Alexander at iniabot agad Kay Beah Ang cp nito. Nang ma open nito Ang sss nito ay biglang umaliwalas ang Mukha nito. "Ate gandara! Susunduin na Ako bukas agad ng parent ko!" Masayang balita ni Beah. "Mabuti Naman kung ganoon ,makakauwi kana Beah.." Ani gandara. At natuwa Ang lahat sa balita ni Beah.sabay- sabay na silang Kumaing lahat,alas otso y media na Ayun sa relong nakasabit sa dingding sa Salas ng Bahay ng Tito ni Anastasia.lumipas Ang ilang sandali Mula nang matapos ang kanilang kainan nang biglang bumundol sa pintuan ng Bahay! "Ano yun!??" Sabay- sabay na tanong ng lahat. Nagkatinginan Ang lahat.Hindi Naman umiinit Ang kuwentas niya kung sakaling aswang Ang bumundol sa pintuan ng Bahay na tinutuloyan nila.Nanlaki Ang mga mata ng lahat ng Isang sunod sunod at malakas na pagkatok Ang kanilang naririnig. "Ate Gandara..!!! Si Ding po ito at Ging!! Buksan niyo po Ang pintuan!! Tumakas po kami!! At hinabol nila kami..!! Buksan niyo po kami!!" Sigaw at nagmamakaawang wika ni Ding sa labas ng pintuan sabay kumatok ng sunod sunod! "Si Ding at Ging! Ang kambal mong mga kapatid gandara!" Gulat na sambit ni Alexander. "Ding! Ging!" Tawag sambit ni gandara. "Huwag niyong buksan ! Minsan na kaming niloko ng mga aswang dito! Kaya napahamak ang anak naming si Sally dahil naniwala kami sa style na Yan!!" Pigil at salita ni Mang Ronny.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD