"Hindi Naman siguro Tayo ipagpapalit ng kambal sa Gandara na Yan!" Sabi din ni wenona.
"Napagdesisyunan naming lahat ng Lolo Waldo mo at tita Landa anak na kapag magpapakita ng enteres sina Ging at Ding sa tunay nilang pagkatao at kung makikipag- usap pa ito Kay gandara ulit ay lalapain natin Sila,hahaha..." Ani aling lolita.
Nagulat si Wenona at Hindi lang si wenona Ang nagulat kundi pati na si Ging na nakarinig sa pag- uusap nilang mag- ina.akala ng mga ito na umalis na Sila papunta sa Bahay ng Lolo Waldo Ang Hindi alam ng mga ito na bumalik si Ging dahil naiwan nito ang cellphone nito sa ibabaw ng mesa.
"Pero nay,Hindi ba kayo naaawa?? Kayo po Ang nagpalaki sa kanila at isa pa,Ang pag- aakala nila ay tunay niyo Silang anak..kawawa Naman.." Sabi pa ni wenona.
Mas Lalong humalakhak si aling lolita na mas Lalo ding ikinamangha ni Ging Lalo na nang maririnig ng mga ito Ang susunod na pag- uusap.
"Kung magmamatigas Ang magkapatid na kambal na yan na huwag nang halungkatin Ang totoong pagkatao nila ay Hindi ko Sila hahayaang makatakas,kakatayin natin Sila!! Ako ang nagpapalaki kaya dapat ay Ako ang makakabenipisyo sa mga katawan nila! kakainin natin Sila!!" Ani aling lolita.
Pinagpawisang napaatras si Ging sa narinig at Hindi na niya Kukunin pa Ang cellphone na naiiwan sa mesa.dahan dahan siyang humakbang paalis at habang si Ding Naman ay naghihintay sa kanya sa unahan! Nanlalamig Ang buong katawan ni Ging sa narinig Buhat sa kinilala nilang Ina!
" Ging?? Anong nangyari Sayo? Bakit ganyan ang hitsura mo? Sobrang namumutla ka.." nagtatakang puna ni Ding sa kambal.
"Ding,nasa peligro Tayo.." Ani Ding.
"Ha??? Bakit Ging??" Tanong ni Ding.
"Halika doon Tayo mag- uusap sa unahan sa Puno ng Sampalok ..baka Makita Tayo ni nay lolita at ate wenona dito.." Aya ni Ging.
Sumunod nalang si Ding rito.
"Bakit Ging??" Tanong ni Ding.
"Hindi na Tayo tutuloy pa kina Lolo Waldo.Ding,totoo Pala talagang Ampon lang Tayo nina nay lolita..at naririnig Kong kakatayin nalang Tayo kapag hahalungkatin pa daw natin Ang ating
Tunay na pagkatao..papatayin nila Tayo ,kakatayin nila Tayo.." natatakot na sambit ni Ging.
Nanlaki Naman ulit Ang mga mata ni Ding.
"Ano!? K- kung ganoon,.ay baka ate nga natin si Gandara!" Ani Ding.
"Oo ding,malaking posibilidad na ate nga natin talaga siya...."tugon ni Ging.
"Naka kakaba Naman Ging! Kailangang Makita natin ulit si ate gandara,kailangan natin siyang kausapin.." Ang Sabi ni Ging.
"Pero ,huwag lang tayong magpahalata kina nanay lolita at ate wenona..kailangang lihim tayong eeskapo Tayo dito upang Hindi Tayo manganganib..
Iyon nga Ang ginawa ng kambal ,Hindi Sila nagpahalata na alam na nila Ang totoo nilang pagkatao na inampon lang Pala Sila ng mga ito atay balak la Silang kakatayin ng mga ito kapag magkakamali Sila!
Isang hapon Hindi nakikita ng kambal Ang nanay lolita nila at si ate wenona Naman nila ay kanina pa itong umalis ng Bahay ,baka nagpunta ito sa Bahay ni Lolo Waldo.
"Wala si ate wenona,Wala din si Nay lolita! Kaya tawagan natin si kuya Alexander na gusto tayong makikipagkita Kay Ate gandara." Ani Ding Kay Ging.
At nagmamadali nga nilang tinawagan si Alexander!
"Doon Tayo sa ilalim ng punong Sampalok at Doon natin Sila hihintayin.yun Ang Sabi ko sa kanila. " wika din ni Ging.
Thirty minutes nalang bago mag alas singko Ayun sa time ng cp nilang dala.kanina pa sana Sila gustong tumawag Kay Alexander ngunit parang binantayan ng nanay lolita nila Ang kanilang nga kilos.tinawagan nga nila si Alexander sa ilalim ng Sampalok.
"Ikaw Ang magbantay sa kaliwa Ging,at Ako Naman ang kanang side! ." Ani Ding.
"Oh Sige,sana bilisan nila Ang pagpunta dito." Ani Ging.
madaling sumugod Naman sina gandara Kasama si kaloy at Alexander sa bakuran ng Bahay Nina Mang Lauro na pag- aari na ngayon ng mga aswang!
"Ding!! Ging!!" Umiiyak na salubong ni gandara sa kambal at Kasama din ng mga ito sina Alexander at kaloy.
Maraming Dahong halamang nakapaligid sa Puno ng Sampalok..kaya di agad iyon makikita kapag may nag- uusap doon sa ilalim ng Sampalok na ito.niyakap ni Gandara Ang magkapatid at tuwang tuwa ito.
"Sandali lang po,gusto po naming linawin sainyo ngayon kung totoo bang kapatid mo kami..at kung Anong dahilan ng pagkalayo namin sainyo.." Ang Sabi pa ni Ging.
Lumuha si gandara.
"Oo Kapatid ko talaga kayo..at kayo Ang mission ko dito..kung bakit nandito Ako sa delikadong Lugar na ito,.Ging,ding..maniwala kayo sa akin..Saka ko na isasalaysay sainyo Ang lahat kapag sasama kayo ngayon sa akin! Habang Wala pang nangyari sainyo dito.."mahinang bigkas ni gandara.
Nagkatinginan Ang magkambal.
"S- Sige po,sasama po kami..takot na takot na po kami diito Mula pa kahapon nang Malaman namin Ang katotohanan at nang Maririnig namin na pinagplanuhan din kaming kakatayin! Ay mas Lalo kaming natatakot !! "Nanginginig na tugon ni Ging.
"Opo ate gandara!" Sang- ayon Naman ni Ding.
"Oh Ano pang hinihintay natin?? Alis na kaagad Tayo dito!" Wika ni kaloy.
"Oo nga baka maabutan pa Tayo dito!" Ang Sagot ni Alexander.
Ngunit natigilan Silang lahat! Papaalis na sana Sila nang medyo yumugyog Ang ibabaw ng punong Sampalok kaya kapwa Silang lahat tumingala sa ibabaw! Nanlaki Ang kanilang mga mata nang makitang nasa ibabaw ng Sampalok si aling lolita at nakabalasik Ang anyo nitong tumingin sa kanila at Ang mga buhok ay nagsipagtayuan habang napakabit- Kabit ito sa sanga ng punonng Sampalok!!
"Ahhhhhh!!" Sabay tili pa nila sa nakikita!
"Kaya Pala Wala si nay lolita Ging! Dahil nasa ibabaw Pala Siya dito ng Puno ng Sampalok!"gulat na sambit ni Ging.
"kung ganoon ay naririnig niyang lahat Ang pag- uusap natin! Kaya di na talaga pweding babalik pa Tayo doon sa Bahay!!" Tugon din ni Ding.
Mabilis na tumalon si aling lolita Mula sa itaas! At di Nila napaghandaan ang sumunod na nangyayari! Kaagad na Sinunggaban ni aling Lolita si Ding at mahigpit na niyapos at sinakal sa leeg!
"Ahhhhh!!! Nay lolita ,bitawan niyo po Ako!!" Sigaw ni Ding.
" Ding!!" Sambit ding sigaw ni Ging.
Alerto namang sabay na sinugod Nina Gandara, Alexander at kaloy si aling lolita at si Ding! sinaksak ni Alexander sa dalang hunting knife ang aswang na si lolita! upang mabitawan lang nito sa pagsakal si Ding.habang si gandara at Ging Naman ay pinagtutulongang kalasin Ang kamay ng aswang na si lolita sa leeg ni Ding at bawiin nila rito si Ding! Pinokpok Naman ni kaloy Ang ulo ni aling lolita ng matigas na kahoy! Kaya nanlumo ang buong katawan nito at mukhang babagsak sa lupa sabay bitaw nito Kay Ding!
"Jusko salamat!!" Sigaw ni Gandara.
Natuwa na sana Sila nang makitang lugmok si aling lolita at may sugat ito upang makakatakas na pauwi sa malayong Bahay pa ng Tito ni Anastasia ngunit biglang dumating si wenona at may mga kasamahang aswang!hinablot nito Ang Mahabang buhok ni GandarA! Pinagtutulongan ng mga aswang si gandara!
"Ate gandara!! " Sabay na sigaw ng kambal.
Mabilis namang kumilos ka agad sina Alexander at kaloy at sinugod din sina Wenona at àng mga Kasama nitong mga aswang na umaatake Kay Gandara upang tulongan si gandara.!
Habang sinunggaban Naman Ang magkambal na si Ging at Ding sa maraming aswang at tinangay palayo Ang kàmbal!
""Ding!! Ging ..!!" Sigaw ni gandara