YUGTO 39

1474 Words
"N-nay,bakit po kayo natatawa??" Di napigilang Tanong ni Ging Kay aling lolita. "Wala! Halika na wenona,magpapahinga Muna Tayo! At kayo Ging at Ding..ayokong makikipag- usap pa kayo sa gandara na yun! Naiintindihan niyo??" Sabi pa ni aling lolita sabay mukhang Galit na tumalikod. Sumunod nalang din si Wenona sa Ina upang makakapagpahinga na Muna Sila Mula sa hide out.naiwan namang nagkakatinginan sina Ding at Ging. "Ding,parang nagdududa na Ako..baka totoong inampon lang Tayo..sa mga reaksyon ng nanay Lolita ay mukhang Galit na Galit Siya sa nalalaman tungkol sa pagpunta rito ng magandang babae..at parang sumama Ang pagkakatingin niya kanina sa atin.." Mahinang wika ni Ging sa kambal na si Ding. "Ako nga rin Ging ehh,.at alam mo ba?Magaan agad ang loob ko sa nagngangalang Gandara na nagpupunta sa atin dito at nagpakilalang ate natin Siya..At iniisip ko Ang hitsura niya,may pagka similarity Tayo sa kanyang mukha..p- para bang totoong Kapatid talaga natin Siya dahil may kahawig Tayo sa kanya.." Ani Ding sa kambal. Natigilan si Ging at saglit na napaisip. "T- Tama ka Ding..Hindi nga Tayo nalalayo sa kanyang hitsura..p- pero s- Sabi ni nay lolita,anak daw niya talaga Tayo,nalilito na Ako ehh..ayaw na niyang makikipag- usap pa Tayo Sa nagngangalang Gandara.." Tugon Naman ni Ging. Samantalang Ang lahat na kasamahan ni Gandara ay kagigising lang,mga 11: 00 am na Ang mga ito nakakabangon at sabay Silang kumain.unang bumangon sina Gandara at Anastasia upang magluto ng kanilang pananghalian.pagkatapos nilang nananghalian ay inihanda na Nina Aling Ester,Mang Dario at Ng dalagitang si Marla Ang kanilang mga sarili upang ihatid na ito Nina Mang Lauro at Alexander sa Syudad upang makauwi na Ang mga ito sa Lugar ng mga ito.nalungkot man Sina aling Ester at Mang Dario sa kanilang pag- alis dahil Hindi na sila kumpleto at nabiktima ng mga aswang Ang Isang anak na si Dina ay ipinagpasalamat nalang nilang Hindi Sila tuloyang nakatay ng mga aswang upang Hindi tuloyang mag- iisa sa Buhay Ang kanilang anak na si Marla. "Ate gandara..paalam.sana magkita pa tayong muli .." Tumulo ang luhang wika ni Marla. "Mag- ingat kayo sa byahe..sana maawa Ang panginoon at makuha ko na Ang mga kapatid ko para susunod na rin kami sa pag- alis sa Lugar na ito.." tugon ni gandara. "Ipagdasal namin Yan..gandara,Maraming salamat Sayo at sainyong lahat.." Ani aling Ester. "Salamat sa tulong niyo..sana nga magkita kita pa tayong lahat sa huli.." Sabi na din ni Mang Dario. "Sige mag- iingat kayo.." halos sabay tugon ng lahat. Inihatid na nga Nina Mang Lauro at Alexander Ang pamilya ni Mang Dario.. Si Beah Naman ay parang tulala itong nakaupo,mukhang shocked parin ito dahil sa muntik na silang mabiktima ng mga-aswang at Ang nobyo nito ay siyang nadali ng mga aswang.kitang kita Kasi nito kung paano binalbal Ang nobyong si Stephen sa Isang aswang.naawa Naman si Gandara dito at ito'y kinausap. ",Beah..huwag kanang malungkot.gusto mo bang tawagan natin Ang mga magulang mo at ipaalam na nandito para susunduin ka nila??" Tanong ni gandara dito. Tiningnan Siya nitong may mga luha sa mga mata. "Nahihiya po Ako sa mga magulang ko..puro nalang sakit ng ulo Ang ibinigay ko sa kanila,alam Kong Hindi Sila mapakali Hanggang ngayon sa pagkawala ko..at isa din po si Stephen ang iniisip ko..parang di ko po matanggap Ang nangyari sa boy friend ko.." tuloyang umiiyak na wika ni Beah. "Huwag kanang umiyak..kailangang ipakuha ka namin dito sa mga magulang mo,kailangang makontak natin Sila upang masundo ka nila dito dahil Hindi ka safety rito..tayong lahat ay nasa peligro ang buhay natin dito kaya lang ay may mga kailangan pa kaming Gawin rito bago kami lilisan sa Lugar na ito.." tugon ni gandara dito. "Salamat po ate gandara..napakabait niyo po..paano ko po ba mako- contact Ang mga magulang ko ,nawawala Ang cp ko ehh nang bihagin kami ng mga aswang.." Ani Beah. "Huwag kang mag- alala..may cellphone si Alexander..pwedi mong gamitin at I chat sa f*******: Ang mga magulang mo..para magsusundo ka nila at di na rin Sila mag- alala Sayo..." Suggest ni gandara. " Thank you so much po.." muling tugon ni Beah. Ang Tito at tita ni Anastasia ay nakakapagdesisyon na rin na uuwi na Sila ng Cebu dahil Wala na silang hihintayin pa sa Lugar na iyon dahil Wala na Ang anak na si Sally. Pag- uwi Naman Nina Alexander Mula sa kanilang paghahatid ay si gandara MISMO ang humiling Kay Alexander na pahiramin ng cp si Beah para ma contact nito ang mga magulang.. Habang Ang mga magulang ni Beah ay nanlalalalim na Ang mga mata sa walang tamang tulog sa kakaisip Kay Beah.ni report na nila ito sa mga police ngunit Wala pang update Ang mga police sa pagkawala ng kanilang anak.malungkot na nakatayo sa labas si Mang Fernando habang tinanaw Ang mala asul na kabundukan sa malayo. "Wala na ba talaga ang aKing anak panginoon ko?? Alam Kong anak ko si Beah sa pagkakasala sa ilalim ng iyong batas..pero sana Naman ay Ibalik mo Siya sa amin.." napaluhang mahinang hiling ni Mang Fernando. "Alam Ko kung gaano kalaki ang kasalanang nagawa ko ..dahil tinalikuran ko Ang aKing unang pamilya ..Ang apat Kong maliliit pa na mga anak ay kinaya Kong tinalikuran noon..at huli na nang ma realized Ko kung gaano Pala Sila kahalaga sa akin.ang kambal Kong anak,Ano na kaya Ang hitsura nila?? Ang ikalawa Kong makukulit na anak,siguro makulit parin Siya Hanggang ngayon..at Ang napakaganda Kong panganay na anak,kumusta na kaya Siya?? Kumusta na kaya Silang lahat?? At nasaan ba kaya Sila ngayon?? hindi ko na Sila mahanap pa..sa loob ng Maraming taon..gustong gusto ko na silang Makita pero ipinagkait iyon ng Tadhana..kumusta na kaya ang Asawa ko ? Ano na kayang sitwasyon nila ngayon..??jusko,pati si Beah ay mawawala din sa akin..kahit laging sakit ng ulo Ang ibinigay niya sa akin pero kailangan parin namin siya..lord.." Tumutulo na Ang mga luhang usal ni Mang Fernando. "Fernando!! Si Beah,nagcontact sa akin sa chat! Nasa baryo manara daw Siya sa malayong bahagi ng baryo!!" Humihingal na wika ni sandra kay Fernando. Biglang umaliwalas ang Mukha ni Fernando.ngunit napatda iyon nang maisipang pugad ng mga-aswang Ang malayong bahagi ng baryo manara! "Sandra,mapanganib Ang baryong iyan!! Sa malayong bahagi ng baryo na Yan ay may tila PARAISOng kagandahan Ang Lugar na Yan!! Pero diyan Ang Maraming pamayanan ng mga aswang! Mas okay pa nga iyong bundok na pinasyalan ng ating anak Kasama ang kanyang nobyo dahil kahit nasasakupan iyon ng baryo manara ay Wala ng gaanong mga aswang doon.." namumutlang wika ni Fernando. Namutla na rin si Aling Sandra sa narinig. "Jusko Ang anak natin..Anong gagawin natin?? Magpapasundo Siya sa atin sa baryo na Yan!" Ani Sandra na parang muling iiyak sa sobrang pag- alala nito. "Kalingang Susunduin natin Ang ating anak doon!!" "Magpapasama Tayo sa mga police Fernando.." Ani aling Sandra. "Hindi pwede Sandra,kasusuklaman at kapopootan Tayo ng mga aswang pag- gagawin natin Yan,susundan at Hindi Tayo nila tatantanang lahat kapag gagawin natin Yan.noong Bata palang Ako ay narinig Kong Sinalakay ang baryo Luna noon ng mga aswang na nagmula sa baryo manara sa kadahilanang ipinagyera ng mga ito Ang baryo manara noon ng mga sundalong military upang ubusin Ang mga aswang sa Lugar na yan..dahil sa pagnanais ng Isang mayamang kapitan sa Isang baryo na gagawing pasyalan at I negosyo Ang baryo manara dahil sa Ganda at natural view nito..na masasabing isa itong PARAISO sa Ganda ..kaya lang Hindi nagtagumpay Ang mga military noon sapagkat may sekretong lungga noon Ang mga ASWANG upang di Sila mapaano lahat..at alam mo kung Anong nangyari? Sinalakay ng mga aswang Ang baryo Luna at Pinatay Ang kapitan nila at marami ding namatay noon.. kuwento ng aKing Ina..kaya Galit na Galit Sila kapag makakita ng mga police at military.iniiwasan na nga Ang Lugar na Yan ng mga nakakaalam ng history diyan..kaya lang may mga dumadayo tlaga diyan at Hindi alam Ang history ng Lugar at Meron ding matigas Ang ulo at di naniniwala kaya Marami nang nakakatay na mga inosenteng tao sa baryo manara na Yan.."Mahabang salaysay ni Mang Fernando sa kalaguyong si aling Sandra. "Kung ganoon Anong gagawin natin??" Nag- alala Ang mukhang Tanong ni aling Sandra. "Gamit Ang kotse natin ay papasukin natin Ang baryo manara na Yan..at ihanda natin Ang ating mga sarili dahil siguradong mapapalaban Tayo sa mga-aswang! Magdadala Tayo ng mga armas dahil Kailangan nating masundo Ang anak natin doon.." Ani Mang Fernando. "Jusko..." Sambit ni Sandra. Si aling lolita naman at wenona ay nag- uusap Ang mga ito tungkol sa kambal. "Ako ang nagpapalaki sa kambal na Yan..tapos bigla nalang darating Ang gandara na Yan at sabihing ate Siya ng kambal..?? Anong gusto ni gandara,? Ay Kukunin nalang ng ganoon ka Dali Ang kambal?? Naiinis na talaga skon sa gandara na Yan!! Alam Kong Siya rin ang humagis sa atin ng matinding oracion doon sa hide out!!" Galit na Galit na wika ni aling lolita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD